Cuarenta y siete

98 3 0
                                    

One month has passed and today is Kristene's training in their own company. And in that one month, hindi rin nya nakita ang lalaking nagpapatibok ng abnormal palagi sa puso nya.

Napangiti nalang sya ng mapait. Here she is, still holding on but it turns out, sya nalang yata ang nakakapit. Iyon ang hirap na hirap syang tanggapin sa sarili magmula ng makabalik ito. Mukha namang masaya na sila ng girlfriend nito.

"Kristene."

Nabalik sya sa ulirat nang marinig nyang tinawag sya.

"Yes Alex?"

Alexandra smiled while walking towards her. "Bagay na bagay sayong maging office girl. Ikaw ang bagong reyna dito."

She chuckled. "Huwag mong palakihin ang ulo ko Alex at baka masanay ako nyan."

"Naku edi dapat pala Ma'am na ang itatawag ko sayo?"

She glared at her. "Subukan mo lang at friendship over tayo."

Then Alexandra grinned at her while showing a peace sign. "Joke lang. Hindi ka na mabiro. Tawag ka ni Tita Selene. Pumunta ka raw sa conference room."

At oo nga pala, si Alexandra rin ang sekretarya ng kanyang ina, na magiging sekretarya nya na rin.

"Oh okay! Sige. Puntahan ko na si Mom."

Tumayo na sya mula sa pagkakaupo sa swivel chair at akmang maglalakad na nang pigilan sya ni Alexandra.

"Wait Kristene."

"Oh why?"

Alexandra smiled and without notice, Alexandra removed her blazer.

Kunot-noo naman syang tumingin kay Alexandra nang matanggal nito ang blazer nya. Lumantad tuloy ang one shoulder top na suot nya.

"Why did you remove that?"

Alexandra smiled mysteriously at her. "May kailangan kang mapanganga ngayong araw na 'to Kristene. Let that person drool on you."

Mas lalo namang nalukot ang mukha nya dahil sa sinabi ni Alexandra. Hindi sya nainform na kailangan pala nya mang-seduce ngayong araw na 'to.

Napailing nalang sya. "Ikaw Alex napakarami mong nalalaman. Dyan ka na nga!"

"Good luck!"

At kahit nagtataka sa pabaon nitong 'good luck', hindi na sya nagkomento pa at kumaway nalang kay Alexandra.

Nang makarating sya may pinto ng conference room, sinalubong sya ng isang Marketing Assistant sa kompanya.

"Miss Kristene, they're waiting for you inside."

Her eyebrows furrowed. "They?"

"Yes Miss Kristene."

At sino naman ang kasama ng kanyang ina? With that thought, she opened that door that made her flabbergasted. Kung kaninang confident na confident sya, ngayon ay parang tinubuan sya ng hiya nang magtama ang mata nila ng lalaking nagpapatibok nanaman ng abnormal sa puso nya.

Why is he here?

"Oh Hija anak! Come here!"

Doon lang nya nakuhang umiwas ng tingin kay Vincien at naupo sa tabi ng kanyang ina. At kamalas-malasan, nasa harap nya lang si Vincien. Weh? Malas ba talaga?

"Alright. So Kristene, this is the start of your training. Bibigyan agad kita ng project. You'll be working for Mr. Vincien Santillan right here."

Napapikit sya ng mariin at pilit pinapakalma ang puso nyang nagwawala. "Mom, tayong tatlo lang naman ang nandito. Enough with the formal talks and get straight to the point."

ToGetHer ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon