Chapter 27

11 1 0
                                    

Chapter 27 - Who would have thought?

"Please lang Iana tama na! Wala namang masamang ginagawa sayo yung tao" I couldn't believe what I just heard. Ang kapal lang din naman ng mukha para baligtarin lahat ng nangyari.

Pagod na ako.

Pagod na akong ipagtanggol yung sarili ko at linisin yung pangalan ko sakanila. Bahala na sila kung anong gusto nilang isipin sakin dahil alam ko sa sarili kong wala akong ginagawang masama.

"Adrian manahimik ka. Wala kang alam sa mga nangyari" ngayon ay si Rich naman ang nagsalita. Ayoko naman talaga syang madamay sa gulong to.

"Manahimik kadin dahil hindi ka kasali dito. Wala kang karapatan kay Iana" Bakit napunta naman dun ang usapan?

"Yun nga eh. Ikaw ang may karapatan sakanya pero ngayon inaabanduna mo sya. Lalo mo lang pinapatunayan na hindi ka karapat-dapat piliin ni Iana" intense. I know I should stop them but I'm actually liking this.

Okay no I don't like this.

"Guys stop" I finally said. Ayoko ng ganito. I already made a scene earlier. Hindi lang dapat sarili ko iniisip ko sa mga ganitong bagay. May mga taong nape-perwisyo dahil gusto lang naman nila kumain pero ngayon eto ang nakikita nila.

"Stop? You should have said that to yourself earlier" sumisingit nanaman tong higad na to! Oo na nga Ikaw na pinagtatanggol ngayon! Ano pabang gusto ng babaeng to. Ang daming alam eh! Nanggigigil nako. Sarap isako.

"Alam mo Erika Wala akong masamang ginagawa sayo. Kung offended ka sa pagsasabi ko ng totoo edi okay. Di ako mag so-sorry dahil una sa lahat Alam ko sa sarili ko na tama lang na sinabi ko sayo. And Adrian, don't act superhero here. Alam nating lahat na wala kang Alam sa nangyari. You think you look cool? No, you look stupid"

Napuno na ako kaya din nasabi ko yon. Umalis na ako don dahil ayokong may marinig pa ni isa sakanila. I just want my life to be peaceful but I don't think that's what god wants. Lord Alam ko naman para sakin din to pero baka naman easyhan mo lang huhu.

Natatawa nalang ako sa mga iniisip ko ngayon.

Pero ang nakakapagtaka ay hindi ako umiyak at matapang ko silang naharap kanina. I'm so proud.

"Gosh Iana stop being immature!!" Hinila ako ni Adrian at hinarap sakanya.

"You know Adrian, stop being like this. Stop judging me easily. Wag mo na akong lalapitan kung hindi mo din naman ako pipiliin sa huli" did I stutter? No <3

I just want him to wake up. To realize that I'm not a toy that he can play around. Sana naman isipin nya na may nararamdaman ako pero parang sa ginagawa nya ay nagiging manhid na ako.

Talo nya si kupido sa sobrang manhid nya.

"I- Iana, just please stop this act. Why are you even doing that to Erika? You don't need to feel insecure kase ikaw lang naman" should I be flattered? Dapat kiligin na ba ako non? Dapat ba na matuwa ako don?

Honestly, I don't even know how to react.

Para akong sinasaksak ng paulit-ulit pero dahil nga nagmanhid na, wala na akong maramdaman. Nakakainis lang na ang dali sakanyang sabihin yon without knowing na ako ang nababaligtad sa kwentong to.

Siguro nga ako yung kontrabida sa storya nila. Na extra lang ako.

"Adrian, I don't know if you're kidding or what. Should I laugh?" Tinignan nya ako na parang takang taka. Wala pang kami may mga ganito ng away. Perks of having Adrian as a suitor.

"I'm not kidding Iana. Stop being insecure" I scoffed.

"Me? Insecure? Why would I be insecure? First of all Adrian wag kang mag feeling na may alam ka sa mga nangyari kanina dahil wala ka naman don nung nangyari yon. Second, should I feel flattered that you like me? That you're courting me? Eh kung yang panliligaw mo ang magiging dahilan ng kaguluhan ko sa buhay eh mas mabuti pang tigilan mo na. I don't wanna get involved in this kind of stuff. You know me Adrian, ayokong nakikipag away pero mas pinili mong isarado yang utak mo at paniwalaan ang ibang tao. Why? Because you're friends? Good then. Stay strong sainyo"

Parang mauubusan ako ng hininga dahil sa sinabi ko. Tumakbo ako at dali daling pumasok sa Cubicle ng cr. Ayoko naman talaga yung mga nangyayari eh.

Pagkasarado ng pinto ay hingal na hingal akong sumandal sa pintuan. My tears began to fall. Sumabog na nga siguro yung emosyon ko dahil kanina ko pa ito tinatago.

Hindi ko na alam anong gagawin ko. Oo gusto ko sya pero hindi ibig sabihin non hahayaan ko nalang syang ganunin ako. Ngayon palang hindi na nya ako kayang paniwalaan paano pa kaya sa future? This is just a simple fight but I think this is enough to prove that he's not ready to choose me. Na hanggang sa huli si Erika padin.

I know I'm thinking too much. Wala na nasabi ko na eh. Tama nadin siguro yon. Masyado ko na din naman syang matagal naging crush. Time na nga siguro para mag move on. Why not give others a chance.

I sighed. Hindi ko alam kung lalabas na ba ako. Natatakot ako. Natatakot ako na baka kapag makita ko ulit sya sa labas ay tumulo nanaman ang mga luhang pinipilit kong itago.

Ayoko na magkunwari na kaya ko kase ang totoo ay hindi naman talaga. Hindi ko kaya lahat ng nangyayari ngayong araw. Ini-imagine ko palang ang magiging reaction ni Kuya Iyu at Kuya Clave ay natatakot na ako. Siguro akong hindi nila papalampasin ito kaya naman sana ay hindi na nila malaman dahil ayoko na ng mas malaking gulo.

Pag lumabas ako ay mas halata ang namamaga kong mata. Hinayaan ko na. Naghilamos ako at tinignan at sarili ko sa salamin.

Pagkalabas ko ay tumambad sakin si Rich.

"Anong ginagawa mo dyan?" Pinipigilan ko ang sarili ko na matawa dahil nakatingin kase sakanya ang mga babae sa labas. Para kasi syang tanga na nakatayo sa harap ng girls bathroom.

"Hinihintay kita baka ano kasing katangahan ang gawin mo. And I heard you crying kaya wag kanang magdahilan dahil halata din sa mga mga mata mo na umiyak ka"

Bigla nanaman akong naging emosyonal sa sinabi nya. Anobayan! Nakakainis naman sya eh.

Hinila nya ako para yakapin at dun nanaman tumulo ang mga luha ko. Ang luha ko na hindi maubos-ubos. Pag ako talaga na hospital dahil sa dehydration ipapa pulis kita Adrian huhu.

"Umiyak kalang para mawala na yung sakit. Iiyak molang lahat yan" bulong nya sakin habang ang ulo ko ay nakasandal sa dibdib nya. Ang awkward dahil nasa harap kami ng banyo. Romantic.

"Who would have thought that Adrian is this easy to defeat? You're worth it Iana and I'll make sure that he'll see that"

I don't think is gonna go well

—————————————————————

When kaya?

Tell Me You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon