Treinta y dos

95 4 0
                                    

Habang nasa may pool area sila Kristene at Vaughn, biglang nagring ang phone ni Kristene kaya't agad nya itong kinuha sa bulsa ng shorts nya.

Napangiti sya agad nang makitang si Vincien ang tumatawag kaya agad nya itong sinagot.

"Vincien Mikael Santillan."

She heard him chuckle on the other line. "What's with the full name Mi Amor?"

"Wala lang. Nakakainlove kasi pati pangalan mo eh."

Vaughn groaned in annoyance. "Stop the cheesiness Rae."

Mukha namang nagulat si Vincien dahil narinig nito ang boses ni Vaughn. "Oh, nakauwi na si Vaughn galing sa Business trip?"

Nagkatinginan naman si Vaughn at Kristene ng makahulugan. Then she pressed the share video.

"Video call tayo V."

Agad naman pinindot ni Vincien ang share back at napangiti ito agad nang makita ang mukha ni Kristene.

"You seemed in a good mood today Mi Amor. Bumalik na ang dating K na kilala ko." Pero ang ngiti nito ay napalitan ng pagkakunot ng noo. "Pero bakit ang payat mo naman yata ngayon? Diba magana ka nang kumain?"

Napakagat sya sa ibabang labi. "Na-stress kasi a-ako. Uhm... masyado bang halata na hindi ako okay nitong nakakaraan?"

Vincien nodded. "I can feel you. Kilala kita eh. Alam kong may problema ka nitong nakakaraan."

"Uhm... ito kasing si Vaughn eh!" Sabay hila ni Kristene kay Vaughn para makita rin ito ng maayos sa video. "Umalis kasi tapos ngayon lang bumalik! Na-stress ako sa iniwan nyang trabaho."

Vaughn smiled and waved at him. "Sorry Vincien Bud. Pinahirapan ko ng kaunti ang girlfriend mo. Hindi tuloy nakapunta dyan. Pasensya na rin dahil hindi ko na-videohan ang graduation ni Rae."

"Oh!" Vincien chuckled. "Ayos lang. Actually, Summer sent me a video."

Parehas naman silang naaletro. "A-anong video?"

"Ng graduation mo. I asked her. Though putol ang video na sinend nya. Na-lowbat daw kasi ang phone nya. Hanggang speech mo lang ang napanuod ko. Congrats K, may award ka kahit paano." Pang-aasar ni Vincien sa kanya. Nakahinga naman sila pareho ng maluwag sa sinabi ni Vincien.

"I hate you V!"

"You don't mean that K." Vincien said while smiling sweetly at her. Wala na, kinikilig nanaman sya.

"Syempre. Mahal kita eh!"

"And I love you too Mi Amor. Pakainin mo ng mabuti yan Vaughn. Ayoko ng ganyan kapayat yan si K." Bilin ni Vincien kay Vaughn na ikinatawa nito.

"I will Bud. Leave her to me. Papatabain ko 'to kahit imposible."

Magsasalita pa sana si Vincien nang mapansin nilang napatingin si Vincien sa kanan nito. Parang may kumakausap dito at tumango. Nakita nilang dalawa ang pag-iiba ng mood nito bago humarap muli sa camera at pinilit ngumiti.

"Uhm... K, as much as I want to talk to you, I need to go for now. I'll be going to the office today."

Kristene frowned. "But it's Saturday in there?"

"Yeah. Something came up in the office. So, I'm sorry. I'll call back later or if not, tomorrow okay?"

"Okay. Call me when you have time again alright? I'll wait for your call."

Vincien smiled at her. "I will Mi Amor. Te Amo mucho."

"Te Amo mucho Mi Rey. Keep safe."

ToGetHer ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon