Chapter 7

21 3 0
                                    

Chapter 7 - Take it or leave it

"Nababaliw kana ba?!" Singhal ko sakanya.

Sigurado akong hindi papayag si mommy na sa bahay ako nila Adrian matulog. No way!

"Hindi papayag ang mommy ko Adrian. Tyaka nakakahiya! Hindi naman ako close sayo!" Just facts. Ayoko naman na maging feeling close pa sakanya. Tatawagan ko nalang si mommy para magpasundo kayla Kuya.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ko.

Ang malas ko talaga! Dahil basang basa kami dahil sa ulan ay basang basa din ang cellphone ko. Paano ko matatawagan nyan si mommy?! Ni Hindi ko kabisado ang number nya. Nakaka inis naman!

Malungkot akong tumingin kay Adrian at kitang kita ang amusement sa mata nya habang nakikita akong hawak ang cellphone kong ayaw mabuksan. Bigas lang naman ang katapat neto.

"You choose Iana, iiwan kita dito na basang basa at magpapalipas kapa ng gabi dito or you can come with me and you'll have a roof under your head. Take it or leave it"

Teka, Wala na ba talaga akong ibang choice?!

"Or! Pwede mo naman akong ihatid samen?" Hopefully Ay mag Oo nalang sya.

"No" maikli nyang sagot sabay tawa. Ano bang problema ng lalaking to? "Masyadong malakas ang ulan. Mukhang may bagyo ata. Kung ihahatid pa kita sainyo ay mapapalayo lang kami. Tyaka ayaw mo yon, masosolo mo ako"

Ha? Anong kaluluwa ang sumapi sakanya at ganyan ang mga naiisip nya? Hindi nya ba alam na ang kausap nya ngayon ay kabadong kabado na dahil baka mapagalitan ako kay mommy.

"Hindi padin ako papayagan na matulog sainyo"

Tinignan ko sya habang may kinakalikot sya sa cellphone nya. Probably texting his driver to come pick us up.

"Hello tita... Yes, I'm with Iana. She's safe. Ipagpapaalam ko lang po sana sya na sa bahay na matulog. Thank you" what the hell?! Paano nya nalaman ang number ni mommy?!

Bago ko pa maagaw sakanya ang cellphone ay agad nya itong ibinulsa.

"Wag kang mag alala, Sabi ni tita ay pwede kang matulog saamin" napa buntong hininga nalang ako dahil alam kong wala naman na akong magagawa.

Ginawa ko ang lahat para labanan ang lamig na nararamdaman ko ngayon dahil sa ulan at dahil narin basang basa ako. Dapat ay agad kaming pumunta sa may silong eh.

Nanginginig ako nung may naramdaman akong tela na ipinatong sa nanlalamig kong katawan. Hinubad pala ni Adrian ang suot suot nyang coat para ibigay saakin.

"T-thank you" mahina kong sabi sakanya.

Ano ba tong nararamdaman ko? Basang basa na nga kami ay tuwang tuwa pa ako.

Parang aso naman kung maka ngisi si Adrian.

Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang driver nila Adrian at agad kaming sumakay. Malamig sa loob kaya ang ginawa ni Adrian ay pinatay nya ang AC ng sasakyan at kumuha ng towel na pinadala nya ata sa driver nila.

"Ayos kalang ba? Nilalamig ka?"

Sa sobrang lapit nya saakin ay ang lamig na nararamdaman ko kanina ay unti-unting nawawala. Tila ba sa sobrang lapit namin ngayon ay pwede na talaga kaming mapagkamalan na may relasyon.

"H-hindi n-naman mas-syado" para akong tanga dahil pa utal utal akong magsalita.

Lumayo sya ng bahagya saakin dahil baka nararamdaman nya nadin na medyo nakakailang ang pwesto naming dalawa. Buti nalang at busy din sa pagmamaneho ang driver nila at hindi kami pinagtutuunan ng pansin.

Tell Me You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon