"Aray naman Rae!!! Tama na! Masakit na!" Hiyaw ni Vaughn dahil umagang-umaga ay ayaw syang tigilan ni Kristene sa pagkurot sa tagiliran nito.
"Gago ka ikaw ang pasimuno! Pinagtripan nyo ang V ko!"
"Awatin nyo naman si Rae!" Pakiusap ni Vaughn sa lahat ng kasama nila sa sala pero tinatawanan lang sila ng mga ito.
"Wala akong kinalaman dyan kaya nga hindi ako nakisali sa usapan nila." Depensa naman ni Denver na tawa lang ng tawa.
"Tío! Ikaw may pasimuno nito eh!" Sabi ni Vaughn kaya't napatigil si Kristene sa pagkurot sa tagiliran ni Vaughn at napatingin sa kanyang ama.
"Seriously Dad? Ikaw?"
Her Father bit his lower lip to supress his smile. At doon lang tinigilan ni Kristene si Vaughn at lumapit sa kanyang ama.
"Dad."
"Y-yes Mi Princesa?"
"Pakurot lang sa tagiliran mo kahit saglit." Sabi ni Kristene at handa na nitong kurutin ang tagiliran ng kanyang ama nang pigilan sya nito.
"Mi Princesa naman, I was just testing your man okay?"
"Testing? Dad ang lungkot ni V kagabi dahil sa pangti-trip nyo sa kanya!"
Tumingin naman ang ama ni Kristene sa kanyang ina na para bang nanghihingi ng tulong.
"Selene..."
Then her Mother snorted. "Selene ka dyan. I can't help you. I told you not to mess with a Castilleja but you still did. Hala sige! Tanggapin mo na ang pinong kurot ng anak natin!"
Napangiwi nalang ang kanyang ama at wala na itong nagawa kundi ang tanggapin ang kurot ni Kristene. Pero ang ama nya? Hindi nasasaktan. At kung bakit?
"Mi Princesa! Hindi masakit! Nakikiliti lang ako!" Sabi ng kanyang ama na parang kiti-kiti dahil sa pag-iwas sa pagkurot ni Kristene.
Then Kristene's gaze went to Dylan and Dylan gulped. Mukhang sya na ang susunod.
"Isa ka pa!"
"Babe naman! Sinakyan ko lang ang pinsan mo at si Papa!" Depensa ni Dylan pero hindi natinag si Kristene sa paglapit nito.
Pero nang akmang kukurutin na ni Kristene si Dylan sa tagiliran nito ay agad syang hinawakan ni Vincien sa bewang at inilayo kay Dylan.
"Mi Rey! Bitaw hindi ko pa nakukurot si Dylan!"
"Enough Mi Amor and I won't let you." Then Vincien whispered on her ear that gives her goosebumps. "Because I'm territorial and I don't want you going near him."
Dylan tsked. "Santillan. Salamat sa pagpigil sa girlfriend mo pero baka nakakalimutan mo, best friend ko 'yan! Ako nag-alaga dyan nung wala ka."
Napagpapantastikuhan namang tumingin si Kristene kay Dylan. "Para mong sinabing nag baby-sit ka ng damulag ano?"
Dylan grinned at her. "Hindi naman Babe."
"Hoy Krislene! Hindi ka ba nagseselos na ang tawagan nitong kapatid mo at ni Dylan ay Babe?"
Krislene shrugged. "Not a big deal for me Kuya Vaughn, honestly. I also call Denver Sweetie. So, what's the fuss?"
"Eh ikaw Vincien Bud, ayos lang sayo?"
When he looked at Vincien, he has this weird smile that's been plastered on his face. "Kung ako lang ayoko dahil baka mapatay ko si Dylan."
"Sorry Bud. Nakasanayan na." Asar ni Dylan habang nakangisi.
BINABASA MO ANG
ToGetHer Forever
RomanceToGetHer Forever 🔞 | MATURE CONTENT This story is written by Kraye in Taglish. "I'll wait for him to come back even if it takes a lifetime. I'll wait for him because he's my happiness." "For sure, there is someone out there who waits for you patie...