CHAPTER 46

8 4 0
                                    

Comeback

  LEI'S POV

Ngayon na ang araw na pinakahihintay naming lahat.

Graduation Day!

Lahat ng mga studyante ngayon ay hindi mapakali sa pagkuha ng kani-kanilang pictures kitang kita ko mula sa kinauupuan ko ang pwesto nila Vina at Yva dahil magkaklase lamang sila. Dala dala ko din saaking bag ang drawing na ibinilin saakin ni Ulap na ibigay ko daw kay Vina ngayong araw.

Si Vina lang ata ang pinakamalungkot ngayong araw sapagkat isa sa mga pangarap nila ni Ulap na sabay silang aakyat sa stage na ito ngunit ngayon ay siya lamang ang nakatupad nito.

Nang matapos na ang buong program ay nagsitayuan na ang lahat nagpaalam naman ako kala mommy at sinabi kong pupunta lang ako saglit kala Vina. Natanaw ko agad si Vina sa hindi kalayuan kung saan pinipicturan siya ni Tita Ivy ngunit halata na napipilitan lamang siyang ngumiti

"Psst Vina" tawag ko sakanya sabay yakap "congratulations satin!"

"Congratulations" mahinang tugon niya

"Is this about Ulap again? Come here i just want to tell you something" sabay hila ko sakanya sa kakaunti lamang ang tao

"Ano yun Lei? Alam mo na ba kung nasan si Perdee, halos dalawang linggo na akong naghihintay sa kanya pero kahit magparamdam man lang saakin hindi niya magawa" sabay iyak ni Vina

"I'm sorry Vina pero the day before Ulap leave naabutan ko siya sa bahay namin na nag aayos ng mga gamit niya, tinanong ko sakanya kung gusto ka ba niyang makausap bago siya umali-" hindi ko na naituloy ang sinabi ko dahil bigla siyang nagsalita

"Yung gabing natutulog ako hindi ako sigurado kung si Perdee yung nakita ko pero naramdaman ko na hinalikan niya ko sa noo! Sigurado ako na siya yun pero bakit hindi man lang niya ako kinausap at huling narinig ko pa mula sa kanya ay bibitawan niya na daw ako, Lei please help i can't loose him mahal na mahal ko siya" hagulhol ni Vina saakin

"Vina mahal kadin niya pero nung nakausap ko siya kitang kita ko kung pano siya nanindigan na aalis siya ayaw niyang ipasabi sayo dahil baka daw magbago ang isip niya, sobra siyang nasaktan nung pinagtabuyan mo siya Vina, I'm sorry hindi ko siya napigilan" paghingi ko ng patawad kay Vina

"So ano? Ganun nalang yun? Hindi ko sinasadya na pagsalitaan siya ng ganun gusto ko lang naman ay ayusin niya muna yung mga kailangan niya sa school ang gusto ko lang naman maging maayos kaming lahat, pansamantalang distansya lang ang ibig sabihin ko pero bakit ganito? Alam mo ba kung nasan siya?" Tanong saakin ni Vina

"Oo bumalik na siya sa US kasi may problema din siya sa pamil-" pinutol ko ang aking sasabihin dahil wala ako sa tamang pwesto para magkwento sakanya ng lahat

"Anong problema yun Lei? Bakit hindi niya sinabi saakin? Edi sana nakatulong ako" sagot ni Vina

"Maybe he doesn't want to be a burden to you Vina, sa ngayon intindihin nalang muna natin si Ulap dahil sinunod niya lang naman ang gusto mo" sabay yakap ko ulit kay Vina

"He's never been a burden to me Lei please promise me kapag may update ka tungkol sakanya sabihin mo saakin ha, sa tingin ko ay ayaw niya na akong makausap"

"Okay Vina i promise, anyway i have this for you bilin saakin ni Ulap na ibigay ko daw ito saiyo ngayong araw ng graduation natin" sabay abot ko sakanya ng brown envelop na hawak ko.

Kahit nasaakin ito ay hindi ko sinubukang buksan para tignan ang laman pero sa tingin ko ay isa ito sa mga drawing na gawa ni Ulap na pang regalo niya kay Vina

Nang mabuksan niya ito ay kitang kita ko ang tuluyang pag agos ng luha ni Vina

"I'm sorry my love please comeback to me" yan ang huling salita na sinabi ni Vina bago siya tawagin ng parents niya.

Spring ApartWhere stories live. Discover now