Chapter 20 - Mahal ko
Paggising ko ay sobrang ganda ng umaga ko. Wahhh!
Sino ba naman kasing hindi gaganda ang umaga kung yung nangyari sa gabi mo ay kakaiba. Hindi lang kakaiba as in sobrang super duper amazing!
May sense ba mga sinasabi ko? Basta ganon!
Bumaba ako pero hep! Bago ako bumaba Syempre nag ayos muna ako ng sarili ko. Last day na ngayon dahil last day. Hindi ko naman mapipigilan ang araw at gawing Thursday at Friday.
Nung matapos akong mag toothbrush at maligo ay dun na ako bumaba.
Pagkababa ko ay tinapunan agad ako ng malalagkit na tingin ng mga kasama ko sa bahay. Hala?
"Baket?" Tanong ko sakanila
Humagalpak ng tawa si Kuya Iyu. Anong tinatawa tawa ng baklang to? Inirapan ko sya tyaka umupo sa upuan ko.
"Bat tawa tawa ka dyan?" Pinipigilan din ni Kuya Clave na tumawa. Teka nga. Bakit ba tawang tawa sila?
Umiwas ng tingin si Kuya Iyu habang pinipigilan padin ang tawa. Mga siraulo. Ang saya saya ko tapos tatawanan nila ako?! Akala ko ba pamilya kame?! Huhu. Charot
"I-Iana....BWAHAHAHA" Hindi na natapos ni Kuya Iyu ang sinasabi nya at tumawa nanaman ulit. Na buang na ay.
"Ano ba kasing tinatawa-tawa nyooooo?!" Naiinis na ako dahil parang ako talaga ang tinatawanan nila.
"Madaling madali kaba pumunta dito kay may toothpaste kapa sa mukha?" Tumawa ulit si Kuya Clave at nanlaki naman ang mata ko. Dumeretso ako sa banyo para tignan ang mukha ko at confirmed! May toothpaste panga
Ano ba kasing nasa isip mo Iana at nakalimutan mo banlawan ang sa gilid ng labi mo??? Gosh Adrian! Kasalanan talaga ni Adrian kung bakit lumulutang ang utak ko ngayong araw na to.
Last day pamandin naman
Umiling ako sa sarili ko at bumalik sa dining area. Pinanlakihan ko ng mata si Kuya Iyu at Kuya Clave at buti naman tumigil na sila sa pagtawa. Baka mabatukan ko talaga sila kapag hindi sila tumigil kakatawa.
Lakas kase ng trip eh.
Kumain na ako at agad agad din akong natapos dahil baka ma late din kami. Last day na namin today at kaylangan ma perfect ang day na to. Hindi naman perfect pero after kase nito wala na yung mga booth kaya Sayang naman kung di namin gagawin best namin para sa mga students.
After din kase ng pageant ay mayroon kaming students night para saming lahat. Bilang pa bonus nadin para sa hard work namin. Every year ay ginagawa yon kaya naman hindi na bago samin. Every year ay gising kami ng 7PM - 5AM kaya naman puyatan nanaman ito.
Sanay naman ako sa pagpupuyat, ako paba?
Pagkadating ko sa school ay andon na si Yjasmin naghihintay. Kumaway sya at nilapitan ko sya kaagad.
Ano nanaman kayang mangyayari sa araw ko ngayon. Balita ko ay kami ang pinaka latest chismis sa school dahil sa ginawa ni Adrian kahapon.
Masasabihan nanaman ba nyan ako ng pokpok dahil ang alam nilang boyfriend ko ay dalawa
Buti pa sila alam na may boyfriend ako, ako mismo single. Baka naman! Pengeng jowa isa lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/229027617-288-k44349.jpg)
BINABASA MO ANG
Tell Me You Love Me
RomanceI like you too. Four words that I want to hear from you. Gaano ba kahirap sabihing gusto mo din ako? It is hard to like me? Is it hard to be with me? Ryumi Iana Nuguid is a girl who knows what she wants. For her, life is too short and you must enjo...