Lumipas ang ilang linggo at wala pa ring improvement sa lagay ni Kristene. Palagi lang itong nasa loob ng kwarto, umiiyak o di kaya ay tulala. Sobrang nag-aalala na sila Krislene at Vaughn sa kanya.
Palagi rin bumibisita si Dylan kay Kristene. Maski ang mga kaibigan nila, pero bigo rin silang makausap si Kristene. Ang tanging nakakapagpasalita lang kay Kristene ay si Dylan at Vincien. At mas lalong silang nasasaktan tuwing pinipilit ni Kristene na kausapin si Vincien sa masiglang boses pero sa kabila 'non, umiiyak ito.
Alam naman ni Kristene na nakakadagdag na sya sa isipin ng mga malalapit na tao sa buhay nya. Gustuhin man nyang bumalik sa dati, hindi nya agad magawa dahil ngayon, may kulang na sa buhay nya. Masakit bilang isang ina ang mawalan ng anak. At ang mas masakit doon, kasalanan nya kung bakit sya nawalan ng anak. Iyon ang hindi nya matanggap sa kanyang sarili.
Araw-araw syang binibisita ng mga kaibigan pero wala naman syang mukhang maihaharap sa mga ito. Tulad ngayon, dumating muli si Dylan para kamustahin at alagaan sya pero nahihiya na sya dito. Simula't sapul napakarami na nitong naitulong sa kanya. Kung tutuusin, hindi naman sya nito responsibilidad na tulungan at alagaan.
Isa pa, si Vaughn. Hindi man nya masabing napatawad nya na ito, patuloy pa rin ang pag-aalaga nito sa kanya kaya't nahihiya na rin sya. Pati na rin ang kapatid nyang si Krislene na walang ginawa kundi kwentuhan sya ng masasayang bagay. Alam nyang nakakapagod lalo na't wala naman itong nakukuhang response mula sa kanya.
At ang pinaka importante sa buhay nya, si Vincien na palaging tumatawag sa kanya. Oo at masaya syang palagi sya nitong tinatawagan para kamustahin. Pero nakokonsensya sya dahil nagsisinungaling sya dito. Pinaniniwala nyang masaya sya kahit ang totoo, wasak na wasak sya. Ang anak nila, hindi man lang nya nagawang alagaan ng maayos habang nasa sinapupunan pa nya. Ayaw na rin nyang madagdagan pa ang isipin ni Vincien dahil madalas rin nitong maikwento na halos madalas din nyang nakikita na umiiyak ang kanyang ama. At ang pakiramdam na iyon? Iyon din ang nararamdaman nya. Araw-araw syang umiiyak. Hindi man sila parehas ng rason, mahirap, mabigat at masakit sa puso ang ganoong bagay.
But now it's different. She had enough. She needs to be strong and brave. Hindi sya pwedeng magmukmok nalang sa araw-araw dahil sa nangyari. Ayaw na nyang maging pabigat at isipin sa kanila. Hindi na nya hihintayin pang dalhan sya ng pagkain ng mga ito o dalawin ng mga ito. She needs to stand on her own. Even if it's hard and still, everything hurts, she needs to be brave and stand on her own feet once again.
With that, she climbed off the bed, went straight to the bathroom and took a quick bath. Pagkatapos nyang maligo, ngayon lang sya humarap muli sa salamin. Isa lang ang masasabi nya. Napaka-pangit nya sa paningin nya. Eyebags, fluffy eyes, maski pisngi nya, humpak na.
Kailangan kong magpaganda para kay Kriscien. Baka sabihin ng anghel ko na napakapangit na ng kanyang ina. Pinababayaan ang sarili.
Palaging sinasabi ni Dylan sa kanya na magagalit ang kanyang anak pag nakitang ganito sya. Ngayon nya narealize na totoo nga.
Baka itakwil pa ako ng anak ko bilang ina dahil ganito ang itsura ko.
She did her best to fix herself and be presentable again. At pagkatapos nyang mag-ayos, napadako ang tingin nya sa bracelet nya. Ito nanaman, naiiyak nanaman sya. Pinilit nyang pigilan ang luha na tumulo mula sa kanyang mata. Kailangan nyang magpakatatag para kay Vincien. Hindi pa dito natatapos ang lahat. Kailangan nyang panghawakan ang pagmamahal nila sa isa't-isa para hindi sya tuluyang bumigay.
Tumayo sya mula sa pagkakaupo sa harap ng vanity mirror nya at lumabas ng kwarto. Pakiramdam nya tuloy ay nanghihina sya sa paglalakad. Dahan-dahan syang naglakad maski sa pagbaba sa hagdan. Ito ang ayaw nya sa bahay na ito, masyadong malaki at tahimik. Kung dito sya mag-ii-stay, baka mabaliw sya ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
ToGetHer Forever
RomanceToGetHer Forever 🔞 | MATURE CONTENT This story is written by Kraye in Taglish. "I'll wait for him to come back even if it takes a lifetime. I'll wait for him because he's my happiness." "For sure, there is someone out there who waits for you patie...