Veintiocho

77 2 0
                                    

"Are you okay Kristene? You seemed tensed." Puna ni Dylan kay Kristene dahil hindi ito mapakali habang nasa sasakyan sila.

"K-kinakabahan kasi ako. Natatakot rin ako kasi alam kong mabait si Dad sa akin. Pero hindi ko pa sya nakikitang magalit."

Nang tumigil ang sasakyan na minamaneho ni Dylan, agad nitong hinawakan ang kamay ni Kristene at marahang pinisil-pisil. "Whatever happens, I'm here okay?"

Kristene pouted and looked at him. "Bakit ba ang bait mo sa akin?"

Dylan smiled. "Because I love you. And you're my friend."

"Kahit wala akong maisukli sa pagmamahal mo sa akin?"

Marahang pinitik ni Dylan ang kanyang noo. "Hindi ako nagpapabayad Rae. Being close with you like this is enough. I'm not commited anyway, so it's really okay. I wanted to care for you in my own way."

"Salamat Dylan ah?"

"No worries. Huwag ka na rin mag-isip ng kung anu-ano. Iwasan mong ma-stress. Iyon ang kabilin-bilinan ng OB mo."

She nodded and Dylan didn't let go of her hand even when he's driving. Hinayaan nalang din nya si Dylan dahil kahit paano ay nagkakaroon sya ng lakas ng loob.

Thirty minutes lang ang lumipas at nakarating na sila sa bahay ng magulang ni Kristene sa Elizabeth, New Jersey.

"Your house is freaking big." Sabi ni Dylan habang tinititigan nito ang malaking bahay nila sa New Jersey.

"That's my parents' house not mine. At anong big? Hiyang-hiya ako sa Resthouse mo sa Pagudpud at Hotel mo dito sa NJ."

"I'm being humble here. Sinira mo naman ang trip ko." Sabi nito sabay tawa bago ito lumabas sa sasakyan. Pinagbuksan sya nito ng pinto at inalalayan din sa paglabas.

And now, confirmed. Dylan is such a gentleman person.

Dylan held her hand and intertwined it with his hand. "Kaya mo 'yan. Whatever happens, I'm just here for you."

She nodded and took a deep breath. "Here goes nothing."

She was about to press the doorbell when Dylan noticed her hand is shaking. So instead of her, he was the one who pressed the door bell.

Dylan gently tapped her back. "Kaya mo yan."

"Kakayanin."

Seconds later, the door opened and she saw her Mom looking at her with wide eyes open. "Kristene anak?"

She smiled and waved her hand. "H-Hi Mom..."

Agad syang niyakap ng mahigpit ng kanyang ina. "Ginulat mo ako! Kailan ka pa nandito? Diba OJT ka pa? Akala ko after graduation ka pa pupunta dito?"

Mahina syang natawa dahil sa sunod-sunod na tanong ng kanyang ina. "Mom, isa-isa mahina ang kalaban."

Nang humiwalay sa pagkakayakap ang kanyang ina sa kanya, tumingin ito kay Dylan sa tabi nya.

"Hello Ma'am."

"Boyfriend mo ba ito Kristene? Huwag mong sabihing nang to-two time ka?"

Napatanga nalang si Dylan sa ina ni Kristene. Mukhang alam na nya kung kanino nagmana si Kristene.

"Mom! Utak mo naman eh! He's Dylan Kingsley. He's actually my Boss. Sa kanya ako nago-OJT. And kaya kami nandito, uhm... well, isinama ako ni Boss. Part of my OJT. Nung Monday kami dumating."

Nanlalaki naman ang mata ng ina ni Kristene habang nakatingin kay Dylan. "You're Dylan Kingsley? Merlin and Beryl Kingsley's eldest son?"

Kilala ng Mom nya ang ama ni Dylan? So posible ngang magkakilala sila dati pa?

ToGetHer ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon