Papunta na sila Kristene at Krislene sa kanya-kanya nilang University nang magprisintang maghatid sa kanila ang pinsan nilang si Vaughn.
"Anong naisipan mo Kuya Vaughn bakit mo kami hinatid ni Ate K?"
"Gusto ko lang ihatid ang mga kapatid ko masama ba? Isa pa bakit kasi di ka nalang mag-transfer sa Montfort?" Patanong na sagot din ni Vaughn kay Krislene.
Sinamaan ng tingin ni Krislene si Vaughn na ikinatawa nilang dalawa. "Next year, I'll try."
"Buti naman para di ka na inihahatid sa malayo."
"Eh sino ba kasing nagsabi na ihatid mo ako?" Pagsusungit ni Krislene na mas lalong ikinatawa ni Kristene.
"As if may choice ako?"
Inirapan nalang ni Krislene si Vaughn kaya't napatawa ito ng malakas. Tipong enjoy na enjoy sa pambubwisit nito sa kapatid.
Ang dalawang ito talaga, mahilig mag-asaran. Vaughn actually is a sweet person. Sweet na yan kay Krislene nang lagay na yan, although sa kanya, ibang sweetness din. Sweet muna bago asar.
"Biro lang Princess ikaw naman. May aasikasuhin lang ako sa University. May kukunin akong papeles kaya syempre ihahatid ka muna namin ng Ate mo." Pag-eexplain ni Vaughn muli at nakita nyang napatango naman si Krislene.
"Anyway, Do I need to take Doctor of Business Administration just like you?" Krislene asked.
"It depends on you. Kung gusto mong mas maging magaling ka kaysa dito sa Ate mong HRM ang kinuhang course." Pabirong sagot ni Vaughn.
Well, Vaughn also studied at Montfort University. After nito grumaduate ng BS in Business Administration, nag Masteral agad ito. Then right after, nag Doctor of Business kalaunan. Lahat full-time. Kaka-graduate lang nya ulit last year. Utak kasi ni Vaughn, masyadong accelerated. Hindi na nga dumaan ng kinder ata ito. Tapos hindi pa nag-Grade one, diretso Grade 2 sa sobrang talino.
"Ako nanaman ang nakita nyong dalawa. Flexible kasi ako. Kung nasaan si Maru dun ako. But hey you see? Marunong na ako magluto."
Napailing nalang si Vaughn at Krislene sa sinabi nya.
"Marunong ka nga pero ako pa rin nagluluto sa bahay." Basag-trip ni Vaughn sa sinabi nya.
Binabawi ko na yung sinabi kong sweet sa akin si Vaughn. Hindi pala.
"Ewan ko sa inyo."
The siblings are just like that. Kuwentuhan na may halong asaran hanggang sa maihatid nila si Krislene sa University nito at makarating silang dalawa sa Montfort University. Sabay na silang lumabas ni Vaughn ng sasakyan nang makasalubong nila si Alexandra sa may parking area. Mukhang kadadating lang din nito.
"Hi Alex!" Kristene greeted in glee.
"Kristene!" Alexandra waved excitedly at her.
Nang makalapit sila dito, agad nakipag-beso sa kanya si Alexandra.
"Nga pala Kristene, this is Sunny Soleil." Pakilala nya sa kasama nitong babae.
"Hi! Nice meeting you! I'm Kristene Rae."
Then Sunny extends her hand, "Ikaw pala iyong kine-kuwento ni Xandra sa akin! It was nice meeting you finally!" At napadako ang tingin ni Sunny sa pinsan nyang si Vaughn.
"Oh! Anyway, Si Vaughn nga pala, pinsan ko but more like a Brother to me." Pakilala nya kay Vaughn.
Parang nagulat naman ang itsura ni Sunny na ipinagtaka nya. Maya-maya pa ay nagsalita ito. "Pinsan mo lang? Akala ko boyfriend mo. Ang hot kasi."
BINABASA MO ANG
ToGetHer Forever
RomanceToGetHer Forever 🔞 | MATURE CONTENT This story is written by Kraye in Taglish. "I'll wait for him to come back even if it takes a lifetime. I'll wait for him because he's my happiness." "For sure, there is someone out there who waits for you patie...