Chapter 37

11 1 0
                                        

Chapter 37 - Falling apart

Kahit na naka kulong lang ako sa loob ng kwarto ko ay kumakatok padin sila mommy. Pinipilit padin nila ako na pumunta sa hospital dahil may kaylangan daw talaga akong maintindihan.

Bakit ba kaylangan ako lagi yung umiintindi? Hindi ba pwedeng ako naman yung intindihin? Na ako naman sana yung alagaan ng ganon.

Ako lang ang nag iisang babaeng anak nila mommy. Oo naalagaan nila ako ng maayos at spoiled talaga ako bata palang. Pero Bakit ngayon na dumating yang Erika na yan, sya nalang Lagi yung tama. Sya nalang lagi yung iniintindi kase sya namatayan sya.

Paano ako? Paano naman ako na unti-unti ng nadudurog.

Hindi ko pa man na p-proseso lahat ng gustong ipagawa saakin ni mommy ay may narinig nanaman akong katok.

"Anak, please. Just an hour? I just want you to say sorry to her" Bakit ako?

Bakit ako nanaman?

Hindi ko naman kasalanan na tanga sya at nabunggo sya!

Hindi ko na din kasalanan na di nya ginamit dalawang mata nya para tignan kung may papadating bang sasakyan. Wala akong kasalanan

Sya ang may kasalanan sakin!

Sila!

Kayo!

Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Tangina ang mga luha at hikbi ko lang ang rinig sa buong madilim na kwarto.

Na bawat gabi ito ang kapayapaan ko pero ngayon ang dilim na ang kakampi ko.

"Please, anak. Just this one. Pagbigyan mo naman si mommy" now I'm considering it.

Maybe, just maybe, matatapos na to kapag pumayag ako. Baka hindi na ako guluhin ni mommy. Na baka matapos na yung sakit.

Baka makapag patawad na ulit ako.

Lakas loob akong lumabas at pinunasan ang luha kong Kanina pa tumutulo. Siguro nga tama sila. Na kaylangan kong buksan ang tenga ko at makinig.

Pero pagkatapos neto, ayokong may marinig pang isang balita mula sakanila. Ayoko na masangkot pa sa buhay nila.

"Sige, mommy, papayag ako" papayag lang ako kase gusto ko na matapos to. Gusto ko na din matulog sa gabi na walang iniisip na problema. Yun lang naman ang gusto ko. Katahimikan.

Deserve ko naman siguro yon diba?

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mukha ni mommy. If this is what they want me to do, I'll do it. Dahil lang ayokong ma disappoint sakin si mommy. Ayokong isipin nya na suwail akong anak.

"Iana mag usap tayo" bigla akong hinila papasok ulit ng kwarto ni Kuya Iyu.

"Kuya" sa sobrang higpit ng hawak nya sa kamay ko ay nasasaktan na ako. Ngayon ko lang nakita na ganito kagalit si Kuya Iyu dahil saming tatlo ay sya talaga ang pinaka kalmado samin.

He knows how to control his anger pero ngayon, sumabog sya. And that's because of me.

"Sure ka ba sa ginagawa mo?" Tumingala ako para tignan ang galit na mukha ni Kuya. He looks frustrated. Siguro ay pagod nadin sa kalagayan namin

"Kuya..." Hindi ko alam Anong sasabihin ko. Tama nga ba yung ginagawa ko? "Kuya" Hindi ako makapag salita at sa hindi ko na mabilang pagkakataon ay umiyak nanaman ako.

Eto nalang yung alam kong dahilan para malabas lahat. Iyakin nga ako bata palang.

"Iana, this is not healthy for you. You look stressed. As a Kuya, I just want to protect you. Iana kapatid kita. Ayokong nakikita na ganyan ka. If you don't wanna come ako ang kukumbinsi kay mama na wag kana isama" umupo sya sa tabi ko at tinapik ang balikat ka.

Hindi sya yung klase ng Kuya na yayakapin ka. Basta andyan lang sya para sayo.

Pero kahit na.

Nakapag desisyon na ako. Kase yun din siguro ang bumabagabag sa utak ko. Ilang araw ko na din hindi nakikita si Adrian. Na baka masagot nya ang mga tanong na bumabagabag saken.

"Okay lang ako Kuya. Okay Lang ako. Wag kang mag-alala saken. Maybe this is the answer to all my questions. Baka Eto na yon Kuya. Baka makapag patawad na ako" tumawa pa ako pero habang tumatawa ay tumutulo ang luha ko.

Nakakapanghina yung lagi nalang umiiyak.

Hinayaan lang ako umiyak ni Kuya Iyu hanggang sa wala na akong kayang i iyak pa. Lumabas sya ng kwarto ay nirespeto ang naging desisyon ko.

Naligo na ako kaagad at nag ayos. Para naman magmukha padin akong presitable kahit na magdamag akong umiyak.

Huminga ako ng malalim bago lumabas. Hindi naman na siguro masyadong halata ang maga kong mata.

Marahan akong ngumiti kay mama nung magtama ang mga mata namin. Buong byahe ay walang nagtangkang magsalita samin. Katahimikan ngayon ang bumalot sa buong sasakyan habang ako ay nakatanaw lang sa malayo.

Nung pagdating namin ay hindi ako kaaagad bumaba. Bago ako bumaba ay bumuntong hininga muna ako. Kinalma ko ang naghuhurumentado kong puso

"Ready kana ba?" Tanong ni Kuya Clave. Nagkibit balikat ako. Hindi ko din alam eh

"Tara na?" Ngumiti ako at tumango kay Kuya. Pag apak palang namin sa entrance ay nag umpisa na ulit ang pagbilis ng tibok ng puso ko. This is driving me insane.

Ang tagal konang hindi nakakapasok sa hospital

Nung nasa harapan na kami ng pintuan ng kwarto nya ay kinalma ko ulit ang sarili ko.

Kumatok na si mommy habang ako naman ay parang matutumba na sa kaba. Hindi ko naman talaga alam anong gusto kong sabihin sakanya. Hindi ko din alam anong gusto nyang sabihin saken

"Kalma kalang" nginitian ako ni Kuya at ngumiti nalang din ako pabalik.

Pagkabukas ng pinto ay tumambad sakin ang sugatan ni si Erika. She doesn't look that bad. She's resting and I think head part nya ang napuruhan. Kita ang sugat sa mukha nya

Hindi ko din napansin kaagad si Adrian dahil I was looking at Erika. Aaminin ko, naaawa din ako sakanya. Maybe she doesn't deserve this.

Hindi naman tulog si Erika pero napansin ko na hawak kamay Sila ni Adrian. How sweet.

"Sino sya?" She asked Adrian.

W-what?

"I'm sorry but Erika doesn't remember a thing. And the only thing she remember is the time where she got engaged to Adrian... kaya mahirap pa talaga samin na paghiwalayin ang dalawa. I hope you understand, Iana"

Ofcourse it's always me who has to understand everything. Kahit sa huli ako yung dehado.

I just realized that after everything, he's not mine anymore. That everything is falling apart.

I need to remind myself that the world doesn't revolve around me. It's not just about me. But whenever I see him with somebody else, there's this thought inside my head that says ' Sana hinaayan nalang kitang lunurin ako sa kasinungalian mo. That's better than leaving me alone '

I'm not alone. I still have my family. But I feel like I lost someone who isn't even mine in the first place.

Na hindi naman talaga ako ang mahal

——————————————————————

Awww :)

Tell Me You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon