Cuarenta y dos

92 6 0
                                    

"Rae! Here!"

Natawa nalang si Kristene dahil ang sigla kung maka-kaway ni Vaughn sa kanya habang papalabas sila sa arrival area ng Airport.

"Ano ba Vaughn! Hindi naman ako balikbayan para kawayan mo ng ganon." Sabi nya kay Vaughn nang makalapit sya dito.

Niyakap nya ang kanyang pinsan at kapatid na himalang sumama sa pagsundo sa kanila.

"Dylan Bud!" Bati ni Vaughn kay Dylan at naghandshake pa ang dalawa. "Thanks for accompanying my cousin."

Dylan smiled. "No worries."

"Mabuti napasama mo 'tong si Krislene?" Sabi ni Kristene kay Vaughn na para bang hindi makapaniwala.

"Pinilit ko lang. Para naman makalabas sa bahay."

"Bakit naman? Hindi ka pinapalabas sa bahay?" Baling na tanong nya sa kapatid.

"Hindi naman Ate K."

"Hindi ko pinapalabas!" Sabat ni Vaughn kaya't nakatanggap ito ng pinong kurot mula kay Krislene sa tagiliran kaya't napaigik ito sa sakit.

"I'm just telling the truth Krislene Raye! What's wrong with that? Masakit ah?" Nakangiwing sambit ni Vaughn habang hinihimas nito ang tagiliran nya.

Napailing nalang si Kristene dahil naglambingan nanaman ang dalawa.

Pagkalabas nila ng arrival area, naroon na ang sasakyan ni Vaughn. Pinagtulungan ng dalawang lalaki na ilagay ang mga bagahe na dala nila sa likod ng sasakyan. Then after, Vaughn and Dylan went inside of the car. Binuksan ni Kristene ang front seat door at akmang papasok nang pigilan sya ni Krislene.

"Ate... pwedeng dyan ako?"

She frowned at her Sister, "Ayoko. Gusto ko dito. Dyan ka na sa likod katabi ni Dylan." At si Kristene na mismo ang nagbukas ng passenger seat door pero ayaw pa rin pumasok ni Krislene.

"Get inside Princess! Mahamog na damn it!" Sigaw ni Vaughn na nasa loob na ng driver's seat at agad na tumalima si Krislene sa pagpasok sa back passenger seat.

Nang makapasok na ang kanyang kapatid, sya ang nagsara ng pinto nito bago sya sumasakay sa harapan.

"Let's go."

Vaughn tsked. "Seatbelt Rae."

At maski sya, agad na tumalima dahil sa utos ni Vaughn. He really has a Brotherly image to the both of them.

"Kumain na ba kayo ni Dylan?" Kapagkuwan ay tanong ni Vaughn sa kanya.

"Yes. Sa plane na kami kumain. Ay wait—" Bumaling si Kristene kay Dylan at napakunot ang noo nya nang makita si Dylan na nakatingin kay Krislene na parang nag-aalala. "Uhm... is there something wrong? Dylan? Krislene?"

Agad naman napatingin sa kanya ang dalawa at sabay pang ngumiti.

"Wala Ate K!"
"N-Nothing."

At sabay pang sumagot. Nawe-weirduhan man, ipinagsawalang bahala nya na lang ito.

"Give me my bag Dylan. Excited akong ibigay yung gift ko dito kay Vaughn eh."

Napangiti naman agad si Vaughn. "Anong bang gift yan ha? I thought you're just kidding when you said it was already taken care of."

Nang aabutin na ni Kristene ang bag mula kay Dylan, biglang hinawakan ni Krislene ang kanang-kamay nya na parang may pinagkakatitigan doon. At nang tignan nya kung saan ito nakatingin, sa singsing na bigay ni Dylan sa kanya.

"You want?" She asked Krislene.

"H-ha?"

"Tinatanong ko kung gusto mo ba?" Pag-uulit nya sa tagalog.

ToGetHer ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon