Three days nalang bago lumipad patungong New Jersey si Vincien. Sobrang bilis talaga ng araw lalo na pag kasama mo palagi ang pinakamamahal mo. Kaya araw-araw, mas piniling magsama nila Kristene at Vincien sa Penthouse. Paminsan ay nagde-date din naman sila. Pero knowing Kristene? Mas prefer nito ang nasa isang mataas na lugar at overlooking habang nagkakape o di kaya naman kumakain ng paborito nitong mga pagkain. Syempre, kasama si Vincien Santillan, ang pinakamamahal nyang boyfriend.
Mag-eempake sila ngayon ni Vincien ng mga gamit kaya papunta sila sa bahay ng mga Santillan pero dumaan muna sila saglit sa bahay nila Kristene.
Magkahawak-kamay na naglalakad sila Vincien at Kristene papasok sa loob ng bahay. Napatigil sila sa may sala nang makita nila na may pamilyar na babae na nakaupo sa may couch.
"Serein?" Pukaw ni Kristene sa atensyon ng babae na busy sa pagdutdot ng cellphone. At nang mag-angat ito ng tingin sa kanila, ngumiti ito agad.
"Hi Ate Kristene! Hi Kuya Vincien!"
Vincien smiled and nodded at Serein while Kristene nearly rolled her eyes. "Don't call me Ate! Isang taon lang ang tanda ko sayo eh!"
Maya-maya pa ay dumating si Vaughn na may dalang iced tea. "Oh! Rae, Vin!" Bati nito sa kanila bago iabot ang isang baso ng iced tea kay Serein.
"What brings you here?" Tanong ni Vaughn bago umupo sa tabi ni Serein.
Napataas ang kilay ni Kristene nang makita nya kung gaano ka-close ang dalawa. As in walang space sa pagitan nila. Hmm...
Something's fishy ei?
"Uhm... May kukunin lang ako sa kwarto bago kami pumunta sa bahay nila V. Mag-eempake kasi kami."
"Oh yeah. Anyway, Vin ingat ka sa NJ. Umuwi ka agad as soon as possible baka mabaliw itong pinsan ko."
Inirapan ni Kristene si Vaughn na ikinatawa nila. "Don't worry, I'll make it fast. Ayoko naman iwan ng matagal ang pinsan mo. Papakasalanan ko pa 'to pag-uwi ko."
Napa-awang ang labi ni Kristene sa kanyang narinig. Tipong nag error ang utak nya sa pag-absorb ng sinabi ni Vincien pati ang paghinga nya tumigil.
"Rae Couz, breathe!"
At doon sya napabuga ng malakas na hininga at napatingin kay Vincien na may matamis na ngiti sa kanyang labi. At dahil pakiramdam nya ay nag-iinit ang pisngi nya, agad nyang tinalikuran ang mga ito at nagmadaling lumakad papalayo.
"Hey wait up K!" Rinig nyang sigaw pa ni Vincien.
"Dyan ka lang! Hintayin mo nalang ako!" Sabi nya at nagmadali na syang umakyat sa taas.
Nakasalubong pa ni Kristene at kapatid nito papunta sa kwarto. "Hey Ate! Sa wakas umuwi ka rin!"
At nang mag-angat sya ng tingin sa kapatid, tinawanan sya nito. "Ano bang itsura mo ate? You look like someone who just had orgasm with your flushed cheeks."
Nanlaki ang mga mata ni Kristene sa narinig mula sa kapatid. "What the hell Krislene? Saan ka ba natuto nyan?"
Krislene just shrugged. "Why are you here?"
"I'm just gonna get something in my room." Akmang lalampasan na nya si Krislene ng may maalala sya. "Anyway, is there a thing between Vaughn and Serein?"
"Oh!" Krislene chuckled. "Masyadong pa-showbiz ang dalawang yon. But I really do feel na meron. Ilang beses na kasama ni Kuya Vaughn si Serein dito."
Napatango-tango naman si Kristene sa sinabi ng kapatid.
"Ay Ate? I met someone. Actually for quite some time now. Well, not personally but I just know his name. Napaka-gwapo nya talaga!"
Napailing nalang si Kristene. Kung ano ang pagkakaparehas nila ni Krislene? Iyon ang walang preno at prangka na personality nila. Maski pagiging straightforward at bold magsalita, parehas sila.
BINABASA MO ANG
ToGetHer Forever
RomanceToGetHer Forever 🔞 | MATURE CONTENT This story is written by Kraye in Taglish. "I'll wait for him to come back even if it takes a lifetime. I'll wait for him because he's my happiness." "For sure, there is someone out there who waits for you patie...