CHAPTER 37

17 8 0
                                    


Problem

                 PERDEE'S POV

"Napakadami naman ng mga plates na to" reklamo ko sa sarili ko

"Nako Ulap kesa nagrereklamo ka dyan ay gawin mo ng gawin gusto mo lang ata makita si Vina, teka nagustuhan niya ba yung singsing?" Pangungulit saakin ni Lei

"Syempre naman nako kung hindi ko lang talaga napigilan yung sarili ko nun baka nagpropose na ako e" sabi ko naman

"Sorry Ulap ah hindi kita matulungan dyan kasi aalis na ko bukas sa Palawan kami magt-training you now naman fly fly lang sa sky ang pinsan mong future flight attendant" pagkukwento ni Lei

"Ayos lang yun kaya ko naman to ako pa ba" proud na sabi ko kay Lei

Kring kring kring

Agad ko itong sinagot ng makita ko na si Mommy ang natawag

"Son" unang bigkas palang ni mommy ng salita ay alam kong may problema

"I really need to do this sana maintindihan mo" dugtong niya pa habang nahikbi

"What's it mom?" Kalmadong tanong ko

"I really need to file a divorce paper for me and you dad, nagagalit saakin ang lola mo at babawiin niya saakin ang business natin dito kapag hindi ko tuluyang hiwalayan ang daddy mo" naiiyak na sabi niya

"Talking about business again. Mom are you sure that you're willing to sacrifice your own husband and family for that business? Hinayaan niyo na talaga na hindi bigyan si daddy ng second chance no? Leave that business mom gagraduate narin naman ako this year magsisikap ako para ikaw din mismo ang mag aasikaso ng business na itatayo ko" paliwanag ko kay Mommy sa medyo mataas na boses.

"No baby i can't! Alam mo kung gaano kahalaga saakin ito, susuportahan parin naman kita kahit may sariling business kana" pagpapaliwanag niya

"Mom" i sighed "kelan mo ba kaming balak piliin ni dad?" Habang tumutulo ang luha ko

"Anak mahal na mahal naman kita hindi pa ba sapat yun?" Tanong niya saakin

"Mom hindi ko kinukwestiyon ang pagmamahal niyo saakin, pero pwede ba for once pamilya mo naman bago ang business na yan?"

"No one can't change my mind baby im sorry promise babawi ako sayo" she said and end the call

"Damn!"Sigaw ko sabay bato ng aking cellphone

Paulit ulit ako sa aking ginagawang plates ngayon hindi ako makapag focus kaya nakailang ulit ako isa lang ang gusto ko ngayon.

Vina i need you.

Dali dali akong pumunta sa aking sasakyan at nagpunta kala Vina sana ay gising pa siya dahil 2:30 am narin ngayon kailangan ko lang ang yakap niya.

"Oh anong nangyari sayo bakit ka naiyak?" Tanong saakin ni Vina

"No, love hindi ako naiyak" sabay punas ko ng aking luha "namimiss lang talaga kita I'm sorry naging emotional ako"

"Imissyou too love, tapos mo na ba mga plates mo?" Tanong niya muli saakin

"Yes love tapos na magpapahinga nalang ako pag uwi" pagsisinungaling ko kahit tatlo palang ang nauumpisahan ko sa limang plates na gagawin ko

"Okay good, uwi kana love anong oras na please matulog kana agad ha, and ihanda mo na lahat yung limang plates na ipapasa mo, bukas na deadline niyan e" paalala niya saakin

"I love you" i kissed her

"I love you too wag kana umiyak please nakita mo na ako e" sabay tawa niya kaya natawa rin ako

"Masaya lang ako love kasi gising ka pa i'll go home na goodnight"

Wala akong balak sabihin kay Vina ang problema na kinakaharap ko ngayon dahil ayoko naman na dumagdag pa ito sa kanyang iisipin lalo na't kitang kita ko rin ang pagod sakanyang mga mata.

Spring ApartWhere stories live. Discover now