Cuarenta y ocho

123 6 0
                                    

From: V 💜
'Good morning. Are you free today?'

Pang-ilang beses na nyang binabasa ang text sa kanya ni Vincien pero hindi pa rin nya magawang mag-reply. Ito kasi ang unang beses na nag-text si Vincien sa kanya magmula noong hinatid sya nito pauwi sa bahay.

And see? Ganon pa rin ang pangalan nito sa kanya. Hindi rin pala ito nagpalit ng number.

Then she heard Dylan chuckled. "Babe, you've been staring at your phone for some time now."

She pouted. "Hindi ko kasi alam ang irereply ko."

Then Dylan walked towards her and gently caress her hair. "Just be you Babe."

Sa bagay. Dapat naman talaga magpaka-totoo sya kay Vincien. Bakit nga ba sya nahihiya sa lalaking 'yon?

Fine! Ito na mag-rereply na!

Just when she was about to reply to Vincien's message, Alexandra entered inside the office.

"Kristene ganda, someone's looking for you. Papasukin ko ah?"

"Ay... sana pinapasok mo nalang. Nagtanong ka pa ikaw rin naman pala ang magdedecide." Sabi nya sabay irap dito at tinawanan lang sila ni Dylan.

At ang magaling nyang kaibigan, bumungisngis nanaman.

"Alam ko kasing papapasukin mo rin naman pag nalaman mo kung sino. Wait ha." At agad na lumabas si Alexandra at ilang sandali lang ang lumipas, pumasok na nga doon ang sinasabi ni Alexandra na papapasukin naman daw nya pag nalaman nya kung sino.

At oo. Hindi nagkamali ang kaibigan nya. Kung gugustuhin nga nitong pumasok ulit sa buhay nya welcome na welcome pa ito.

Ay marupok lang Kristene Rae? Sobrang rupok. Wala eh. Mahal na mahal nya ito.

"Vincien Bud." Dylan greeted.

Nagtama naman ang tingin nila ni Vincien bago ito mapatingin sa kamay ni Dylan na nasa balikat nya.

"Uhm... Did I disturb you? I'll go ahead... I'll be back some other time—"

"No. It's okay. Paalis na rin naman ako." Sagot ni Dylan kay Vincien bago ito bumaling sa kanya.

Then Dylan held her chin to make her look up to him. "I'll be going now Babe. You take care alright?"

She smiled at him and nodded. "I will. You too Babe."

Dylan nodded in response before he kissed her on the forehead.

Nang maglakad na si Dylan, sinundan nya ito ng tingin at nakita pa nyang tinapik ni Dylan ang balikat ni Vincien na ngayon ay nakayuko.

Nang makalabas si Dylan sa opisina, katahimikan nanaman ang namayani sa kanila. Still Vincien is looking down.

"Vincien?" Pukaw nya sa atensyon nito at doon lang ito nag-angat ng tingin.

"Y-yes?"

"Have a seat."

Agad naman tumalima si Vincien at naupo sa may upuan sa harap ng table nya.

"Uhm... are you perhaps free today?"

"Oh! About that. I'm sorry kung hindi ako nakapag-reply agad. Just when I was about to reply to you, dumating ka na eh. Anyway, as far as I can remember yes, wala naman akong appointment or meetings today. Why?"

Napatango-tango naman si Vincien at ngumiti sa kanya. "Uhm... Aaayain sana kita doon sa location ng bahay for the interior design? You know the project..."

Akala naman nya aayain na sya ni Vincien sa date. Hindi talaga sya hihindi pag ganon.

"...and maybe we could have lunch together?"

ToGetHer ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon