Families
(Fast forward tayo mga beh medyo mahabang update)
Naging maayos naman ang buong pag-aaral namin lalong lalo na kami ni Perdee dahil madalas na nasa bahay kami para mag aral si Yva ang palaging nakakasama namin dahil parehas kami ng kurso samantalang si Lei naman ay sa mga kaibigan niya sa tourism, sabay din kaming gumagawa ng ilang mga projects namin. Alam ko na mahirap ang kursong kinuha ko pero nung nakita ko kung gaano kaseryoso si Perdee habang ginagawa ang kanyang mga project lalo na ang kanyang plates ay naaawa ako sakanya, dumating siya sa punto na hindi na siya natutulog dahil pinapaganda niya bawat gawa niya naiisip ko rin kung gaano pa kadami ang pag daraanan namin lalo na at second year college palang kami. Totoo naman ang pangako saakin ni Mommy at Papa dahil umuwi sila noong birthday ko nung July. Masaya kami ni Perdee lalo na noong nalaman namin ang resulta ng aming Mid-Terms ngayon dahil parehas ulit kaming nasa Dean List nagsusumigaw na naman ang kanyang pangalan sa pinaka unang numerong nakita namin.
Araw araw ata akong pabibilibin ng lalaking ito, nakikita ko kung gaano siya ka pursigido sa bawat ginagawa niya hindi malayong maging matagumpay siya pag nakapagtapos kami.
Hindi ako makapaniwala na sa susunod na Linggo ay dalawang taon na kaming magkasama kilalang kilala ko na siya alam ko na ang kahinaan at kalakasan niya at dahil dun mas lalo ko siyang minamahal. Tumawag narin saakin sila Papa na uuwi narin sila para dito sila mag celebrate ng pasko.
Nag uumpisa na kami ngayon maghanda ng ilang pagkain para sa handa namin mamayang noche Buena nandito rin si Perdee saamin upang tumulong
"Nako iho tuwang tuwa ako dahil tinupad mo talaga ang pangako mo na aalagaan mo ang anak namin" sabi ni Mommy kay Perdee
"syempre naman po tita hindi ko po kayang makita na nahihirapan yan e kaya po madalas nandito din ako sa bahay niyo para po matulungan ko din siya sa mga ginagawa niya"
"Ay iho baka naman ang pag-aaral mo ang mapabayaan mo kakaasikaso mo kay Vina" sabi naman ni Papa
"Hindi naman po tito kaya ko pa naman po pagsabay sabayin" sabay tawa ni Perdee kay Papa
Kring kring kring
Agaw pansin ang tunog ng cellphone ni Perdee kaya naputol ang usapan namin
"Mom? Talaga po? Kelan po dating niyo ni Dad? Osige po iloveyou mom"
Teka tama ba ang narining ko na dadating ang parents niya? Hindi pa ata ako ready humarap sa mommy niya parang bumabalik saakin yung kaba ko noong nameet ko ang daddy niya
"Iho, dadating ang mga magulang mo?" tanong ni Papa
"Opo tito ngayon din po makakasama ko po sila mag noche buena" natutuwang kwento ni Perdee
"ah sya kung ganun ay papuntahin mo nalang sila dito at sabay sabay na tayong mag noche buena para naman makilala namin ang magulang ng gwapong nobyo ng aking anak" nagagalak na sabi ni Papa
"ayos lang po tito? Osige po panigurado mas matutuwa po sila" paunlak ni Perdee
Paano na ito? Magkakaharap-harap na mga magulang namin abot hanggang tuktok ng ulo na naman ang kaba ko neto.
Umuwi muna si Perdee sakanila dahil sabay sabay na daw silang pupunta dito mamaya. Agad akong nag ready ng isang red na damit, tradisyon na namin ito nila mommy tuwing pasko. Nagsuot lamang ako ng isang white skirt at red crop top na offshoulder. Nagulat ako saaking nakitang Luxury Car sa harap ng aming gate at nakita ko agad si Popshie na inaalalayan bumaba ang Mommy ni Perdee . Teka mukhang nag ka ayos na ang mga magulang niya ah?
Sinalubong sila nila Mommy at Papa at agad pinatuloy sa aming dinning area
"Its my pleasure to meet you both and especially you Vina dear" ito ang unang bati ni Tita Pauleen nakita ko din ang pangisi ngisi na si Perdee na nasa tabi nila
"Nako hindi na ako magtataka kung bakit napakagwapong bata netong si Perdee ay kagaganda naman pala ng lahi nitong batang ito" pagpupuri ni Mommy
"ay nako salamat" sabay tawa ni Tita Pauleen "alam mo bang natutuwa ako dahil palaging kinukwento ni Perdee saakin lahat ng achievements nila ni Vina dahil dun talagang sinusuportahan namin siya ng daddy niya" sabay tingin nito kay Popshie at binigyan ng hilaw na ngiti
Alam kong tama ang nakikita ko na parang nagpapanggap lang sila na magkasundo sila ngayon sa harap ni Perdee.
"natutuwa nga rin ako dahil tinutupad talaga ni Perdee ang pangako niya saamin na hindi niya pababayaan ang Vina ko lalo na't nasa ibang bansa kami para lang mag asikaso ng business doon" pagkukwento ni Papa
"Vina alam kong malayo ang mararating niyo ni Perdee kaya umaasa ako na ipagpapatuloy niyo ang naumpisahan niyo" sabi ni Popshie na ngayon ay nakangiti saamin ni Perdee
"opo po-p-shie" paputol putol na sabi ko
"aba at siguradong ikaw ang nagturo niyan kay vina" sabay tawa ni Tita Pauleen at tinapik pa ang balikat ni Popshie
Naaawa akong tignan na hindi nahahalata ni Perdee na pinipilit lamang ng kanyang mga magulang na maging maayos sa kanyang harapan. Sana ay hindi masaktan si Perdee kapag nalaman niya ito.
YOU ARE READING
Spring Apart
RomanceViel Ceana Villa her name says it all. A girl with a dreams, A girl that every boy wants to have. But how come that her very own Mom doesn't seem to support her passion? Will her dreams can be possible with the help of her family or with the suppor...