Uno

401 7 0
                                    

3rd Year College; November 6
Kristene Rae's Birthday

"Kristene! Happy Birthday!" Masayang bati ni Maru kay Kristene nang makarating ito sa malaking bahay ng mga Adriano. Mansyon nga ito kung tawagin ni Maru dahil sa sobrang laki nito. Sa kanilang magbe-best friend, isa si Kristene sa 'rich kid' kung tawagin.

Si Maru, ang pinaka-unang naging matalik na kaibigan na babae ni Kristene noong 1st year high school palang sila. Ang tingin kasi ng ibang tao kay Kristene noon, masungit, bitch, at malandi. Kaya hindi sya nagkakaroon ng talagang matatawag nyang matalik na kaibigan o best friend na babae.

But here she is, having a good and long term relationship with Maru, her best friend. At isang patunay ng pagiging matalik nilang magkaibigan? Same course ang kinuha nila, HRM.

"Maru! Thank you!" She said then hugged Maru tightly.

"Happy Birthday Kristene Rae Castilleja Adriano." Bati naman ni Owen, ang Kuya by heart ni Kristene slash best friend din.

His full name is Owen Safford. Matalik na kaibigan ng magulang ni Kristene ang magulang ni Owen kaya't mga bata palang ay magkakilala na sila. He's pursuing medicine course. Balak nitong maging isang Doctor. Poging 'gagong' Doctor to be exact

Napailing nalang si Kristene. Ang gago kasi buong pangalan talaga ang binanggit. "Gracías Carnal."

Napangiwi naman si Owen nang tawagin syang 'Carnal' ni Kristene. Well, slang for brother kasi ito sa Spanish. Kristene is a native speaker of Spanish language. Parehas kasing half-Spanish at half-Filipino ang magulang nya.

"Pwede bang Kuya nalang? Tang'na! Pangit pakinggan eh. O kaya Hermano mas okay pa yon." Reklamo ni Owen kay Kristene.

"Bakit ka ba nangingeelam? Eh gusto ko yan eh!" Sabi ni Kristene sabay irap kay Owen na ikinatawa nito.

"Nasaan si Krislene?" Tanong ni Maru kay Kristene.

Si Krislene nga pala ang nakababatang kapatid ni Kristene. Her full name is, Krislene Raye Adriano. She's just one year younger than Kristene and she's in 2nd year College, taking up BS in Business Management.

"Ayun, nasa Pagudpud ulit ang kapatid ko. Madalas naman magcelebrate 'yon ng birthday nya 'don. Hoping she'll cross paths with her childhood sweetheart again."

Same month ang birthday nila ni Krislene. November 6 ang birthday ni Kristene, habang si Krislene naman ay November 7. At totoong doon ito nagcecelebrate ng Birthday sa Pagudpud, kung saan nito nakilala ang kanyang 'puppy love'.

Puppy love nga lang ba? Well, that we should all find out in her story.

"Anyway, hindi nyo kasabay si V?"

Nagkatinginan si Owen at Maru at parehas na hindi nakasagot sa kanya.

She faked a smile. Mukhang may iba nanamang inuna ito. As expected. Simula nang manligaw ito sa isang 3rd year Business Administration student.

"Anyway, tara na sa loob. For sure gutom na kayo. May pagkain na 'don." Pag-iiba nya sa usapan.

Tumango naman sina Owen at Maru sa kanya at sabay-sabay silang pumasok sa loob ng bahay.



________________

While the two were busy eating, Kristene excused herself and went to the living room where she left her phone. She sat on the couch and got her phone to checked if the most important person in her life messaged her. But when she looked at it, dissapointment washed over her.

Wala man lang maski isang text.

Ano nakalimot lang sa birthday ko V?

V ang tawag ni Kristene sa isa pa nilang best friend. His name is Vincien Mikael Santillan. He's one of the most important person in her life. And honestly, he's Kristene's special someone.

ToGetHer ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon