Veinte

93 2 0
                                    

It's been a week since Vincien left pero maski isang tawag ay hindi pa nito nagagawa bukod sa isang message na natanggap nya.

'Mi Amor, I'm already here at Newark. Papá picked me up at the Airport. Will call you once I'm settled. Te Amo Mucho, K.'

"Ano one week na lumipas pero hindi pa settled?" Nakanguso nyang sambit at hindi nya alam na napalakas pala ang pagkakasabi nya kaya tinawanan sya ni Dylan.

Sinamaan nya ito ng tingin at nagtakip lang ito ng bibig.

"Tinatawa-tawa mo dyan Dylan?"

"Ang grumpy mo kasi Rae." Maya-maya ay nagseryoso ito pero halata namang natatawa pa rin. "Hindi pa rin ba tumatawag sayo si Vincien?"

"Magkakaganito ba ako kung tumawag na 'yon? Tsk!"

"Hayaan mo muna si Vincien. We're on our vacation so let's enjoy. Later I'll try to call Vincien for you okay?"

Tumango nalang si Kristene at ibinalik ang tingin sa may bintana ng sasakyan. Papunta kasi silang anim ngayon sa Pagudpud. Ito kasi ang napag-kasunduan nila na every two months may vacation sila. Isa sa mga incentives na natanggap or nirequest nila kay Marco the fucking great na may-ari ng Le Mortejo kapalit ng pagbalik nila doon para tumugtog.

"Anyway Rae. Saan ka mago-OJT?" Kapagkuwan ay tanong ni Dylan.

Oh shit! Muntik na nyang makalimutan! Masyado kasi syang naging pre-occupied these past few weeks lalo na dahil umalis si Vincien, hindi na nya naalala pang asikasuhin kung saan sya mago-OJT. Balak nya sana sa kompanya nila pero hindi pwede dahil sariling kompanya iyon. Ayaw naman nya sa Le Mortejo kahit pa doon nago-OJT si Maru. Kung bakit? Nakakaintimidate ang boss. Baka basagan lang nya ito ng mga gamit. Saan pa ba pwede?

Napatingin sya kay Dylan na matiim palang nakatingin sa kanya na para bang naghihintay ng sagot. At doon nya naalala na nagmamay-ari pala ng chains of Hotel and Resort ang lalaking ito.

"Dylan!" Sigaw nya dito kaya't maski sila Owen at Alexander na nasa harapan lang nila ay napalingon sa kanya.

Sinamaan nya ng tingin ang dalawa. "Kayo ba si Dylan?"

"Eh kung makasigaw ka akala mo nasa harapan ng sasakyan si Dylan eh!" Sabi ni Alexander.

"Akala ko naman minamanyak ka na nyang Dylan na yan." Sabi naman ni Owen.

"Mga gago! May naisip lang ako kaya na-excite ako. Huwag kayong epal. Hala lingon na ulit sa harap. Huwag kayong nosy!"

At ang dalawa? Napailing nalang sa kanya bago lumingon muli sa harap. Bumaling ulit sya ng tingin kay Dylan at hinawakan sa braso sabay marahang niyuyugyog ito. "Dylan... May request ako. Pagbigyan mo na ako."

Mahinang natawa si Dylan dahil sa ginagawa ni Kristene sa kanya. Mukha kasi itong bata na nagpupumilit humingi o magpabili ng laruan. "What is it Rae?"

"Pwede bang doon nalang ako mag-OJT sa isa sa mga hotel mo? Please?"

"Why do you want to have your OJT in my hotel?" Dylan asked like he's interviewing an applicant. Like one hell of a badass Boss.

Knowing Kristene? Here's her answer.

"Eh wala na akong choice eh! But kung ayaw mo di huwag!"

At wala nang nagawa pa si Dylan kundi ang tumawa dahil sa sagot ni Kristene. Kung tutuusin, bagsak agad ang sagot nito sa isang Boss na tulad nya. But they're friends. And she's his friend's girlfriend.

"Saan pa ba may iba?" Problemadong tanong ni Kristene sa sarili.

"I'll let you have your OJT but not in my hotel." Sabi ni Dylan kaya't napa-angat sya ng tingin dito.

ToGetHer ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon