Chapter 15

16 2 0
                                    

Chapter 15 - Wedding Booth

Pinasok nila ako sa isang kwartong madaming ilaw.

Inupo nila ako at inumpisahang alisin ang make up na pang white lady ko sa mukha. Inalis din nila ang wig ko at pinagpalit nila ako ng mas presentableng suot.

Teka! Kanino ba kase ako ikakasal?!

"Pwede bayaran ko nalang kayo? Tapos palayasin nyo nako dito hehe" marketing 101

"Sorry miss napag utusan lang" bumagsak ang balikat ko at hinayaan nalang silang gawin ang kahit anong gusto nilang gawin. Wala nadin naman akong magagawa at mapapagod lang ako kung tatakas ako dahil marami silang nagbabantay sa labas.

Makikita mo na may iba ding inaayusan at mukhang excited pa. Wow magkano kaya binayad nila para ikasal sa crush nila?

I just rolled my eyes and looked myself at the mirror. Swerte naman ng magiging asawa ko psh.

Pagkatapos nila akong ayusin para magmukhang tao ay dinala nila ako kaagad sa labas kung nasan ang booth nila. Alam ko ay ang wedding booth sa field ginagawa kaya naman madaming tao talaga ang makakakita.

Kung sino man ang nagpalista sakin ay siguraduhin nyang hindi sya magpapakita dahil kakatayin ko talaga sya.

Ang pinaka malaking twist pa dito ay kaylangan naka piring kami para surprise kapag nakita namin kung kanino kami ikakasal. Piniringan muna nila ako bago dalhin kung saang lupalop man ang booth nila.

Alam kong malapit na kami dahil rinig ko ang sigawan ng mga estudyante. Mga chismoso din eh.

"Ready kana ba miss?" Tumango nalang ako dahil wala naman talaga akong magagawa.

Alanga namang sabihin kong hindi eh nandito narin naman tayo.

Pagkaalis ng blindfold ko ay parang mabibingi ako sa sobrang tahimik.

Oo nagsisi-sigaw ang mga tao pero hindi ko marinig dahil ang mga mata ko ay naka focus lang sa lalaking nasa harapan ko. This is so unreal.

"Ready kana bang maging Mrs. Sullano?" Narinig ata ng mga estudyante ang sinabi nya at bigla naman silang naghiyawan.

Huminga ako ng malalim at tinignan ang estudyanteng naging pari ngayong araw.

"Ngayon lang tayo makakakita ng bampira at white lady na ikakasal kaya naman manood kayong mabuti" Sabi nung college student. Psh. Mukha pa ba akong white lady?

Si Adrian mukha talagang bampira dahil hindi ata sya binihisan.

Nagsimula na ang ceremony at kung ano ano nalang ang sinabi nung college student dahil hindi naman talaga to totoong kasal. I wonder kung sinong nagpalista samin.

"Adrian, Do you take Ryumi Iana Nuguid for the rest of your life?" Yun na ata ang pinaka maikling tanong na narinig ko sa isang kasal.

"I do" wow.

It actually feels real, minus the real ceremony and of course our family.

"Iana, Do you take Adrian Luiz Sullano for the rest of your life?" I'm actually surprised that they know his real name.

"I do"

Nagsigawan ang mga tao at kinuha na nga nung priest kuno ang mga take certificates na pipirmahan namin.

"You may now kiss your bride" what?!

Tell Me You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon