Ventiséis

87 5 0
                                    

Kristene is in the middle of watching a movie when she heard her phone beeped. She reached it on the center table and immediately opened the message.

From: Dylan K.

'Hide somewhere. I'm with Vincien already and we're going up. Surprise your man Rae. 😉'

Natawa naman sya sa message ni Dylan sa kanya. May pa-surprise your man pa talaga itong nalalaman. Pero infairness, bigla syang nakaramdam ng excitement. Sa totoo lang halo-halo ang emosyon na nararamaman nya. Masaya at excited dahil magkikita na ulit sila ni Vincien. Malungkot dahil ang tagal na rin na wala silang communication. Kaba at takot dahil hindi nya alam kung ano ba ang susunod na mga mangyayari pagkatapos ng pag-uusap nila.

Ngayon palang nanlalamig ang mga kamay nya dahil sa halo-halong emosyon na ito. Paano pa pag magkaharap na sila?

At kahit pakiramdam nya ay nanghihina ang tuhod nya, naglakad sya papunta sa kusina upang doon maghintay. Well, hindi naman sya kita doon at madilim, hindi nya binuksan ang ilaw.

Maya-maya lang ay naramdaman nyang nagbukas ang pintuan at biglang bumilis ang tibok ng puso nya nang marinig nya ang boses ng pinakamamahal nyang lalaki.

"Why the hell did you brought me here Bud?" Rinig nyang tanong ni Vincien.

Mahina syang napatawa nang marinig ang pagkairita ng boses nito. The same Vincien that she knew.

"Masama bang dalhin ka dito?" Balik naman na tanong ni Dylan.

Vincien tsked. "You told me we're going to get drunk tonight. But why the hell in here? Are you gay?"

"You shithead Santillan! Just thank me that I brought you here. I'll go grab some drinks. You wait for me."

"Tang'na! Ipa-room service mo nalang. Ang dami mo talagang arteng Amerikano ka."

Dylan snorted. "Kaysa naman sa tulad mong Espanyol na gago."

Natatawa nalang sya sa pag-uusap ng dalawa. Kung hindi mo kilala, pagkakamalan mong nag-aaway base sa tono ng pag-uusap nila.

"Kakagaling mo lang dito last month nandito ka nanaman. Baka naman talagang bakla ka at ako ang gusto mo? Bud sinasabi ko sayo, hindi ako pumapatol sa bakla. Si Kristene lang ang nag-iisa dito sa puso ko."

And there, she felt her heart beating like crazy. Si Vincien lang talaga ang may kayang gumawa nito sa kanya. Pero ano daw? Kakagaling lang dito ni Dylan?

Dylan chuckled. "That's why I brought you here. Anyway, maiwan na kita."

"Moron! Bilisan mo."

_____________

Napailing nalang si Vincien nang pakitaan sya ni Dylan ng gitnang daliri bago nito isara ang pinto. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin sya kung bakit dito sya inaya ng kaibigan. Pwede namang sa bar sila magpakalasing at tulad dati, doon naman nakikituloy si Dylan sa isa sa Condo na pagmamay-ari nya.

He sighed and walked towards the living room only to find out that the Smart TV is open.

He shooked his head. "Why the hell did he left the TV on the whole day?"

"Because I was watching."

His breathing hitched when he heard that familiar voice. Kristene?

Agad syang napalingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon at napa-awang nalang ang labi ni Vincien nang makita ang babaeng sobrang mahal na mahal nya at miss na miss na nya. Ang babaeng gustong-gusto nyang makita, mayakap at mahalikan. Ang babaeng gusto nyang mahagkan.

ToGetHer ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon