Treinta y cuatro

98 5 0
                                    

"V sige na kasi bumalik ka na sa office. Hihintayin nalang kita dito." Pagpupumilit nya kay Vincien dahil ayaw sya nitong iwan matapos syang kumain.

Ang tigas talaga ng bungo ng boyfriend ko.

"No K. If you're not coming with me, I'm not coming back to the office."

See? Napakatigas talaga ng ulo ng boyfriend nya.

She sighed and rolled her eyes. "Fine! I'm coming with you!"

Vincien's mood lighten up upon hearing what Kristene said. Sa wakas, napapayag na nya ang kanyang girlfriend. Kanina pa nya kasi ito pinipilit na sumama sa kanya sa opisina.

Ayaw naman nyang iwan si Kristene, to think na naghintay na ito sa kanya ng halos isang oras kanina. Kung alam lang nyang narito si Kristene hindi nya sasabayan kumain ang sekretarya nya.

Gusto rin nyang batukan ang sarili dahil nakita nito ang pag-angkla sa kanya ng sekretarya nya. Alam nyang kahit hindi magsabi ng diretso si Kristene, nagseselos ito. Sobra-sobrang konsensya na ang nararamdaman nya kaya't gusto nya itong sumama nalang sa kanya.

Magkahawak-kamay silang naglalakad papunta sa opisina nang magsalita muli si Kristene.

"Paano kung sabunutan ko ang sekretarya mo 'don? Ayos lang sayo?"

Napailing nalang si Vincien sa kanya. Alam naman kasi nito na hindi magagawa ni Kristene ang sinasabi nya. Kahit kailan hindi nanakit ng kapwa si Kristene. At isa 'yon sa nagustuhan nya sa dalaga.

"K, she's just a friend to me okay? Ipapakilala kita sa kanya."

She scoffed. "Fine. Ipakilala mo ako. Para malaman nya kung sino si Kristene Rae Castilleja Adriano."

Mahinang natawa si Vincien at hindi na nag-komento pa. Knowing his girlfriend? Hindi rin naman ito magpapapigil.

Habang nasa elevator sila paakyat sa opisina ni Vincien, gustong umirap ni Kristene sa bawat taong pinagtitinginan sya. Magkahawak-kamay ba naman sila ng boss ng Santillan Corporation eh. Well, I'm his girlfriend. And I'm fucking proud of it.

Nang makarating sila sa floor ng opisina ni Vincien, agad bumungad sa kanya ang sekretarya ni Vincien.

Agad nagtama ang mata nila ng sekretarya ni Vincien. Hindi nya maikakailang maganda rin ito. At mukha namang harmless. Pero para sa kanya, ang mga harmless-looking na tao, ayan ang mga delikadong tao sa mundo. Pinanatili nya ang tingin sa mata nito dahil kanina pa naman nya nasuri ang kabuuan nito habang kasama ito ni Vincien.

And as expected, ang unang nagbawi ng tingin ay ang babae.

Habang papalapit sila dito, pumulupot ang kamay ni Vincien sa kanyang bewang.

"Mi Amor, this is my secretary Iesha."

Oh. So Iesha is her name.

"And Iesha, this is my girlfriend, Kristene."

Nang tignan nya ulit si Iesha, nakatingin na ito muli sa kanya at may ngiti sa labi. Infairness, she's beautiful while smiling.

Then she extends her hand to her. "Hi, I'm Kristene Rae Castilleja Adriano. The love of Vincien's life."

Napansin nyang nag-aalangan si Iesha na abutin ang kanyang kamay pero bandang huli, ginawa pa rin nito at nakipag-shakehands ito sa kanya.

"H-hi... Nice to finally meet you."

Oh... So she knew huh?

"Same here." Bumaling sya kay Vincien na nakahawak pa rin sa bewang nya.

ToGetHer ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon