Chapter 4

28 2 0
                                    

Chapter 4 - Krimstix

"Uy Iana! Nabibingi kana ba? Sabi ko gusto mo ba ng tubig?" Bigla akong bumalik sa matinong pag iisip dahil napagtanto ko na hindi pala si Adrian ang nag alok sakin non. Hay! Ano bayan Iana!

Sa sobrang pagka adik ko na ata sakanya ay nag ha-hallucinate na ako. I should really stop my addiction towards Adrian. Normal na tao lang din naman sya.

Should I stop liking him? No! It's too early to stop.

"Hinde, Pagod Lang" huh? Anong connection nun sa tubig Iana?! Ano ka? Star sa Starbucks?

"Hay nako! Inumin mo na nga yang tubig na yan. Baka ibuhos ko sayo yan para magising ka sa katotohanang di ka nya papansinin" harsh! Kaibigan ko ba talaga to?

"Yan! Ganyan! Pag inookray moko ay talagang present ka pero kapag kaylangan ko ng moral support missing ka" kinuha ko na lang din ang mineral water na inabot nya saakin kanina dahil wala akong dalang tubig ngayon.

Akala ko talaga kanina ay si Adrian na yung nag abot saakin nung tubig na yon.

Pero Hinde! Hindi ako susuko dahil ano pa na naging Nuguid ako kung susuko lang din naman ako kaagad.

Pinagmasdan ko sya na ngayon ay nakaupo sa tabi ng bintana habang gumawa ng mga banners na isasabit namin sa booth namen.

Sa huli ay napagkasunduan nila na mag horror booth nalang dahil masaya daw yon. Kaya sa mismong founding anniversary namin ay imbes na mag mukha kaming fresh at blooming ay magmumukha kaming mga bangkay na bagong hukay.

Ewan ko ba dyan kay Adrian. Minsan yung utak nya hindi mo maintindihan eh.

Bigla ko naman nakita ang paglapit sakanya ni Erika, dahilan para alisin ko ang tingin ko sakanilang dalawa.

Kaylangan ko sigurong libangin ang sarili ko para hindi sumagi sa isip ko na magkasama silang dalawa ngayon. Biglang nanikip ang dibdib ko dahil bago ako lumingon sa ibang direksyon ay nakita ko si Adrian na ngumiti kay Erika.

Isang bagay na kaylanman ay hindi ko masisilayan na gagawin nya saakin.

Sa huli ay tumulong nadin ako sa paggawa ng iba naming props dahil nakapag pahinga narin naman ako. Nahilo lang siguro talaga ako dahil sa init tyaka hindi ako nakapag umagahan.

Iniimagine ko ang sarili ko na suot suot itong pang white lady na suit na to. Yuck! Hindi bagay sa beauty ko.

Lumipas ang Ilang oras at sa wakas ay natapos nadin kami sa mga props na gagamitin namin. Mamaya ay i se-set up na namin sa labas ang mga gamit namin para sa mismong foundation day ay hindi na kami mahirapan sa pagba-baba ng mga gamit.

"Lunch na tayo" anyaya ko kay Yjasmin at agad naman syang tumayo para kunin ang lunch na ginawa din ni tita para sakanya.

Pagkalabas namin ay laking gulat na ang daming tao sa labas ng pintuan.

"Sino pong hinahanap nyo?" Malambing na tanong ni Yjasmin sakanila. I'm sure si Adrian na naman ang mga hanap ng mga to. Kung hindi magpapa autograph ay magpapa picture naman.

Inaagaw nila ang baby ko saken.

"Si Ms. Iana po" huh? Ako?

Sabagay! Napansin ko na puro lalaki nga ang nandito. Sigurado akong hindi si Adrian ang gusto nilang makasama.

"Ah? Ako yon. Baket?" Bigla naman silang sabay sabay na naglabas ng camera at isa isang pumila sa harapan. Anong nangyayari?

"Kayo po kase yung nakita namin sa bulletin board na makiki laban sa pageant dito po sa school. Pwede pong pa picture?" Sa sobrang pagkalito ay napatango nalang ako kahit na hindi ko alam ang pinaguusapan nila.

Tell Me You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon