Epilogue

21 1 0
                                        

EPILOGUE - Head-over-heels

I woke up feeling better than yesterday

Akala ko wala na ako sa katakot-takot na pangyayari kahapon, pero hindi pa pala tapos.

He came inside holding a tray.

"Kumain ka muna" nahimatay ba ako?

Pagkatapos ko kasing magsisigaw-sigaw kahapon ay hindi ko na alam anong nangyari saakin. Mom and dad are worried. Alam kong hinahanap na nila ako ngayon.

"Pauwiin mo na ako" Hindi ako tumitingin sakanya habang nagsasalita. I don't want him to see me like this. Like I'm hopeless.

"Hindi ka uuwi" Sabi lang ni Rich bago bitawan ang pagkain sa harapan ko saka umalis.

Hindi na ako nagpumiglas pa dahil alam kong hindi naman nya ako papaalisin dito.

Tinignan ko ang kabuuan ng silid. Hindi ko akalain na may ganito kagandang bahay si rich. I don't even know where am I. Wala na sakin ang phone ko.

Tumayo ako at tinignan ang bawat drawer ng cabinet. Baka may mahanap ako dito na makakatulong sakin makalabas dito sa lecheng silid na to. Lahat ay walang laman. Tilaba bagong bili palang ang bahay ay ang silid palang na to ang may kagamitan.

Sinubukan ko ding buksan ang pinto at bintana pero alam ko naman na na hindi ako basta basta papalabasin ng mokong na yon. Kinuha ko ang tray na dala nya kanina at kumain. Wala akong mapapala kung gugutumin ko ang sarili ko.

Kalmado akong kumain at hinayaan ang pangyayari sa labas. Mapapagod din sya at pauuwiin ako dahil wala naman syang mapapala sakin. Hindi ako isang madaling bitag na kakagat sakanya.

Ang inaalala ko lang ay ang magulang ko at si Adrian. Siguradong nag aalala na sila. Kung mahanap ko lang sana ang cellphone ko talaga.

"Wag mong pagurin ang sarili mo kakahanap dyan dahil wala kang makikita" muntikan pa akong mauntog dahil sa pagkagulat. Masama akong tumingin sakanya at tumalon sa kama.

Tinakluban ko ang sarili ko ng kumot at tumalikod sakanya. Kung pipilitin ko syang palabasin ako ay baka makulitan pa sya sakin at saktan ako.

"Tumayo ka dyan. May ibibigay ako sayo" napatingin naman ako sakanya.

"My phone?" I asked. Hindi naman masamang umasa diba

Pag nakalabas talaga ako dito ay iuuntog ko sakanya ang stilettos ni Yjasmin.

"Not your phone" napabuntong hininga nalang ako kahit na alam ko na talaga ang sagot nya sa tanong na yon. Bakit pa kase umaasa sa isang bagay na alam mo namang hindi mangyayari.

"Anong ibibigay mo?" Takang Tanong ko sakanya. Lumabas sya saglit at pagpasok nya ay may dala syang isang malaking box at kasunod nya ang dalawang babaeng nasa mid 30's palang siguro nila. Katulong siguro sa bahay.

"Ano yan? House and lot?" Biro ko. Halata sa mukha nya ang pagpipigil ng tawa. Tsk, kunwari pa gusto din naman mga joke ko.

"It's obviously not but I can give you a house and lot if you marry me" nagkunwari akong nasusuka sa sinabi nya.

"I would never. May sarili akong pera para sa house and lot na yan. Hindi kita papakasalanan" that sounded harsh pero yun ang gusto kong sabihin talaga sakanya. I can never marry someone I don't love.

Ayokong sayangin ang buhay ko. Ayoko ng mamuhay ng may pagsisisi. Because this is my only life and I want to make sure to cherish every moment I have with family and friends. Ayokong magsayang ng oras.

"You have no choice but to marry me" Anong pinagsasabi nanaman neto? Binigay nya ang malaking kahon sa dalawang babae at iniwan kaming tatlo sa loob ng kwarto.

Tell Me You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon