"Kristene anak, I'll be honest with you. Napapadalas ang bleeding mo. It's not normal anymore. You're even experiencing intense cramping. I hate to say this but if this continue, you'll have a threatened abortion."
Napapikit si Kristene ng mariin nang maalala nya ang sinabi ng ina ni Owen sa kanya. Walang nakaalam ng nangyayari sa kanya kundi sya lang. Idagdag pa ang mga isipin nya nitong nakakaraang mga buwan. Ang ama nya na galit pa rin sa kanya hanggang ngayon. Si Vaughn na hindi pa rin nya nakakausap magmula nang magkasagutan sila. Ang pagmamakaawa ng ama ni Vincien. Pati na rin si Vincien na hindi pa makabalik sa kanya dahil sa ama nito.
Ilang beses na syang nagkakaroon ng heavy bleeding pero wala syang pinagsasabihan nito kahit sino. Alam nyang maski ito ay nagpapa-stress sa kanya.
Nang matapos syang mag OJT sa kompanya ni Dylan, nag complete bed rest sya. Pero kahit nagbe-bedrest lang sya, mas lalo lang lumalala ang nangyayari sa kanya. Madalas syang duguin, maski ang nararamdaman nyang cramps, lumala na rin ang sakit.
At hindi sya pwedeng hindi umattend ng graduation nya ngayon. Kaya't kahit nahihirapan, pinilit nya ang sarili na umattend. Isa ito sa pinakamahalagang araw sa kanya. At tulad dati, wala ang magulang nya. Nang makaakyat sya sa stage para kumuha ng special award sa pagiging Student Council, nakita nya sa crowd ang ilang pamilyar na mukha, partikular na ang kapatid nyang si Krislene, si Dylan, si Vaughn at ang kapatid ni Vincien na si Summer. Pero ang dalawa sa mahalaga sa buhay nya? Wala.
Matapos nyang magbigay ng speech tungkol sa natapos nyang termino sa pagiging Student Council, akmang maglalakad na sya nang maramdaman nyang parang nanghihina ang tuhod nya kaya't napakapit sya kay Alexandra na nasa tabi nya sa stage dahil ito ang Vice President ng Student Council.
"Hey Kristene ayos ka lang?"
She tried to smile. "Yes. Ayos lang. Hindi lang ako sanay magsuot ng may heels. Can you accompany me pababa?"
"Oo naman!"
True enough, inalalayan sya nito pababa hanggang sa makabalik sa kanilang pwesto.
The Graduation Ceremony lasted for two hours. She's already sweating bullets because of the cramps she's experiencing. Nang matapos na ang Graduation ceremony, agad syang nilapitan ng mga kaibigan. Maski si Krislene ay lumapit sa kanya pero si Vaughn, nagpaiwan sa may likuran. Halatang ayaw pa rin sya nitong kausapin.
"Ate are you okay?"
"Yeah. I'm f-fine."
"Umuwi ka na kaya sa bahay Ate. Nag-aalala na ako sayo eh. And you don't look okay." Sabi ng kanyang kapatid at halata sa mukha nito ang pag-aalala.
Once again, she tried to smile. "I'm okay Krislene! Ano ka ba. Kayang-kaya 'to ng Ate mo."
Lumapit rin sa kanya ang mga kaibigan na si Summer, Maru, Owen, Sunny, Serein, Alexander at Alexandra. Kinongratulate sya ng mga ito at saglit na nag kwentuhan.
Napapikit sya ng mariin at napaupo sa upuan nang maramdaman nya ang panghihina ng katawan dahil sa intense cramps na nararamdaman. Pakiramdam din nya ay nilalagnat sya.
"Rae."
Nagmulat sya ng mata at bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Dylan.
Sinubukan nya itong ngitian pero nauwi ang ngiti nya sa ngiwi.
Inilapit nito ang bibig sa kanyang tenga. "Can you walk? I'll bring you to the Hospital. You don't look okay." At hinawakan ni Dylan ang kamay nya. Namilog pa ang mata nito habang nakatingin sa kanya. Inilagay nito ang palad sa kanyang noo. "Shit! You have fever. I need to bring you to the Hospital right now."
BINABASA MO ANG
ToGetHer Forever
RomanceToGetHer Forever 🔞 | MATURE CONTENT This story is written by Kraye in Taglish. "I'll wait for him to come back even if it takes a lifetime. I'll wait for him because he's my happiness." "For sure, there is someone out there who waits for you patie...