Veintidós

95 4 0
                                    

"Saan ka magce-celebrate ng New Year later?" Tanong ni Kristene kay Alexander. Nandito kasi sya ngayon sa Le Mortejo dahil isinama sya ng Boss nyang si Dylan. And of course, counted daw ito sa OJT hours nya.

"Dito lang ako. Wala si Boss eh!" Sagot ni Alexander sa kanya.

"You're not going to celebrate New Year with your Sister Alex?"

"Nope. Pero baka pumunta ako sa kanila after ng shift ko. Ayan si Dylan ayain mo magcelebrate ng New Year. Wala ang magulang nyan dito nasa Guam."

Napatingin naman sya sa gawi kung nasaan si Dylan na busy kausapin ang ibang Resto Bar Staffs.

"Aayain din nga sana kita." Sagot ni Kristene nang bumaling sya ng tingin muli kay Alexander.

"I would like to pero walang tatao dito sa Resto Bar. Next time nalang. Isa pa malaki ang bonus ko kay Boss." Alexander said while grinning from ear to ear.

"Okay. Si Dylan na nga lang ang aayain ko."

"Oo! Yan ayain mo 'yan. Hindi na nakakapag-celebrate ng maayos yan. Tipong Birthday nya, New Year, or even Christmas hindi nya maicelebrate ng maayos. Kami pa nga pumipilit ni Boss sa kanya eh."

Napatitig tuloy sya ulit kay Dylan. Dahil ba sa kanya kaya hindi na ito nagcecelebrate? Para tuloy ang laki ng kasalanan nya kay Dylan. Hanggang ngayon wala pa rin talaga syang maalala tungkol dito. Simula kasi pagkabata, si Vincien at Owen na ang laman ng memorya nya. Sila ang mga kababata nya eh. Pero bakit si Dylan nakalimutan nya?

"Sige salamat Alex— Alam mo ang haba ng pangalan mo. Ano bang itatawag ko sayo? Kasi ang tawag ko sa kapatid mo Alex lang. Eh ikaw ayaw ko naman tawaging Xander kasi pangit 'yon."

Mahinang natawa si Alexander. "Lex if you want."

"Elliss?"

Sinamaan sya ng tingin ni Alexander. "Don't you dare Rae."

"Bakit second name mo naman 'yon ah?"

He scoffed. "Ayoko 'non."

She chuckled. "Fine Lex! I'll call you later para batiin ka ng Happy New Year."

"Much better. Hihintayin ko ang tawag mo."

"Okay. Puntahan ko lang si Dylan." Paalam nya sa kaibigan at nag thumbs-up ito sa kanya.

Pumwesto lang si Kristene sa likod ni Dylan habang kausap nito ang mga Staff ng Resto Bar. Naupo sya sa isang high stool at pinapakinggan lang nya kung ano ang binibilin ni Dylan dito.

Indeed, he's a badass boss in his own way.

"So... are we clear?"

"Yes Sir!" Sabay-sabay na sagot ng mga Staff.

"Okay. You may get back to work."

At isa-isang nagsialisan ang mga Staff sa harapan ni Dylan pero hindi pa rin sya nito nararamdaman.

She poked his back. "Dylan."

Agad naman napatingin sa kanya si Dylan na parang gulat pa. "Oh Rae, kanina ka pa dyan?"

She nodded. "I heard you talking to the Staffs like one hell of a badass Boss."

Dylan smirked. "Bilib ka na nyan?"

"Medyo. Anyway, Boss. May gagawin ka mamaya?"

Umaktong nag-iisip si Dylan bago sya sumagot. "If I remember correctly, wala naman. I'll be staying here at the Resto Bar."

"Sama ka sa akin. Celebrate tayo ng New Year sa bahay ng parents ko. Kaming tatlo lang kasi ni ng kapatid ko at pinsan ko ang nan'don. Wala ang parents ko. So, if you like, sama ka sa akin."

ToGetHer ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon