Cuarenta y tres

92 4 0
                                    

Days turned ito weeks, weeks turned into months.

Dumaan ang birthday ni Kristene, ang pasko at bagong taon na hindi na muling nakausap pa ni Kristene si Vincien.

She badly wanted to go to Newark to see Vincien but her parents still doesn't want her to go. Matagal na nyang alam na may itinatago rin sa kanya ang mga magulang nya pero never syang nagtanong. Dahil kung pwede naman ng mga ito sabihin sa kanya ay matagal na sana nila ginawa. But no. Walang sinasabi maski kahit ano ang magulang nya.

She's being understanding but the truth is, sobrang sakit na. Sobrang sakit na umasa sa taong parang iniwan ka nalang sa ere. Bukod sa palagi nya itong pinapadalhan ng message, hoping na magbubukas ito ng phone. Vincien's social media accounts are all deactivated. Even his roaming number, cannot be reached.

Summer is already in Newark. Doon daw ito mag-oOJT pero hindi sya naniniwala. It was because of her family for sure. Maski si Summer, walang sinasabing kahit ano sa kanila.

It's been 5 months and still, her heart is aching.

Dylan wiped her tears away. Hindi nya na namalayan na umiiyak na pala sya habang nakatitig sa puntod ng kanyang anak.

She tried to smile. "I'm sorry. Umiiyak nanaman ako."

Dylan held her hand and squeezed it. "It's okay. If you want to cry, I'm just here. I can be your outlet anytime."

And indeed, tears started to fall on her eyes and all she can do is bury her face on Dylan's chest as Dylan hugged her tightly while gently tapping her back.

Her family and friends are always there for her. Hindi sya iniwan ng mga ito sa mga panahon na parati syang ganito kalungkot.

Now, Dylan is really trying his best to make her feel better. And she's also thankful for having him in her life. Marahil ay kung wala ang mga kaibigan nya, magulang, mga kapatid, maski na rin si Dylan, baka nabaliw na sya sa sobrang sakit na nararamdaman.

"Let's go Rae. Ihahatid na kita."

Oo nga pala. Pupunta nga pala sya ngayon sa kaibigan nya para ayusan ito. May mahalagang event kasi itong pupuntahan at nirequest nito na sya ang mag-ayos dahil malaki ang tiwala nito sa kanya.

Isantabi muna nya ang heartbreak nya for now. I need to make my pretty friend the most beautiful woman tonight.

Pagkahatid sa kanya ni Dylan, nag-paalam na rin ito sa kanila na pupunta muna ito ng Le Mortejo.

"Hey Pretty!" Bati nya agad sa kanyang matalik na kaibigan nang makapasok sya sa loob.

Her friend looked at her with a sad smile on her face. "Umiyak ka nanaman Kristene."

She smiled bitterly. "Wala eh. Masakit dito." Sabay tapik nya sa kanyang dibdib kung nasaan ang puso. "Wala naman akong magagawa sa ngayon. But don't worry, isasantabi ko muna ang heartbreak ko my pretty friend. At papagandahin kita. Gagawin kitang pinakamagandang babae sa balat ng lupa."

Her friend chuckled. "Mas maganda sayo dapat ah?"

"Ay wit! Parehas lang tayong Dyosa. Walang angat at mapag-iiwanan."

At wala na syang sinayang na oras at agad na sinimulang ayusan ito. Knowing her pretty friend right here, ayaw nito ang makapal na make-up. Kaya't tamang make-up lang ang in-apply nya dito at inayusan na rin ng buhok.

Infairness, na-miss nyang mag-ayos ng buhok. Dati kasi ay inaayusan nya si Krislene ng buhok pero nang mag-College na rin ito, hindi na nya nagagawa pa. Sobrang bihira na.

Time to see my masterpiece.

At nang matapos nyang ayusan ang kanyang kaibigan, agad nya itong pinaharap sa salamin. "Look at you! Sobrang ganda mo!"

ToGetHer ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon