Chapter 22

10 2 0
                                    

Chapter 22 - Endgame

"Ano ba Iana! Ayusin mo naman!" Parang nanghina ako sa narinig ko galing sa mentor namin. Nag ayos ako ng tayo at inayos ang posture ko.

"Sorry po sir" mahina kong sabi at pinanatili ang ganong pwesto ko. Kahit na nangiginig na ang tuhod ko sa pagod ay ilalaban ko.

Nag-umpisa na ulit kami sa practice and this time hindi na ako nagkamali. Maayos naman ang lakad ko at nag improve naman daw sabi ng mentor namin. I don't wanna disappoint myself.

Bumuntong hininga ako at umupo kaagad sa upuan nung sinabi ng mentor namin na 5 minutes break. Agad kong kinuha ang tubig ko at uminom.

Tinignan ko ang sarili ko sa pocket mirror ko at kitang kita na ang pamumutla ko.

Hindi na ako nag apply pa ulit ng liptint at hinayaan nalang ang pamumutla sa labi ko. Pagod at stress lang siguro ito. Itutulog ko lang ito at aayos din ako.

Pinikit ko saglit ang mata ko dahil nagdidilim na ang paningin ko at umiikot na ang paligid ko. Feeling ko pag pinagpatuloy ko pa ito ay mahihimatay na ako sa sobrang pagod.

Hindi naman ako pwedeng mag reklamo kaya nung sinabi ng mentor namin na proceed ay tumayo kaagad ako.

Pagkatayo ko ay dumilim ang paligid ko at muntikan pa akong matumba. Buti nalang ay may nakasalo saakin.

"Adrian" ito ang huli kong sinabi bago ako tuluyang mawalan ng malay

3rd person

Hindi na alam ni Adrian ang gagawin nya dahil kanina pa sya nagmamadali para puntahan si Erika. Alam nya kase na pag pinuntahan nya si Erika ay hindi sya makakapanood ng practice ni Iana.

He's frustrated dahil alam nya gaano katigas ang ulo ni Erika at alam nyading maiintindihan naman yon ni Iana.

Nagmamadali syang pumunta sa Clinic at nadatnan nya don si Erika na naka higa. Lumapit sya kay Erika at kita sa mukha nito ang panghihina. Nilapitan nya ito at umupo sa gilid ng kama nito.

"Okay kalang ba?" Nanghihinang tumango si Erika at si Adrian naman ay nilapitan ang school nurse para itanong kung anong nangyari kay Erika.

"Bigla nalang pong nag collapse ang pasyente at nalaman po namin na hindi pala sya nag almusal. Ayos lang naman sya at kaylangan lang nyang magpahinga" Tumango si Adrian at bumalik na sa pwesto kung nasaan si Erika.

Nawala ang kaba sa dibdib nya dahil tinuring nya nadin na isang matalik na kaibigan si Erika.

Alam nyang hindi ito makikinig sa nurse kung wala ito sa tabi nya.

"Anong nararamdaman mo?" Tanong ni Adrian kay Erika

"Wag kanang mag alala dahil ayos lang ako" nginitian nya ang binata at hinawakan ang kamay nito. Hinayaan nyalang na hawakan ni Erika ang kamay nya hanggang sa nakatulog na ito ulit.

Bigla nyang naisip kung ano na ang nangyari kay Iana.

Sigurado naman sya na hindi ito magagalit sakanya.

Pupuntahan nya nalang ito mamaya pagkatapos nyang bantayan si Erika. Ilang oras nalang din siguro at magiging maayos na ang pakiramdam nito

Bigla naman nagbukas ang pinto ng clinic at ikinagulat ni Adrian ang nakita nya.

Walang malay na babae habang karga karga ito ng isang binata na kasing tangkad nyalang. Parang binalot ulit ng kaba ang buong sistema nya dahil hindi lang ito kung sino.

Ang babae at lalaking nakita nya ay si Iana at Rich.

Mabilis syang lumapit kay Iana at sinubukan nya itong kunin mula kay Rich ngunit hindi sya hinayaan nito. Tinignan nalang nya si Rich na hinihiga si Iana sa kama at mabilis ding lumapit ang nurse sakanila.

Tell Me You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon