Cuarenta y nueve

103 5 0
                                    

"Sa wakas! Makakaganti rin kay Ate K." Nakangiti pang sambit ni Krislene habang nakasakay sila ngayon sa sasakyan ni Dylan sa hindi nya malamang dahilan.

"What are you saying Krislene?" Vincien, who is confused, asked.

"Basta Kuya V ang habang kwento talaga. But to make it short, Ate K helped the both of us few years ago."

"What kind of help?"

"Basta! Don't ask anymore about it for now okay? Tsaka na Kuya V."

"Pero naging kayo talaga ni Kristene, Dylan?" Pang-ilang ulit na tanong ni Vincien. Ayaw kasing tanggapin ng sistema nya na naging sila ng pinakamamahal nyang babae. Gago kasi sya eh. Pinakawalan nya pa ang babaeng mahal na mahal nya.

Natawa nalang si Dylan dahil sa kakulitan ng kaibigan. "Oo nga putangina paulit-ulit Vin! Tsaka na tayo mag-usap tungkol dyan dahil marami kang atraso sa akin gago!"

Vincien tsked. "Oo na! Saan ba kasi talaga tayo pupunta?" Tanong nya sa dalawa pero hindi sya nito sinagot.

"I sent a message to Kuya Vaughn. Nandon pa daw sila as of now. I told him na huwag munang sila umalis ni Ate. Kaya pinagmamadali nya tayo." Sabi ni Krislene kay Dylan.

Nasaan kaya si Kristene ngayon? Tangina gusto nyang makausap talaga ito para makapagpaliwanag sa lahat nang nangyari. Maski sa nangyari kahapon na pinuntahan sya nito sa opisina.

Huwag mo naman kaming paglayuin tadhana. Gusto ko nang bumawi sa babaeng mahal na mahal ko. Gusto ko nang punan lahat ng pagkukulang ko sa kanya.

At mas lalo syang naguluhan nang papasok sila ngayon sa isang sementeryo.

"What are we doing here?" Kunot-noo nyang tanong nya ulit sa dalawa.

"Kuya V manahimik ka nalang. Mamaya naman masasagot yang tanong mo!"

He's getting impatient. Gusto nyang makita at makausap si Kristene pero bakit dito sa sementeryo?

And when the car stopped, Krislene took out her phone that is ringing.

Krislene answered and put in on a loudspeaker mode. "Kuya Vaughn."

They heard Vaughn heave out a deep sigh. "Nakaalis na kami. Tangina ang tagal nyo kasi!"

Then they heard Kristene's voice on the background. "Sino 'yan Vaughn?"

"Kapatid mo at boyfriend nya." Sagot ni Vaughn.

"Hoy Krislene! Kaninang inaaya kita ayaw nyo sumama ni Dylan! Tapos ngayon paghihintayin nyo ako 'don! Isa ka pa Babe! You're hurting my feelings!" Singhal ni Kristene sa dalawa.

Dylan took a glance at him and smirked. "Sorry Babe. Babawi ako sa susunod."

At ang gago pinagseselos pa sya. Tanginang Babe na endearment na yan! Bakit ba nauso yan?

"Eh Ate kasi... bumalik ka kaya?"

"Next week babalik ako kaya samahan nyo ako. Sige na! May lakad pa ako."

"Hey wait up! Ate saan ang lakad mo? Ate? Ate K!"

Dylan chuckled. "Binabaan ka na ng kapatid mo."

Krislene snorted. "Baliw 'yon! Grumpy nanaman. Bwisit kasi 'tong si Kuya V eh."

"Why me?" Nananahimik na nga lang sya sa likod eh.

"Grumpy 'yon kahapon pa dahil sayo! Yung totoo Kuya V? Ano mo ba si Iesha?"

ToGetHer ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon