5 AM pa lang ng umaga ay gising na si Kristene dahil nakakaramdam na sya ng gutom. Hindi kasi sya nakakain ng maayos kagabi dahil masyadong pre-occupied ang utak nya sa dami ng katanungan sa isip nya. Hanggang ngayon pa rin naman. Marahil ay hangga't wala syang nakukuhang sagot kay Vincien, patuloy lang nyang iisipin ito. Pero ayaw din naman nyang magdemand ng kasagutan. Sabi nga ni Vincien, it's not his story to tell.
"What to eat this morning?" Tanong nya sa sarili habang nakatayo sa may kusina at nakaharap sa ref. Isa lang ang pumapasok sa isip nya habang nakatingin sa mga ingredients. "Carbonara!"
Agad nyang sinimulang magluto ng paborito nyang Carbonara. Alam nya rin namang paborito ito ni Vincien kaya't gusto nyang ipagluto ang kanyang nobyo. Kahit naman may hindi sila pagkakaintindihan, hindi pa rin naman ito matitiis ni Kristene.
She's really a soft-hearted person when it comes to her loved ones. Masyado lang talaga syang selosa lalo na kung si Vincien ang usapan. Kaya nga dumating sa puntong hindi nya ito kinausap noon dahil may girlfriend pa ito eh.
She focused herself on cooking. Marunong naman talaga syang magluto. Pero tagong skills nya 'yon. Gusto nya kasing si Vaughn ang nagluluto pag nasa bahay sya ng kanyang magulang, at si Vincien naman pag kasama nya ang nobyo. Ganon sya magpalambing sa mga ito. Pero exception pag nagutom na sya. Talagang magluluto sya til her heart's content.
Inabot lang ng halos isang oras ang pagluluto nya. Gusto nyang makasabay kumain si Vincien kaya't pinuntahan nya ito sa kwarto only to find out that he's still sleeping soundly.
Nilapitan nya ito at pinagkatitigan.
"Ang gwapo mo pa rin kahit natutulog ka. Siguro puyat ka 'no? I'm sorry if iniwan kita kagabi sa balcony. Nagtatampo lang talaga ako. Alam ko namang wala akong karapatang malaman kung ano man ang dahilan mo kaya ka ganon sa sekretarya mo pero hindi ko pa rin maiwasang magselos. Hayaan mo lilipas din 'tong tampo ko."
Then she kissed his forehead. "I love you Mi Rey."
At dahil tulog na tulog pa rin ang boyfriend nya, pinili na lang muna nyang maligo habang hinihintay nya itong magising. Inabot sya ng halos isang oras sa banyo. 30 minutes sa pagligo at 30 minutes sa pag-aayos. She just wore one of Vincien's 'gift' to her. Ano pa nga ba? Edi isa sa mga off-shoulder crop top na binili nito sa kanya.
She took one last look of herself in the mirror before she went out of the bathroom. As always Kristene, you're so beautiful. "Kriscien, your Mom is beautiful. Hindi mo na ako itatakwil nyan." She chuckled.
Buhat lang ng buhat ng sariling bangko hangga't confident. Matutuwa pa nga ang anak nya nyan eh.
As soon as she stepped out of the bathroom, she halted when their eyes met. She smiled happily at him. "Good morning V!"
____________
My K. Palagi ka nalang ganyan. You choose to smile even though you're hurting.
Lingid sa kaalaman ni Kristene, gising na si Vincien kaya't narinig nya lahat ng sinabi nito sa kanya kanina habang nakapikit sya. And his heart is aching. Ilang beses ba nyang sasaktan si Kristene ng paulit-ulit?
He has to do the right thing.
He smiled at her. "Good morning too K. Come here please?" Then spread his arms open wide.
Kristene walked towards him and sat beside him as he welcomed her on his arms. He hugged her tightly and Kristene hugged him back with the same ferocity.
Then Kristene looked up to him. "V! Nagluto ako ng favorite nating Carbonara! Let's eat? Bago ka maligo at pumasok at para may laman ang sikmura mo."
BINABASA MO ANG
ToGetHer Forever
RomanceToGetHer Forever 🔞 | MATURE CONTENT This story is written by Kraye in Taglish. "I'll wait for him to come back even if it takes a lifetime. I'll wait for him because he's my happiness." "For sure, there is someone out there who waits for you patie...