Nakatambay ngayon si Kristene sa Le Mortejo dahil wala si Dylan. Nagpaalam ito sa kanya na may kailangan itong attend-an na Business Event overseas. Kaya't halos isang linggo na rin na wala ito kaya palagi lang syang tumatambay sa Le Mortejo.
At kung paano nya nakakayang wala si Dylan? Doon sya natutulog sa Condo nito dahil naroon ang kinaadikan nyang amoy nito. Maski ang T-shirt nito, pinaliguan nya ng pabango ni Dylan na Versace Dylan Blue. Although she still wanted to nuzzle his neck. But for now, she'll settle with it.
Tungkol naman kay Vincien, hindi pa rin ito tumatawag sa kanya na halos mag-iisang buwan na. Hindi na rin sya nag-abalang mag-message dahil baka mabasa lang ng ama nito ang message nya.
And now, she's still thinking kung ano ba ang gagawin nya. Should she follow what Vincien's Dad wants? Or should she follow what she wants? Until now, hindi pa rin nya alam kung ano ang dapat nyang gawin. Kapag kasi sinunod nya ang ama ni Vincien, maaapektuhan sya at ang magiging anak nila. Pero kung ang kagustuhan naman nya ang susundin nya, maaapektuhan naman ang pamilya ni Vincien.
"Sissy hello?"
Napakurap-kurap sya nang marinig nya ang pagtawag sa kanya ni Maru. Nasa harap na pala nya ito ngayon.
"Oh Sissy! Sorry kanina ka pa?"
Naghila ito ng upuan at tumabi sa kanya. "Hindi naman pero kanina ko pa napapansin na parang ang lalim ng iniisip mo. May problema ba?"
At dahil ngayon lang nya muli nakausap ang matalik na kaibigan, gusto nyang sabihin lahat nang nangyari sa kanya nitong nakaraan.
"May iku-kwento ako sayo." Panimula nya. Sinabi nya lahat ng nangyari magmula noong New Year hanggang sa pagtawag ng ama ni Vincien sa kanya.
Nang matapos syang magkwento, napa-awang nalang ang labi ni Maru sa mga narinig. "Teka lang Kristene. Inaabsorb ko pa lahat ng sinabi mo."
Mahina naman syang natawa. "Sige lang take your time."
Totoo ngang nag-isip muna ito ng matiim bago tumingin ito sa kanya muli. "Eh anong balak mo? Hindi mo ba kakausapin si Vincien?"
"Hindi ko pa alam. Naguguluhan pa rin ako. It's his responsibility as a son. Pero nag-aalala pa rin ako sa kanya. Baka kasi masyado syang pine-pressure doon?" Napailing sya bigla. "Ayoko mag-assume. Gusto ko syang makausap pero iniisip ko kasi yung sinabi ni Papá Vince. Baka kasi pag nalaman nya na makikipag-usap ako kay Vincien, baka mas lalo 'yon magalit kay Vincien."
Maru smiled at her. "Kailangan mo pa rin syang kausapin Kristene. Hindi yung ganito kasi hindi mo malalaman kung ano bang nangyayari at tumatakbo sa isip nya kung hindi mo sya kakausapin."
Ngiti lang ang tugon nya kay Maru. Hindi pa rin nya kasi alam kung ano ang gagawin nya. Tama naman si Maru pero paano nga nya kakausapin? Baka mabasa pa ng ama nito pag nag-message sya. Maybe dapat padaanin nya ang message nya kay Dylan. Tama! Pag-uwi nito hihingi sya ng pabor sa kaibigan.
"Teka lang Kristene. Kumain ka na ba?"
"Hindi pa nga eh. Nagugutom na ako. Libre mo naman ako ng pagkain dito. Malakas ka naman sa may-ari eh."
"Sige saglit lang ikukuha kita ng pagkain."
Napangiti nalang sya habang papalayo si Maru sa kanya. Mabuti nalang at sumaya na itong muli matapos ng paghihirap sa walanghiyang ex nito.
Saglit lang at dumating si Maru kasama si Alexander. Ito ang may dala ng tray ng pagkain at isa-isang inilapag sa table.
Kaagad na nanubig ang bagang nya nang makita nya ang Buffalo Wings. Hindi pa nailalapag ni Alexander ang kanin nang bigla nyang kinuha ang isang piraso ng Buffalo Wings at nilantakan iyon.
BINABASA MO ANG
ToGetHer Forever
RomansaToGetHer Forever 🔞 | MATURE CONTENT This story is written by Kraye in Taglish. "I'll wait for him to come back even if it takes a lifetime. I'll wait for him because he's my happiness." "For sure, there is someone out there who waits for you patie...