Chapter 43

12 0 0
                                        

Chapter 43 - See you again

Nung una ay naguluhan pa ako sa sinabi ni Rich. Hindi ko naman kasi alam na ako pala ang tinutukoy nya. Ang pagbilis ng tibok ng puso ko ay sya ding dahilan ng pagkawala ng antok ko.

Parang kape ang mga salita nya na gumising sa diwa ko. Ito namang si Yjasmin ay mahimbing ng natutulog. Hinayaan konalang din syang matulog dahil mukhang pagod din naman sila.

Si Kuya Iyu ay tulog din sa harapan ng sasakyan. Ako naman ay hindi makatulog at binabagabag ng madilim na kalangitan. Hindi padin talaga mawala sa isip ko ang sinabi ni Rich. Bigla namang sumagi sa aking isipan si Adrian.

Sa ilalim ng ilaw, kaming dalawa.

Umiling ako at pinigilan ang aking sarili na ituloy ang iniisip. Hindi ko na dapat iniisip yon lalo na pamilyado na sigurado yung tao.

Pero may bumubulong saakin na gusto ko pa sya. Eh Ano naman kung gusto ko pa sya? Hindi sapat na dahilan yon upang agawin ko sya. Hindi ako ganon na babae. Hindi ako bababa para lang maabot sya.

Sana lang ay nasa maayos syang kalagayan. Pero diba dapat wala na akong pakeelam doon? Gaya ng wala na dapat akong pakeelam sakanya dahil sigurado naman ako na hindi nya ako iniisip. Baka nga nung nabalitaan nyang babalik ako sa pinas ay agad agad syang umalis para lang hindi nya ako makita.

Who knows?

I took my phone inside my pocket and took a picture of the view outside while the car is still moving. I tried my hardest to take a nice picture to post on my Instagram.

I suddenly remembered Sofia. She likes taking pictures of the scenery and she always takes her camera with her. Her camera is part of her life and probably half of her entire life is all about pictures and video. Kaya nagtataka din ako kung bakit culinary ang course nya. Maybe she's taking it because her parents wants to have a chef daughter. Pero baka din naman mahilig lang talaga syang mag luto.

Venice is the cook in our barkada. She always knows the way inside our heart. Food of course. She's the best cook and she cooks delicious meals for us! I already miss them so much

Xin is the baby in our group. As in sya yung laging hindi Pwede dahil hindi pinayagan at strict ang parents. Well I get her so much since we are all Asians here.

Habang binabalikan ko ang mga ala-ala namin ng friends ko sa Singapore, naisip ko na kahit 5 years yon ay sobrang dami ko padin palang hindi alam tungkol sakanila.

I know Yjasmin so damn well na kaya ko syang I identify kahit naka pikit. I can't wait to see them again.

Hindi ko manlang namalayan na habang iniisip ko ang mga kaibigan ko sa Singapore ay nakatulog na pala ako sa balikat ni Rich at nung nagising ako ay ginigising nya ako dahil nasa bahay na daw.

I checked my phone and it's already 4 in the morning. 30 minutes lang siguro ang tulog ko.

"Do you want me to carry you? Wag kanang gumising" as much as I want to, nakakahiya din naman sakanya. I'm heavy and he's also probably sleepy and tired.

"It's fine" I smiled at him and he helped me with my things. He carried all my luggage and took them inside. He's really a gentleman so why me?

Pero bakit nga naman hindi ako?

Sa sobrang antok ko ay deretso nalang ako sa kwarto ko at humiga agad. Hindi padin nagbabago ang amoy ng kwarto na to hangga ngayon. Still smells like my mom.

Nung bata kase ako ay Lagi kong inaamoy si mommy and I really like her smell kaya naman hanggang pagtanda ko ay yun na ang nakasanayan kong amoy. Even my room in Singapore smells like this.

Para akong lasing na nakatulog agad na hindi manlang nagpapalit. I'm sure my mom won't like this. She's really sensitive when it comes to our clothes. Kung anong pang alis, pang alis lang

I miss my mom. I mean, I miss her when I was still a baby. Yung lagi syang nandyan. Maybe I'm already saying nonsense stuffs

Sa sobrang antok ko ay kahit posiyon ko matulog sa kama ay hindi ko na maiayos

Paggising ko kinaumagahan ay hapon na. Mahihirapan nanaman akong ayusin ang tulog ko neto. Pagbaba ko ay andyan ulit ang usual na almusal at andito pa Sila Yjasmin at Rich.

We ate breakfast together and we decided to go out today. Mini bonding lang para naman malibang ako and see what's new in the Philippines. Medyo hindi ko nadin kase alam ang update sa mga nangyayari.

But first, I want to go to a coffee shop and order something for myself. Research nadin for my upcoming business. I'll open a coffee shop first before a restaurant. May memories talaga sakin ang coffee shops eh. Maliban sa yun ang first job experience ko ay mahilig din talaga ako sa sweets and fraps.

We went to a local coffee shop and brought some drinks. Nauna na yung aken dahil sa hindi ko malamang dahilan at naghihintay pa sila Rich ng coffee nila. I don't drink coffee kaya I brought a smoothie and a cake.

"I'll just go inside the bathroom" nagpaalam ako sakanila dahil naiihi na talaga ako at hindi na kakayanin ng pantog ko at baka sumabog na.

Pagkalabas ko ng cr ay hinahanap ko Kung nasan Sila Rich pero wala na sila dun sa table na pinag iwanan ko sakanila. Are they pranking me? I got annoyed kaya naman lumabas ako kaagad at hinahanap yung car ni Rich.

Imbes na si Rich ang makita ko ay si Erika ang nakita ko. Her tummy is swollen and she's smiling while holding her phone...

I got so shock that I almost spilled my drink...

So I'm right. They do have their own family now.

Agad akong tumakbo pabalik sa banyo at tinugnan ang sarili ko sa salamin habang unti-unting bumabagsak ang luha sa mata ko.

Dapat matagal ko ng tanggap eh! Pero nung nakita ko sya na malaki yung tyan at nasa isip ko na anak nila yon ni Adrian ay hindi padin mawala yung sakit. Na sana ako yon. Sana kami yung bumubuo ng pamilya namin pero hindi eh.

I was just a part of their story.

———————————————————————

Medyo (sobrang) lutang update ulit. Sorryyy

Tell Me You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon