Mature content. 😉🔞
They spent the rest of the night talking about what happened in the past. Ang totoo ayaw na ni Kristene na pag-usapan iyon dahil unang-una, nag-aalala sya sa ina ni Vincien. Ayaw nya itong bigyan ng isipin. Ayaw nya rin itong malungkot. Pangalawa, gusto na nyang kalimutan ang madilim na parte na 'yon ng buhay nya. At gusto na rin nyang maka-move on sila pare-pareho dahil at magsimula muli na masayang magkakasama.
At dahil napapansin na rin ni Vincien na hindi na komportable si Kristene, hinawakan nya ang kamay ni Kristene at agad nyang iniba ang usapan.
"Mamá, when do you want to visit our daughter?" Vincien asked.
"As soon as possible Hijo. Gusto kong mabisita ang apo namin." Sabi ng ina ni Vincien na baka ang lungkot sa mukha.
"Mamá, don't be sad. Kriscien will get mad at us for making her grandparents sad."
At dahil sa sinabi ni Vincien, napatawa ng mahina ang kanyang ina. "Oo nga pala. Pasensya na apo. Emotional lang ang lola."
"Vincien Hijo, it's already getting late. Uuwi na muna kami ng Mamá mo." Pagkatapos ay bumaling ito sa magulang ni Kristene. "Bisitahin natin ang apo natin bukas?"
"Sure! Mag-iingat kayo sa pag-uwi." Sabi ng ina ni Kristene.
"Mag-ingat ka sa pagmamaneho Vince." Bilin naman ng ama ni Kristene at nag-fistbump ang dalawang magkaibigan.
"Ihahatid po namin kayo ni V sa labas Mamá, Papá." Sabi ni Kristene at tumango naman sa kanya ang magulang ni Vincien.
Nang makarating sila sa labas, binigyan ulit ng ina ni Vincien si Kristene ng mahigpit na yakap. "Anak, salamat sa pagtanggap mo ulit sa anak ko. And trust him Hija. I'm sure mao-overcome mo ang stress disorder na gawa ng aksidente."
"Salamat po Mamá. Malaki po ang tiwala ko kay V. Mahal ko po eh!"
Napaka-vocal talaga ng pinakamamahal ni Vincien. Kaya sobra na nga syang hulog, mas lalo pa ata syang nahulog kay Kristene dahil sa mga sinabi nito sa magulang nya.
Nang humiwalay sa yakap ang ina ni Vincien, pumalit naman dito ang ama ni Vincien na sinuklian din ni Kristene ng yakap. "Salamat sa pagpapatawad mo anak. Masaya ako dahil hindi ka bumitaw sa anak namin. Totoo ang sinabi ni Sienna. Noon pa man gusto ka namin para kay Vincien. Masyado lang talagang magulo ang isip ko noon kaya ganoon na lang nang mapagsalitaan kita ng masakit."
"Papá wala na po 'yon sa akin. Ang mahalaga po ayos na tayong lahat. Wala na po tayong problema. Hindi ko naman po kayo sinisi kahit kailan Papá."
"Papá, bitaw na sa girlfriend ko." Biglang sabat ni Vincien na ikinatawa ng magulang ni Vincien pati na si Kristene.
Napakamot nalang sa batok ang ama ni Vincien bago ito humiwalay sa pagkakayakap kay Kristene. "Noon hanggang ngayon possessive talaga sayo ang anak ko."
"Sinabi mo pa Papá." Pagsang-ayon ni Kristene kaya't napanguso nalang si Vincien na parang bata. "Pero kahit possessive yan, mahal na mahal ko 'yan."
Agad na napatingin si Vincien kay Kristene na napaka-vocal sa nararamdaman nito. Nakakailan ka na Kristene. I won't be able to control myself anymore.
"Ingat po kayo sa pagda-drive Mamá, Papá!" Paalam ni Kristene habang kumakaway ang ito sa papaalis na sasakyan ng magulang ni Kristene.
Nang makalayo ito ng tuluyan, humarap si Kristene kay Vincien na nakahalukipkip at matamang nakatingin sa kanya.
Binigyan nya ito ng isang matamis na ngiti. "V thanks for the earlier. Alam kong iniba mo na yung usapan for me and Mamá— uhm, why are you looking at me like that V?"
BINABASA MO ANG
ToGetHer Forever
RomanceToGetHer Forever 🔞 | MATURE CONTENT This story is written by Kraye in Taglish. "I'll wait for him to come back even if it takes a lifetime. I'll wait for him because he's my happiness." "For sure, there is someone out there who waits for you patie...