Cuarenta y cuatro

96 5 0
                                    

Lumipas ang isang linggo at pwede nang madischarge si Kristene sa Hospital. Ilang beses din dumalaw sa kanya ang mga kaibigan nya at nagpapasalamat naman sya dahil ito rin ang isa sa naging lakas nya kaya't ngayon, pwede na syang lumabas.

Pero bago sya tuluyang lumabas ng Hospital, dinalaw muna nya ang kanyang matalik na kaibigan. Kasama nya si Dylan at nang makapasok sila sa kwarto nito, agad nagsituluan ang mga luha nya nang makita pa rin na walang malay ang kanyang kaibigan.

Halos isang linggo na rin itong coma at araw-araw din itong dinadalaw ng mga kaibigan nila.

Agad nya itong nilapitan at hinawakan ang kamay. "Hoy girl! Gumising ka na. Naunahan pa kita gumaling oh? Huwag ka naman maging sleeping beauty dyan ng mahabang panahon please?"

Lumapit sa kanya si Dylan at hinimas ang kanyang likod. "Nandito ka na eh. For sure malapit na gumising yan."

She sniffed. "Dapat pag balik ko dito gising ka na ah? Maraming nag-aabang sa pag-gising mo. Gusto namin makita ulit yung nakakapagpasaya na ngiti mo sa amin. Uuwi muna ako for now Sissy. You know how much I hate Hospitals. But promise, I'll come back for you."

Nang makalabas sila sa kwarto, doon nila naabutan si Marco at Alexander sa labas.

"Rae! Mabuti naman at ayos ka na." Sabi sa kanya agad ni Alexander.

"Thanks sa inyo. Araw-araw nyo ba naman akong dinadalaw eh."

Then Dylan spoke. "Babalik nalang kami dito ni Rae ulit."

"A-Adriano."

She looked at Marco and smiled. "Hmm?"

"I'm glad you're okay now."

"Thank you." Then she tapped Marco's shoulder. "Gigising na 'yan tiwala lang."

Marco nodded at her. "I know. She's one hell of a brave woman."

"Ikaw din Rae magpagaling ka pa. Ang pangit mo oh ang dami mong sugat."

Inambaan nya ng suntok si Alexander na ikinatawa nito. "Maganda pa rin ako 'no! Sige na! Bye na sa inyo."

At nang makarating sila sa sasakyan, sa likod sya umupo sa tabi ni Vaughn at tumabi rin sa kanya si Dylan.

"Where's Krislene?"

"Hindi na sya sumama anak. Nagpaiwan na lang sa bahay." Her Mother answered her who is in the front seat.

Napatango-tango naman sya at nang magsimulang mag-drive ang kanyang ama, naramdaman nya ang panlalamig ng kanyang kamay at panginginig nito kaya't hinawakan ni Dylan ang kamay nya.

Medyo mabilis kasi ang pagda-drive ng kanyang ama. May trauma ata sya ngayon sa pagda-drive ng mabilis.

"Rae why?" Tanong ni Dylan na puno ng pag-aalala.

"D-Dad, c-could you slow down a bit."

Agad naman tumalima ang kanyang ama at binagalan ang takbo.

"Maybe Rae is suffering from Post-Traumatic Stress Disorder Tío." Vaughn stated.

"I'm sorry Mi Princesa."

"Okay lang Dad. Sorry din po." Mas humigpit pa ang hawak ni Dylan sa kamay nya at marahang hinahaplos iyon gamit ng isa pa nitong kamay kaya't unti-unti ay kumalma na sya.

Ang dating halos kalahating oras na byahe ay halos inabot ng isa't-kalahating oras. At nang makarating sila sa bahay, naka-alalay pa rin sa kanya si Dylan at Vaughn.

"Ate K!" Excited na bati sa kanya ni Krislene at agad sya nitong niyakap ng marahan. Tipong ingat na ingat ang kanyang kapatid sa kanya.

"Krislene, na-miss mo ang Ate?" Biro nya sa kapatid at naramdaman nyang humigpit ang yakap nito sa kanya.

ToGetHer ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon