Epilogue

166 3 0
                                    

Vincien is pacing back and forth outside of the delivery room. He's nervous as fuck right now because his wife had an early labor. It's just 8 months at maagang pumutok ang panubigan ni Kristene.

He's worried dahil hindi nya maiwasang isipin ang sinabi ng kanyang ina sa kanya na may mga instances na may mga baby na hindi nakakasurvive lalo sa pang walong buwan nito. Idagdag pa na maselan pa rin ang pagbubuntis ni Kristene.

"Daddy? Calm down."

Napatigil sya sa paglalakad nang magsalita ang kanilang lalaking anak na nakaupo sa waiting area.

"Mommy's gonna be okay. She's strong and brave Daddy. Trust her."

He smiled at his son. For a 5-year old kid, his son is very intelligent. "I know Vincent. Your Mommy is brave. I believe in her."

"So stop walking back and forth Daddy and sit beside me." Utos naman ng kanyang babaeng anak na ikinatawa nya.

Good thing he's with their children right now. Kahit paano nababawasan ang kaba nya.

He walked towards his daughter and sit beside her. At ang kanyang anak na babae? Agad umunan sa hita nya at ginaya rin ito ng kanyang anak na lalaki at umunan naman ito sa kabilang hita nya.

"I don't know what I would do right now without the both of you." Sabi nya sa kanyang dalawang anak habang hinahaplos ang buhok ng dalawang bata.

"Just be calm Daddy. Everything's gonna be alright." Pagpapagaan ng loob ng kanyang babaeng anak sa kanya.

Ito ang carbon copy ni Kristene. Ang anak nilang babae. Ito palagi ang nagpapalakas sa loob nya, tulad ngayon.

"Thank you Vreen Baby. Pinapalakas mo ang loob ng Daddy."

"Kuya V!"

Napa-angat ang tingin ni Vincien at nakita nyang papalapit si Krislene sa kinaroroonan nya.

"Mama Krislene!"Sabay pang bati ng dalawa kay Krislene at bumangon agad ang mga ito mula sa pagkakahiga sa kanya at sumalubong kay Krislene.

"Ang kambal kong pamangkin!" Krislene gleefully reeted then crouched down and hugged the both of them.

Yes. Kambal ang anak nila ni Kristene. Nag-dilang anghel talaga ang ama ni Kristene at totoo ngang kambal ang anak nila.

Isa ito sa dahilan bakit sya kinakabahan dahil alam na alam nya ang hirap na pinagdaanan ni Kristene sa panganganak sa kambal nila.

"Hey Bud!" Bati naman ni Dylan sa kanya nang makalapit ito sa kanya at naupo sa tabi nya. "You okay? You look pale."

"I'm doing my best to be okay. Naiinggit nga ako sa kambal kong anak. Mga kalmado samantalang ako kabado."

Dylan chuckled, "Don't worry Bud. Your wife is amazing."

He frowned. "Did you just praised my wife?"

Dylan tsked, "I'm just complimenting my best friend asshole! Still jealous of me? Move on Bud!"

Sinamaan lang nya ng tingin si Dylan at hindi na muling nagsalita. Napadako ang tingin ni Vincien kay Krislene na kasama ng kanyang mga anak.

"King! I have new toy planes!" Bida ng anak ni Vincien na si Vincent sa anak ni Krislene.

"I wanna see that!" Sabi naman ni King dito. "Tito Denver also gave me new toy planes. I'll bring that to your house when we visit some other time."

"Mama Krislene punta tayo sa mcdo. I want to play there." Sabi ni Vreen sa kanyang Mama Krislene.

"Me too! Play play!" Pumapalakpak namang sabi ng bunsong anak ni Krislene na si Queen.

ToGetHer ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon