Chapter 17

53 2 0
                                        

Chapter 17 - Ikaw lang sapat na

"Kumanta ka nalang" ulit ni Yjasmin habang kausap ko sya sa Skype. Kanina ko pa kasi sya tinatanong anong pwedeng gawin sa talent portion dahil wala pa akong na pe-prepare.

"Wala akong talent dyan. Alam mo yan!" Sa lahat kase ng pwedeng talent, bakit ang pagkanta pa?

"Marunong ka naman kumanta eh. Remember your crush nung high school tayo? Kinakantahan mo gabi gabi tapos di ka jinowa" tumawa pa sya. Paano ba kase manapak ng ka video call?!

Ipapa-alala pa talaga ang katangahang nagawa ko noon eh. Pasmado bibig ampt.

"Manahimik kana nga. Tapalan ko ata yang bibig mo eh"
Umiiral nanaman ang pagiging maldita ko dahil dito kay Yjasmin. Kung ano ano kase sinasabi.

"Kung sasayaw ka sis, mukha kang uod na inasinan" Grabe sarap talagang kaltukan.

"Alam mo sana sa iba nalang ako nagpatulong" inirapan ko sya at tinawanan nyalang ako.

Habang nakatingin ng camera ay kumuha sya ng papel at ballpen. Ano nanamang gagawin ng babaeng to?

"Gusto mo bang gawan kita ng tula tapos mag spoken word poetry ka nalang?" Ha?!

"Hindi mo kaya yan besh" umiling iling ako at binalik nya ang ballpen at papel na kanina ay hawak hawak nya.

Bumuntong hininga sya "Wala kang ibang choice kundi kumanta. Ayos naman yung boses mo eh. Pipili kalang ng kanta na babagay dyan sa boses mo kaya wag kanang mahiya"

Parang wala narin naman akong magagawa. Sa huli ay naisip ko na kumanta nalang din talaga. Wala naman tayong ibang choice eh.

Pagkapatay ng Skype namin ni Yjasmin ay pumunta ako kaagad sa YouTube para maghanap ng pwedeng kantahin.

Naisip ko din na mag gitara habang kumakanta dahil marunong naman ako. Medyo nalang dahil ilang taon din akong natigil sa pagtugtog.

Humiga ako sa kama at huminga ng malalim. Dalawang linggo nalang ay pageant day na. Well, Hindi naman sya ganon ka laking pageant pero gusto ko pading gawin yung best ko para sa section namin.

Ilang minuto pa ay may tumatawag nanaman sa Skype. Bakit ba puro Skype sila? Ayaw nila sa zoom?

"Bakit tumawag ka?" Ngumisi kaagad sya pagkasagot ko palang sa tawag nya. Late na nanggugulo pa.

"Itatanong ko lang kung nakapili kana ba ng kanta para sa pageant?" Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Paano naman nya nalaman na kakanta ako?

"Wala akong sinasabi sayong kakanta ako kaya paano mo nalaman?" Para namang nagulat din sya sa tanong ko at kinamot ang batok nya. Oh, hindi makasagot ngayon.

"Ano kaseee..." Ha? Ano daw?

"Ano?"

"Sinabi na sakin na Yjasmin"

Huminga ako ng malalim at kinuha ang gitara ko. Sa una pa strum-strum lang ako dahil hindi ko alam talaga anong pwedeng tugtugin.

"Wow. You know how to play the guitar?" Tumango ako at kitang kita sa mata nya ang pagka mangha. I must admit that it's really hard to play the guitar because it's hard and it requires a lot of patients.

"Btw, can I suggest a song?"

Bakit parang planado?

"Yes" simple kong sagot sakanya.

"Can you play 'Ikaw lang sapat na'?" Can I?

I played it on YouTube and I actually know the song. Hindi ko pa ginitara dahil hindi ko pa sya napagaaralan. I sang the song and he was actually amazed. I think this song is a good song for me.

"What do you think?" I asked Rich and he just gave me a thumbs up. Does that mean he likes it? Or it's just okay....

"C'mon, answer me properly" natawa naman ata sya sa pangungulit ko sakanya at binigyan ako ng matamis na ngiti.

"I love it, baby" I felt like my heart is gonna pop out from my ribcage.

Kahit hindi nya sabihin ay alam kong pulang-pula na ang mukha ko ngayon. Gosh, he's teasing me again and I know that he's gonna laugh about it until he goes to bed.

"Sige na! Matutulog na ako. Goodnight" Hindi ko na sya hinintay na sabihin yon pabalik at pinatay ko na kaagad yung call.

My life is a mess.

A pretty mess.

Umiling ako habang natatawa sa mga iniisip ko. Nababaliw na nga siguro ako.

Naisip ko din na ilang taon ko ng crush si Adrian pero wala akong ginagawa. Kahit na Ilang beses kong sabihin sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para makuha sya? Hindi ko padin magawa. Wala eh. Nakakahiya kase.

Tinabi ko na yung gitara at bumalik sa pagkaka higa. Kaylangan ko na matulog dahil maaga ulit ako bukas. 3rd day na at magiging busy pa kami lalo nyan.

Sana naman hindi ako mabugbog sa horror booth na yon. Ayoko namang rumampa na may pasa sa mukha.

Natawa ako ulit sa sarili ko at nagpasyang matulog na dahil mahaba pa ang araw ko bukas.

Pagkapikit ko palang ay nakatulog na ako kaagad.

KINABUKASAN hindi pa man nagri-ring ang alarm clock ay gising na agad ako. Masaya ata ang gising ko ngayon ah. Masigla akong pumunta sa banyo para maligo at makapag prepare na para sa araw na to.

Ngayon araw ay nilagay ko ang buhok na naka messy bun dahil mag w-wig din naman ako mamaya kaya okay lang yan. Hindi kase ganon kahaba yung buhok.

Mas mahirap kasing mag suot ng wig kapag hindi ka nakaipit.

Pagkatapos kong mag bihis ay bumaba na ako kaagad at si mommy at daddy lamang ang nasa lamesa. Maaga naman kasi talaga silang nagigising.

I kissed my mom and dad a Goodmorning and sat on the chair so I could start my breakfast. Bahala na sila Kuya kung maubusan sila ng ulam.

Pagkatapos kong kumain ay pababa palang si Kuya Iyu at si Kuya Clave.

"Tignan mo oh. Pamilya daw pero konti ang tinirang ulam" reklamo ni Kuya Clave. Natatawa nalang talaga ako sa mga sinasabi nya.

"Yan na yon? Yan na yung itlog? Malaki pa itlog ko dyan eh duhhh" maarteng sabi ni Kuya Iyu. Napailing nalang ako at pumunta na sa sala.

Minsan napapaisip din ako kung paano ko sila naging kadugo. Baka ampon talaga sila. Chour

Pagkatapos kumain ni Kuya Clave ay dumeretso na ako sa sasakyan dahil sya ang maghahatid saken. Wala naman syang magagawa dahil baka ilaglag ko sya kay Yjasmin.

"Nadala mo na ba lahat ng kaylangan mo?" Tanong ni Kuya Clave at tumango ako. Si Kuya Iyu kase ay may sarili naring sasakyan at mas gusto ko talagang sumasabay kay Kuya Clave dahil ang bilis magpatakbo ni Kuya Iyu.

Pagkadating namin sa university ay dumretso muna ako sa room dahil lagi namang bukas yon. Kaylangan ko lang ilapag yung ibang gamit ko dahil hindi ko na keri talaga sa bigat.

Pagkapasok ko sa loob ay madilim. Biubuksan ko yung ilaw pero ayaw mabukas. Napundi na ata yung ilaw namin.

Pagkalapag ko sa mga ibang gamit ko ay may narinig akong tunog galing sa labas papasok sa room. Biglang nasarado ang pinto.

Narinig ko din ang pag lock nito. Shet! Katapusan ko na ba?! Huhu.

"Sino yan?! AHHHH!!!!!"

——————————————————————

Who dat?

Tell Me You Love MeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon