Cincuenta y tres

112 4 0
                                    

Konting kembot nalang nila K at V. Nalalapit na. 💜

*****

Kinagabihan, pag balik nila Vincien sa bahay ng magulang ni Kristene, napalunok nalang syang muli dahil parang sya nalang talaga ang hinihintay. Handa na ang mga wine na mukhang may alcohol content na 12%.

Unang nakapansin sa kanila ay ang ama mismo ni Kristene.

"Oh nandito na pala kayo. Vincien Hijo halika na dito! Simulan na natin at kanina ka pa namin hinihintay!"

Napasimangot nalang si Kristene dahil kakarating lang nila at sigurado syang pagod si Vincien.

"Dad, hindi ba pwedeng bukas na 'yan? Pagod na si V!"

"Hindi! Walang pagod-pagod dito!" Sabi ng kanyang ama na ikinatawa ng mga kalalakihan.

Humarap si Vincien kay Kristene at hinawakan ang magkabilang balikat nito. "I'm fine Mi Amor. Don't worry."

"Gigisahin ka lang ng mga 'yan Mi Rey."

Vincien smiled at her. "It's okay. Ayos lang sa akin na magisa ngayong gabi. So I'll see you tomorrow alright?"

Wala nang nagawa pa si Kristene kundi ang tumango kaya't hinalikan na ito ni Vincien sa noo bago ito magtuloy sa pag-akyat sa kwarto nito.

Agad rin naman pumunta si Vincien kung nasaan ang apat na kalalakihan.

"Alright! Vincien ano na? Simulan na natin!" Sabi ni Vaughn habang may ngisi sa labi at nagpapatunog nanaman ng kamao nito.

"Bakit parang gusto mo ata ako suntukin Vaughn?"

"Kung pwede lang eh! Kaso magagalit sa akin si Rae pag binangasan ko 'yang mukha mo." Maangas na sabi ni Vaughn sa kanya pero ito rin naman ang nagbigay ng rocks glass na may yelo at ito rin ang nagsalin ng Novelino Rosso Dell' Azienda sa baso nya.

"So Hijo..." Panimula ng ama ni Kristene na ikinaseryoso ng mga ito. "Are you really back for good? Hindi mo na iiwan ang anak ko?"

Agad syang tumango sa ama ni Kristene. "Opo. Hinding-hindi ko na po iiwan ang anak nyo Pa. Hindi ko na po kayang malayo sa kanya ulit eh."

"I bet nasabi na ng Prinsesa ko ang lahat ng pinagdaanan nya noon."

"Opo." At napangiti sya ng mapait. "I thought leaving her would be the best decision for her to continue living her life. Alam naman kasi natin kung paano magmahal si Kristene. She really give everything she can, even the impossible, she can make it possible. Pero nang malaman ko lahat ng pinagdaanan nya, kahit alam kong huli na, pinagsisisihan ko ang pag-iwan ko sa kanya. Ang dami kong what if's na naisip. Though I know that I can't turn back the time, there's one thing I can do for her. That is to love her unconditionally and be by her side as long as I live. Babawi ako sa pinakamamahal kong babae."

Walang nagsalita sa kanila matapos nya sabihin ang mga katagang iyon. Totoo naman kasi. If he could turn back time, babawiin nya lahat ng sinabi nya kay Kristene noon. Hindi nya ito iiwan. Pero nasa huli nga ang pagsisisi talaga. Kaya ang pwede nyang magawa ngayon, ay higitan ang pagmamahal nya kay Kristene at manatili sa tabi nito habangbuhay.

"Kristene and Dylan were about to get married."

Doon napatingin si Vincien kay Vaughn habang nanlalaki ang kanyang mga mata. sa gulat. Maski kay Dylan na tahimik lang ngayon na umiinom ng wine.

ToGetHer ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon