Cincuenta y siete

98 3 0
                                    

Naalimpungatan si Kristene sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Pagmulat nya ng mata, napangiti sya agad dahil si Vincien ang unang nakita ng kanyang mga mata.

He's still sleeping soundly, she thought.

Pinagkatitigan nya ang mukha ng pinakamamahal nyang lalaki. Gwapong-gwapo talaga sya kay Vincien sa totoo lang. Gustong-gusto nya ito matitigan palagi katulad nito. Tuwing gigising sya sa umaga, gusto nya si Vincien ang una nyang makikita. That's how inlove she is with this man. Susulitin na nya ang pagtitig dahil buong limang na taon din nyang hinanap-hanap ang presensya ni Vincien. Isang taon na halos kaunting panahon lang nya nakasama ito habang nasa Newark at apat na taon na hiwalay sya dito.

At nang masatisfy sya sa pagtitig sa pinakamamahal nya, akmang babangon na sya mula sa pagkakahiga nang hapitin sya nito at yakapin ng mahigpit.

"Done praising me in your mind Mi Amor?" Vincien said in a low husky voice before opening his eyes and looked at her.

Napatawa nalang sya dahil gising naman pala ang loko.

"Just enough for this morning. Mamaya ulit hapon, then sa gabi. And by the way," She trailed off and kissed him on the lips. "good morning Mi Rey!"

Vincien did the same. He kissed her on the lips. Not just a peck, but a sweet and passionate kind of kiss. "Good morning too Mi Amor."

"I need to go to the office V. Kailangan ko nang simulan yung project ko sayo."

At mas lalo pa syang niyakap ni Vincien na tipong ayaw sya nitong pakawalan. "It can wait until next month. I'm the boss remember?"

"V naman! Baka magalit yung bumili ng bahay wala pa rin akong nasisimulan."

Then Vincien chuckled. "I bet not. Ang ganda mo kasi."

"V!"

Ang tigas talaga ng bungo ng boyfriend ko!

"I assure you K, he won't get mad at you. Never. Kaya ko sinabing next month, we'll be going to Hong Kong this weekend."

Agad naman nagliwanag ang mukha nya at parang batang excited habang pumapalakpak pa. "Seryoso?!"

"Yes."

At dahil sa sobrang pagka-excited, agad nyang niyakap ng mahigpit si Vincien at isiniksik ang mukha nya sa leeg nito. "Gustong-gusto ko bumalik 'don V! Remember the time when you left, nagpunta pa rin ako sa The Peak 'non. Gustong-gusto ko kasi doon magpunta. I celebrated your Birthday and our 1st year Anniversary."

Naramdaman nya ang pagbuntong-hininga ni Vincien kaya't napa-angat sya ng tingin dito. "Why V? Is there something wrong?"

"I saw your message that time. And just the thought of you being alone that time pains me. I was torn between choosing you or my Mother—"

She cut him off by pressing her lips on his. "Sabi ko diba ayos lang sa akin? Isa pa tapos na 'yon V. We can create new memories right?"

At doon na ngumiti sa kanya si Vincien bago tumango. "We'll go there together. Promise! At hinding-hindi na kita iiwan Mi Amor. This time, I'll be selfish. Isasama kita kahit saan ako magpunta. Hindi na rin kita pakakawalan pa."

"Sabi mo 'yan ah? Pag hindi mo yan tinupad tatalon ako 'don—"

"Mi Amor!"

At nagulat sya nang hawakan ni Vincien ang magkabila nyang pisngi at kitang-kita nya ang pamumula ng mala nito na parang nagbabadyang umiyak kaya't agad syang nataranta.

"H-Hey V bakit? May nasabi ba ako?"

"Don't even joke like that! Nung nalaman ko nga lang na halos mawala ka sa akin dahil sa nangyari sayong aksidente hindi ko kaya eh. Sobrang sakit so please, stop joking like that." Then a tear fell from his eyes.

ToGetHer ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon