Special Chapter (cinco)

67 2 0
                                    

Hong Kong Special Chapter
Christmas Special

Timeline: December 25; Four days after Vincien's wedding proposal to Kristene which happened during December 21

This special chapter revolves mainly about their circle of friends. And the latter revolves around Alexander and Love's story. 😜

*****


Kristene and Vincien together with their 18 friends were at the Hotel lobby of VK Grand Empire Suite Hotel as of the moment. Hindi nila alintana na inookupa nila ang kabuuan ng lobby ng Hotel. Besides, hindi naman sila sisitahin dahil si Vincien ang nagmamay-ari ng Hotel.

Hindi kasi sila makapag-decide kung saan sila unang pupunta ngayong araw. And it's actually Christmas! Talagang isinakto ni Vincien ang punta nila dito para makapag-celebrate sila ng Christmas na magkakaibigan ng sama-sama.

At ang mga kalalakihan, gustong maglaro ng game bago sila umalis. And what game? Maalis-taya.

Ang napag-usapan kasi, kung sino ang taya, sya ang manglilibre from foods, to souvenirs and even what they want to buy from luxurious stores. Wala naman problema sa iba, but for some of them, lalo na sa mga nag-iipon at kuripot, malaking problema iyon.

"Game na! Maalis taya na nang makaalis na tayo dito at makapasyal!" Sigaw ni Grey kaya't agad napailing ang mga kalalakihan bago ito nagsitayo at gumawa ng pabilog sa gitna.

"Kung sino ang taya, sya ang manlilibre ngayong araw. Walang reklamo ah?" Dagdag pa ni Grey.

"For sure, para kay Zach, Marco, Dylan, Denver, Ezequiel, Vaughn at Vincien walang problema eh." Sabi naman ni Owen kaya't napatingin sa kanya ang lahat na parang hindi makapaniwala sa sinabi nya.

"Pagkakaalam ko Doctor ka so mayaman ka rin." Sabi naman ni Alexander.

"Bakit ikaw hindi?" Napagpapantastikuhan namang tanong ni Denver kay Alexander at pinakitaan lang sya nito ng gitnang daliri.

"Game na! Ang daming kuda! Maalis taya na!" Sigaw ni Vaughn.

At ang mga batang lalaki, nagsimula nang maglaro ng maalis taya habang ang mga babae naman ay napapailing nalang habang pinagmamasdan ang mga lalaking maiingay at hindi alintana ang mga iba pang naka check-in sa hotel na nawe-weirduhang nakatingin sa kanila.

From 10 boys at heart, it was now down to three, Alexander, Denver and Ezequiel.

Hindi na maipinta ang mukha ni Denver at Ezequiel habang si Alexander ay chill lang.

"Ready na ba ang mga bank account ng piloto, lawyer at bartender natin?" Biro ni Zach sa tatlo.

"Nakakatakot si Alexander. Chill lang eh." Sabi ni Owen habang tumatawa.

"Game na! Gusto ko na mamasyal!" Sigaw nanaman ni Grey kaya't nakatanggap ito ng mga batok mula sa kaibigan.

"Okay! At the count of three, two... one! Maalis taya!"

"Yes!!!"
"Woohoo!!!"

Sabay na sigaw ng dalawang pinalad habang ang minalas, napatahimik nalang.

"Damn! You okay Alexander?" Tanong ni Vincien dahil walang mabasang emosyon sa mukha nito.

"Yeah." Alexander answered nonchalantly before pulling out his wallet from his pants. At ang mga gagong magkakaibigan, agad na nagsilapitan dito at sinipat-sipat kung ano ang laman ng wallet.

At napatanga nalang silang lahat nang kunin ni Alexander ang limang credit card mula sa wallet nya at binigay ito kay Vincien, Owen, Zach, Vaughn at Marco.

ToGetHer ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon