Chapter 18 - The shipper
"Sino yan?! WAHHHHHH!"
Ihahampas ko sana sakanya yung bangkong hawak ko nung kunin nya ito sakin at ibato.
Huhu help! Help me lord! Alam ko naman pong madami akong kasalanan pero ayaw ko pa naman pong ma deds. Madami pakong dream huhu
"Ang ingay mo" unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ang mukha ni Adrian sa harap ko. Madilim padin pero naaaninag ko naman ang mukha nya.
Kinuha ko ang bag ko at pinaghahampas sakanya. "Bwiset ka! Akala ko kung sino na ang nandito kasama ko! Akala ko mamamatay nako!"
"Aray! Aray! Tama na!"
Hindi ako nakinig sakanya at patuloy padin ang paghampas ko sa katawan nya.
"Sabing tama na eh!" Tinulak nya ako sa blackboard at hinawakan ang dalawa kong kamay habang naka sandal padin sa blackboard.
Para akong preso ngayon dahil hawak-hawak nya ang dalawa kong kamay.
Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak nya sa kamay ko ngunit hindi ako nagtagumpay.
"Sabi kasing tama na eh" ngumisi sya at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
Nabibigatan na ako dahil habang hawak nya ang kamay ko ay hawak ko naman ang bag na kanina lang ay hinahampas ko sakanya.
"Bitawan mo ako" May diin ang bawat salitang sinasabi ko sakanya. Pero imbes na bitawan ako ay mas lalo nyapang hinigpitan ang hawak. Nang aasar talaga.
"Sabi ko bitawan mo ako!" Pasigaw na ngayon.
Bahala sya kung marinig man kami sa labas. Sigurado ako na pag narinig kami ay sira sya sa mga fangirls nya lalo na kay Erika. Tignan natin kung hanggang saan ka Adrian Sullano.
"Wag mokong subukan" pagbabanta ko sakanya.
Pero sinong niloko ko? Ang chance ko lang naman na makatakas sa pagkakahawak nya sakin ay kapag may nakarinig. Ang lakas nya habang ako ay mahinang babae lamang. Kahit pa sipain ko to ngayon ay matibay padin itong nakatayo.
Maliban nalang kung sipain ko sya dun sa sensitive spot nya.
"Matatakot na ba ako nyan Iana?" Ngumisi pa sya at deretso pading nakatingin sa mga mata ko. Parang ibang Adrian Sullano ang kaharap ko ngayon.
"Matakot kana talaga dahil kapag nakaalis ako sa pagkakahawak mo sakin ay bubugbugin talaga kita" banta ko ulit pero hindi padin naaalis ang ngisi sa labi nya.
"Gusto ko sanang matakot pero wag nalang" Umikot na ang mga mata ko at tatadyakan ko na sana sya nung biglang sumindi ang mga ilaw.
Ano to? Bakit may fairy lights?
Sa wakas ay binitawan nyadin ako.
Pinagmasdan namin ang pagkaka ayos ng room. Parang hindi naman room ito dahil ang ayos at talagang hindi ko napansin ang mga balloons kanina.
Sinong may gawa nito? May pa surprise ba? Baka naman para kay Erika to at saktong ako lang ang unang pumasok. Tsk.
"Ano to?" Nagkibit balikat sya. Wala din syang alam? Ibig sabihin pareho kaming biktima nito.
"Tingin mo, para kanino kaya to? Ang sweet naman" Ang dami kasing red balloons at nakakatuwa lang na may pa flowers din dun sa gilid. Kawawa naman kung sino man ang nag prepare nito. Baka matagal syang nag ready para dito tapos nasira namin yung surprise nya.
BINABASA MO ANG
Tell Me You Love Me
Roman d'amourI like you too. Four words that I want to hear from you. Gaano ba kahirap sabihing gusto mo din ako? It is hard to like me? Is it hard to be with me? Ryumi Iana Nuguid is a girl who knows what she wants. For her, life is too short and you must enjo...