Chapter 46 - Nakaw na oras
I broke down crying. I shouldn't be crying in front of him. Dapat ngayon naka move on na ako.
Pero eto ako ngayon, umiiyak sa harapan nya.
I feel embarrassed. He's now happy with his own family and here I am, crying because I'm not the girl he married. That I'm still stuck
"Hey don't cry" Gago ba to? Tingin nya ba mapapatigil nya ako sa pa don't cry nya?
Agad kong pinunasan ang luha ko at tumingin ng deretso sakanya.
"Ihatid mo na ako sa bahay please" I pleaded as if I'm gonna die if I stayed more than a minute beside him.
"No" matigas nyang sabi sakin at iginilid ang sasakyan.
He faced me pero hindi padin ako tumitingin sakanya. Why would I? Hindi naman nya kaylangan patunayan sa harapan ko na hindi pa ako nakaka move on.
Maghintay ka talaga Adrian at makaka move on din ako sayo.
"Look at me" he commanded.
Hindi ko padin sya tinignan dahil hindi ko naman sya boss para sundin.
"Love, please look at me" gusto kong bumigay pero alam kong mali. I'm not a home wrecker, I'm not a home wrecker.
"Okay, if that's what you want" pina andar nya ulit ang sasakyan at hinatid na ako samin. Buong byahe ay hindi ako kumikibo. Wala akong balak na kausapin sya
Pagka uwi ko sa bahay ay andon si Yjasmin at Rich. Masyado ng mahaba ang araw ko kaya sinabi ko sakanila na magpapahinga muna ako sa taas. Ang daming nangyari ngayong araw na hindi ko naman inaasahan na mangyayari.
Sana nagpahinga nalang ako dito sa bahay
Pagkahiga na pagka higa ko ay narinig ko ang pag bukas ng pinto.
"Mom, please pagpahingain mo muna ako" agad kong sinabi habang naka dagan ang ulo ko sa unan.
"Hindi ako si tita" agad kong inalis ang unan sa ulo ko nung marinig ko ang boses ni Yjasmin. Akala ko naman si mommy. Maayos akong umupo sa kama at tinignan syang lumapit saakin.
"Ah bakit, may kaylangan ka?" She chuckled. Umupo sya sa tabi ko at tinignan ako ng masama
"Pumasok lang sa kwarto mo, may kaylangan kaagad? Judgmental ka?" Tumawa sya at ako naman ay napa buntong hininga. I wanted to laugh so bad but I'm not in the mood today.
Hindi ko kayang itawa nalang lahat ng nararamdaman ko. Kase sa totoo lang ang hirap padin hangga ngayon. Yung gustong-gusto kong mag move forward sa buhay ko pero merong ala-ala na ayaw akong paalisin sa past.
Na may pagsisisi padin sa puso ko.
Pero alam ko naman na mawawala din to eh. Kaylangan ko lang talagang tanggapin na kahit baligtarin ang mundo ay hindi na kami Pwede ni Adrian. Na huli na nga ang lahat para saamin.
Ang hirap lang kase dahil sobrang tagal ko syang gusto.
"Alam kong hindi ka pa nakaka move on kay Adrian" bumuntong hininga ako sa sinabi nya dahil totoo naman. Hindi ko i d-deny yon dahil ang daming beses ko nadin naman sinabi sa sarili ko na hindi pa ako nakaka move on
"Ayos lang naman. Sure naman ako makakalimutan ko din tong nararamdaman ko para sakanya" pinakitaan ko sya ng isang pilit na ngiti para hindi na nya isipin pa.
"No" mabilis nyang sabi saakin
"Anong ibig mong sabihin na no?" Tanong ko sakanya. Tinignan nya saglit ang kamay nya at bumuntong hininga. Tila nagdadalawang isip kung sasabihin nya ba saakin.
"Alam kong sobrang selfish na tinago namin to sayo Iana pero eto kasi ang Sabi ni tito samin. Na wag munang sabihin sayo hanggat hindi ka pa nakakapag tapos dahil baka hindi ka makapag focus sa pag aaral mo"
Kunot noo akong naka tingin sakanya. Ano bang sinasabi nya?
May mga bagay bang tinago nanaman nila Sakin?
"Sabihin mo na Yjasmin. Wag mo ng patagalin pa ang usapan" nagpakawala ulit sya ng isang buntong hininga at tinignan ako sa mata.
"You love him right?" She asked
"Oo naman" Sabi ko na walang pag aalinlangan
"Then follow your heart?" Huh? Ano bang sinasabi nya?
"Anong ibig mong sabihin? Sirain ko ang pamilya nila?" I sarcastically laughed.
"Wow, that's a good idea" Sabi ko sakanya at hindi naman sya Natawa sa sinabi ko.
"Hindi ganon Iana!" She said na parang nag p-panic na paano nya sasabihin saakin ang mga bagay bagay na gusto nyang sabihin kanina pa.
Na parabang sa lumipas na limang taon ay wala akong alam sa mga nangyayari dito.
"Eh Ano?" Curious na curious na ako. Ano ba talagang dapat kong malaman?
"Iana walang Erika at Adrian! Walang pamilya! Wala! Dahil hindi naman talaga natuloy ang kasal" pigil hininga nyang sabi sa harapan ko.
Hindi ko alam anong mararamdaman o i re-react ko dahil hindi ko maintindihan lahat ng nangyayari ngayon. Anong walang kasal na naganap? Hindi ba dapat kinasal na sila 5 years ago pa?
"Hindi ko maintindihan" mahina kong bulong habang unti-unti ang pagpatak ng luha saaking mata.
Napaka iyakin ko alam ko pero hindi ko na maintindihan lahat ng nangyayari ngayon.
"Hindi sila kinasal dahil hindi pumunta nung araw na yon si Adrian. Dahilan para ma depress Lalo si Erika. Nalaman din nila na hindi talaga sya nawalan ng ala-ala at ginamit nyalang yon para makuha si Adrian" niloko nya kaming lahat.
Ilang taon akong nagsisi at ilang taon akong pinagmukhang walang alam. Na parabang kasalanan ko ang lahat.
"Kaya kung gusto mo pa si Adrian, gawin mo na ngayon palang kasi masasaktan si Rich" I can see that Yjasmin really wants Rich to be happy.
Na kaylangan nya nadin pakawalan yung nararamdaman nya sakin.
"Kung hindi naman pala naging sila eh paano yung anak ni Erika? Sinong tatay non?" Tanong ko sakanya
"Yun ang hindi ko alam" Sabi nya sakin.
Nakatulala ako sa kawalan habang papalabas si Yjasmin sa pintuan. Is that the reason why Adrian was acting like that earlier? Na baka gusto nya padin ako? Is shouldn't assume things right? Kase baka mali ako ng iniisip.
Na baka friendly lang sya tapos
Ugh this is making me crazy!
Nag kumot ako at tinabunan ang sarili ko ng unan. Kung yun nga ang totoo ibig sabihin pwede pa kami?
Na sa susunod ay hindi na puro nakaw na oras na lang. na ako na talaga, dahil ako naman talaga.
——————————————————————
This chapter is hard to write. Hindi dahil ang ganda nya kundi dahil wala akong maisip na magandang gawin sa chapter na to. Sorry if it's lame

BINABASA MO ANG
Tell Me You Love Me
RomanceI like you too. Four words that I want to hear from you. Gaano ba kahirap sabihing gusto mo din ako? It is hard to like me? Is it hard to be with me? Ryumi Iana Nuguid is a girl who knows what she wants. For her, life is too short and you must enjo...