Treinta y nueve

76 2 0
                                    

Lumipas ang ilang buwan na wala naman silang nagiging problema ni Vincien. Nalalapit na rin ang Birthday ni Vincien slash 1st year Anniversary nila kaya't pinaghahandaan nya na ito. Babalik kasi sya ulit sa Newark para magcelebrate kasama si Vincien.

Tuwing wala naman ginagawa si Kristene, madalas din syang nakatambay sa Claire De Lune, ang Restaurant ng matalik nyang kaibigan na si Maru. Tulad ngayon, doon sila nakatambay na magkakaibigan.

Maya-maya pa ay napadako ang tingin nya kay Dylan na busy makipag-usap sa mga kalalakihan. Honestly, she felt Dylan somehow changed. Hindi na ito masyadong malandi sa kanya magmula nang makabalik sila galing sa Newark, which is a good thing.

But honestly, they haven't talked for quite some time and she wanted to know if there is a problem between them.

Tinapik sya ni Maru sa kanyang balikat. "Kristene, matutunaw na si Dylan sa sobrang pagtitig mo sa kanya. May ginawa ba 'yan sayo? Gusto mo bigwasan na natin?"

She chuckled at her best friend, "Gaga! It's not that. He's just not talking to me for quite some time now."

Napataas naman ang kilay ni Maru. "Bakit naman?"

She sighed. "I really don't know. Basta pagbalik namin from Newark parang distant na sya sa akin."

Maru smiled as she gently tap her on her shoulder, "Ikaw na maunang kumausap sa kanya kung gusto mo ng kasagutan. Cornerin mo kung kinakailangan tulad ng ginagawa nyo sa akin dati pag ako yung umiiwas sa inyo."

Amazed naman napatingin si Kristene sa kaibigan. "Oo nga 'no? Sige Maru—"

Napatigil sya sa pagsasalita dahil nang balingan nya si Dylan, palabas ito ng Resto.

"Wait hahabulin ko lang si Dylan" Sabi ni Kristene kay Maru kaya't natawa ito sa kanya bago ito tumango at narinig pa nya ang 'Go  Kristene' nito.

Agad nya namang hinabol si Dylan at bago pa ito makalabas ng tuluyan sa Resto, kinapitan nya ito sa braso.

Surprised, Dylan asked, "Why Rae?"

"Do we have a problem?" Straight to the point nyang tanong dito.

"Not at all—"

"Akala mo ba hindi ko nahahalata? Hindi mo na ako masyadong kinakausap. So I'm thinking if I did something wrong? Nung una hinahayaan lang kita eh. Pero kasi sa totoo lang, nakakainis na. Diba mag-bestfriend tayo?"

Dylan took a deep breath before he answered, "Rae, wala kang nagawa okay? It's on me this time."

"Pero ano nga kasing problema mo?"

Saglit na pinagkatitigan sya ni Dylan bago ito magsalita. "I just realized that I need to accept the fact that you're only for Vincien."

"Yes, I'm his, and nothing will change that. But I'm still your best friend! Akala ko ba tanggap mo na? Pero bakit ngayon biglang ganito nanaman? Sana pala hindi nalang tayo naging close. Para hindi kita nasasaktan ng ganito."

Dylan wanted to say something to her but he opt not to. Instead, he shouted at their friends, "Guys! Hihiramin ko muna si Rae."

"Sige lang! Basta ba ibabalik mo 'yan ng buong buo! Walang labis, walang kulang!" Sagot ni Maru kaya't napatawa si Dylan at nag thumbs up kay Maru bago sya nito hawakan sa braso at iginiya na sumakay sa sasakyan nito.

Nang parehas na silang nakasakay sa sasakyan, agad na nagsalita muli si Dylan, "Rae."

She didn't answer and just looked outside. Ganitong naiinis sya kay Dylan. She thought she's already clear with her feelings towards him. That she can't return the same feelings he have for her.

ToGetHer ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon