Cuarenta y uno

87 4 0
                                    

11 AM na nagising si Kristene kinabukasan. Nang gabi kasi na dumating si Dylan, hindi pa rin sya agad nakatulog. Inabot pa yata sya ng 3 AM bago tuluyang dalawin muli ng antok. At kung bakit? Iniisip nya ulit si Vincien at kung ano ang nangyari dito at bakit kinailangan nitong umuwi agad.

She looked at her phone and still, no message and call from Vincien. For sure nasa Newark na ito. Baka busy pa ito sa ngayon sa emergency doon.

Honestly, she's still confused and at the same time, hurting. Pero wala naman syang magagawa sa ngayon. Pamilya ni Vincien ang usapan. She needs to be selfless once again.

Nasa ganoong pag-iisip sya nang maalala nya si Dylan. Anong oras kaya ito natulog?

Pero bago sya lumabas sa kwarto, naligo na muna sya at nang makalabas sya sa sala, doon nya nakita si Dylan na nakaupo sa may couch habang busy sa laptop nito.

"Dylan?"

Agad naman itong bumaling ng tingin sa kanya at ngumiti. "Hey! Gising ka na pala."

Lumapit sya kay Dylan at umupo sa armrest ng couch habang nakatingin ng diretso sa laptop nito. Mukhang busy ito dahil dinala pa ang trabaho sa Hong Kong.

Tumingin sya kay Dylan at mahinang pinitik ang noo nito. "Sabi ko kasi huwag ka na pumunta dito. Dinala mo pa tuloy yung trabaho mo dito. Halata namang busy ka eh."

Dylan did the same, pinitik nya ng mahina ang noo nito. "Rae, tulog ka pa kasi kanina kaya ako nagtatrabaho. Besides, I'm just reading emails for approval. But since you're already awake..." He trailed off as he closed his laptop. "I'll give my attention to you now."

She smiled at him. "Okay. Sabi mo eh. Anyway, saan at anong oras ka natulog?"

"Maybe 4 AM? Not quite sure. And I slept here in the couch."

Napatango-tango naman si Kristene. "You can sleep beside me later. Nakakahiya naman sayo at sarili mong Hotel ito then dito ka matutulog."

"I'm fine sleeping here Babe."

"Silly! It's really okay. Besides best friends tayo. At sa tagal na nating magkasama, parang bago naman ng bago sayo na magtatabi tayo."

Dylan frowned. "Hindi naman sa ganon. But that was when you're pregnant. Pinaglilihian mo ako."

Tinaasan nya ito ng kilay. "And so? Dylan kung may balak kang gawan ako ng masama dapat dati pa 'no! So don't worry. I trust you. To think that you've been helping me non-stop. It's really okay."

"And what if I hug you at night?" Dylan asked playfully.

"Then hug me. Jusko Dylan! Kami nga ni Owen dati nagyayakapan eh!"

"Safford??!" Gulat na tanong ni Dylan na para bang hindi makapaniwala.

"Oo. Mag best friend kami diba?"

"Nagtatabi din kayo?!"

"Oo naman!"

"Okay?" Tanging nasambit ni Dylan na tila gulat pa rin sa nalaman. "Anyway Babe, saan mo gusto pumunta? Since nandito naman ako, ako nalang ang sasama sayo sa mga gusto mo puntahan."

Saglit na nag-isip si Kristene habang iniisa-isa sa kanyang isip ang mga gusto pa nyang puntahan na lugar sa Hong Kong. "Ah! Let's go to Mongkok Ladies Market. Mamimili ako ng mga pasalubong sa mga kaibigan natin."

"Mongkok Ladies Market it is. Then?"

"At Ginza Plaza. Bibili ako ng bagong phone. Yung tulad sayo, para naman pag gusto ko kuhaan ang night sky, malinaw."

Dylan chuckled, "May mas latest na dito Rae."

"Edi bilhin yung mas latest." She said nonchalantly.

ToGetHer ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon