Chapter 31 - Crowds favorite
Many images flashed into my mind as i entered the school with him. I sighed and stepped inside making the crowd look at us.
Sino ba namang hinde? Everyone will definitely look at you when you're with Adrian. He's the crowd's favorite
Hindi naman nakakapag taka na pagkapasok palang namin ay madami na agad ang mga babaeng lumapit sakanya para sa picture at para kausapin sya. Sa sobrang dami nila ay lalong lumalaki ang agwat namin sa isat-isa
Hinayaan ko nalang at dumeretso ako sa lamesa kung saan nakaupo si Yjasmin. Tutok sya sa phone nya kaya hindi nya ata napansin na nandito na ako.
Malanding to pinagpalit ako sa Kuya ko
Sa malayo ay tinatanaw ko si Adrian na dinudumog padin ng mga babae sa batch namin. Kung tutuusin ay hindi lang sa batch namin.
Sinusubukan nya atang takasan sila pero hindi sya nagtatagumpay. Nako Adrian Sullano ginawa mo nanamang pain ako Sarili mo dahil sa sobrang kagwapuhan mo.
Akin kaba talaga?
Haysttt ano ba naman tong iniisip ko oh
Mag e-enjoy ako sa gabing to at walang makakapigil sakin.
Nung nakatakas na si Adrian ay umupo na sya sa tabi ko.
"Sorry natagalan. Di ko naman inaakala na dudumugin ako" napakamot pa sya sa batok nya habang nagdadahilan.
"Kung ako din naman ay pipila kung makita kita" namula ako at nung marealize ko ang sinabi ko ay parang gusto ko nalang magpakain sa lupa.
Ganon ba talaga ako karupok?
"Naku Iana wag. Dun ka sa harap gusto mo paypayan pa kita" I chuckled and didn't take him seriously. Hindi naman siguro sya seryoso sa sinabi nya diba?
"Akala mo ba nagbibiro ako? Do I look like I'm joking?" Napatigil naman ako sa pagtawa. Hala so seryoso nga talaga sya.
"Sorry" Hala gagi di ko mapigilan ang matawa "Natatawa talaga" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nung natawa nanaman ako
Tinititigan nyalang ako habang tumatawa. Adik to saken eh.
"Sorry nakakatawa kase talaga. Ako? Papaunahin mo at papaypayan. Wag na magpapaubaya nalang ako sakanila" Seryoso kong sabi.
He pouted and lowered his head "pinamigay ako" Sa totoo lang ay gusto ko ulit matawa sa sinabi nya. He's acting like a kid right now.
"Anong pinamigay? Dadaan lang naman sila sayo pero akin ka" umangat ang tingin nya saakin at kita ang pagkislap ng kanyang mga mata.
Hindi ko din mapigilan ang pamumula ng aking mukha
This boy and really bringing out the best in me and I'm glad that after so many years, my love for him came and he's in front of me now.
"You can take a picture Iana i won't mind" nung nagsalita sya ay dun ko lang na realize na kanina pa pala ako nakatitig sakanya. This is embarrassing
Nag iwas ako ng tingin at narinig ko naman ang mahina nyang pagtawa. Ito namang katabi ko ay kanina pa kame pero hindi nya padin ako pinapansin. Apaka talaga eh. Maharot
"Uy! Sabihin mo lang kung ayaw mo na ako dito uuwi na ako" halata pa sakanya ang pagka gulat dahil nandoon na ako sa tabi nya.
"Ay sorry naman na sisyyykorn. Tara Kain tayo" hinila nya ako patayo at pumunta kami dun sa may madaming pagkain.
"Ikaw mag kwento ka nga saken. Kayo na ba ni Kuya?" Hindi ko naman na kaylangan tanungin dahil parang alam ko na din naman ang sagot.
"Anong gusto mong sabihin ko? Oo? Eh Hindi naman" Ang dami ding palusot. Ayaw lang magkwento neto eh.
BINABASA MO ANG
Tell Me You Love Me
RomanceI like you too. Four words that I want to hear from you. Gaano ba kahirap sabihing gusto mo din ako? It is hard to like me? Is it hard to be with me? Ryumi Iana Nuguid is a girl who knows what she wants. For her, life is too short and you must enjo...