Lumipas ang ilang araw at mas lalong napapansin ni Dylan ang ka-weird-uhan ni Kristene. Maski sa trabaho, mahuhuli nya itong nakatingin sa kanya na para bang isa syang nakakamanghang tignan.
Wala naman problema kung tutuusin. Pero once na malaman ni Vincien na ganito sya tignan ni Kristene, malamang magagalit iyon at lagot nanaman sya sa kaibigan. Pakiramdam nya kasi ay naglilista ito ng mga kasalanan nya at malamang sa malamang, pag nagkita sila ni Vincien, maniningil iyon ng utang sa kanya.
Tulad ngayon, nakatingin nanaman sa kanya si Kristene. It's actually getting into him. Kung hindi lang ito kaibigan ni Vincien, malamang sa klase ng tingin nito sa kanya, kanina pa nya ginawa ang gusto nya. His buddy is acting weird also lately. At alam nyang hindi nya iyon dapat maramdaman dahil kaibigan nya si Kristene.
Naalala nya kinabukasan pagkatapos ng New Year, pag gising nya, agad syang pinuntahan ni Kristene at tulad nung gabi, isinubsob nito muli ang mukha sa leeg nya. Hindi pa sya naliligo 'non. Good thing na hindi na ito muli ginawa ni Kristene magmula ng araw na 'yon. Dahil malamang, dagdag nanaman ang sisingilin ni Vincien sa kanya.
On the other hand, Kristene wanted to snuggle Dylan's neck again. Pero dahil pinipigilan nya ang sarili, nagkasya nalang sya sa pagtitig dito at sa pag-amoy ng scent nito sa kabuuan ng opisina.
She doesn't really know why she's acting weird lately but one thing is for sure, she's addicted to Dylan. Alam nyang kasalanan iyon lalo na pag nalaman ni Vincien pero hindi nya maipaliwanag kung bakit gustong-gusto nyang matitigan ang kaibigan, maski samyuin ang amoy nito. Dinaig pa nya ang nakatira talaga.
At dahil iniiwasan nyang lapitan si Dylan, hindi rin sya sumasama dito tuwing lunch. Baka kasi masunggaban nya ang kaibigan bigla at isubsob nalang nya ulit ang mukha sa leeg nito.
"Rae, let's eat lunch." Aya nito sa kanya.
Kaagad syang umiling habang nakangiti. "Hindi pa ako gutom Dylan. Mauna ka na mag-lunch. Mamaya nalang ako."
Pinagkatitigan sya nito na parang nawe-weirduhan ito sa kanya pero hindi na ito nagtanong pa. Hinayaan nalang sya ni Dylan at nagpapasalamat sya dahil hindi sya nito nilapitan. Baka kasi bigla syang maging Koala at lumambitin nalang bigla kay Dylan.
"Okay. I'll go ahead." Paalam sa kanya ni Dylan at lumabas na ito ng opisina.
Nang makalabas ito sa opisina, tsaka lang sya nagpakawala ng malalim na hininga. She's been acting weird lately. Pansin naman nya 'yon sa sarili.
Nasa ganoong pag-iisip sya nang mapadako ang tingin nya sa kanyang cellphone. And in an instant she felt annoyed and irritated. Isa pa yan si Vincien. After New Year? Hindi na ito muling tumawag pa. Even ang favor na hiningi nya hindi na nito ginagawa. And it's really getting into her.
And because she's feeling grumpy again, she grabbed his phone and started composing a message to Vincien.
'What now V? Hindi ka nanaman nagpaparamdam. Gusto mo nanaman ako pag-alalahanin? You promised that you'll always send a message to me. Pati ba naman 'yon wala na rin? Please tell me you're okay. Para naman makampante ako at hindi ako mag-alala dito. Eat properly everyday okay? I love you Mi Rey.'
Then she hit the send button before she placed her phone again on the table.
Nakasimangot nya itong pinagkakatitigan bago nya napagdesisyunang mag-lunch na.
____________
One week already passed again but still, no call and text from Vincien. Natutuyot na ang utak nya kakaisip kung kamusta na ba ang boyfriend nya.
Hindi nya namalayang umiiyak na sya kung hindi pa sya pinuna ni Dylan.
"Hey Rae. You're crying. What happened?" Akmang lalapit ito sa kanya pero agad nyang pinigilan.
BINABASA MO ANG
ToGetHer Forever
RomanceToGetHer Forever 🔞 | MATURE CONTENT This story is written by Kraye in Taglish. "I'll wait for him to come back even if it takes a lifetime. I'll wait for him because he's my happiness." "For sure, there is someone out there who waits for you patie...