Chapter 24

9 2 0
                                    

Chapter 24 - A gift to remember

"Ehem!!!" Nagulat ako sa biglang pag ubo ni Kuya Clave. Ubo ngaba talaga?

Ang awkward nya ngayon ah! Porket andito si Yjasmin. Hmmm.

"Ano ba Clave" yan! Sige ganyan kapa ah. Napagalitan ka tuloy ni mommy.

Nanahimik na kaming lahat at sobrang awkward talaga dahil andito din si Adrian na katabi ko. Wala na sigurong mas awkward pa sa kalagayan ko ngayon.

Hindi pa ako nakakapag tanggal ng make up dahil dumeretso kami dito sa bahay para mag celebrate. Si mommy talaga hindi pa naman alam kung mananalo ako pero nakapag prepare na kaagad.

"Ano to? Family dinner? Shala ah" bumulong si Yjasmin sa tabi ko.

"Oo kung gusto mo tapos ikaw yung asawa ni Kuya Clave" I smirked when I saw her look away. May chance pa talaga si Kuya. Uy nag blushhh! HAHAHA

"Aso ko lang yan eh" mayabang nyang sagot.

"Ahhh napaamo mo na pala yung alaga nya. I mean, yung alaga mo" obvious sakanya na nagugulat sya sa mga sinasagot ko sakanya.

Happy ako today! Kaya dapat i enjoy ang moment

"Sige na kumain na kayo" Sabi ni mommy.

Btw, andito din pala sila tita at tito pati nadin si Kuya Oliver. Mukha ngang family dinner ito.

Ang wala nalang ay yung kay Kuya Iyu. Awit! Ang assuming ko ah. So yung akin si Adrian? Bigla naman akong kinilig sa naisip ko. Hihi

Kumain nalang ako at muntikan pang mabulunan, Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Adrian sa gilid ko. Tawa kapa dyan. Gusto ko syang batukan pero dahil nasa harap kami ng parents nya ay hindi pwede.

My eyes automatically rolled. I continued eating. Hindi ko na sya pinansin dahil wala naman syang magandang dulot sa araw ko.

Parang meron naman

Bigla kong naalala yung sinabi nya sakin kanina

"Congrats, my love" umiling ako sa sarili ko at inalis nalamang yon sa isip ko. Ano ba kame? Anong meron kame? Baka naman kase nalilito lang sya or pwede din baka akala nya kaylangan nyakong gustuhin dahil gusto ko sya.

Sobrang nakakalito naman kase

Nilagay nya ako sa posisyon kung saan pwede akong masaktan sa huli. Konting galaw ko lang baka may mag bago. Baka bigla nya akong iwan kase bakit nga naman sya mananatili? Wala namang kami....

Buong gabi ko yon inisip hanggang sa matapos na ang simple celebration namen.

Umupo kami ni Yjasmin sa may sala dahil sila Kuya at Adrian ay nagiinuman pa. Hindi ko naman alam na malakas palang uminom tong si Adrian.

He didn't tell me tyaka hindi ko yon napapansin dahil di naman ako madalas napunta sa mga party kung saan nandon sya. Feeling ko tuloy ang dami ko pang dapat malaman tungkol kay Adrian.

"Anong iniisip mo dyan?" Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Yjasmin sa tabi ko.

"Shuta ka. Balak mo ba akong patayin sa gulat?" Napa hawak naman sya sa dibdib nya na parang nasasaktan.

"Bakit parang kasalanan ko?" Ay Weh? Akala ko wattpad to. Four sisters and a wedding pala. Wrong venue!

"Alam mo ikaw ang seryoso mo na ngayon. Minsan iniisip ko baka nagkapalit tayo ng personality" Oo nga no? Di naman sya dating ganyan.

"Anong ginawa sayo ni Kuya Clave?" Kunwaring nag-aalala kong tanong. Binatukan naman nya ako at pinandilatan ng mata.

"Shuta ka. Ayaw na Ayaw kong naririnig ang pangalan ng koya mo no! Ang sakit nya sa bangs" naka bangs nga pala tong lokaret na to

"Ang laki ng galit mo sa Kuya ko ah. Pag ikaw umungol sakanya sasabunutan kita" pareho kaming natawa kaya napansin naman kami nila Kuya.

Nakita ko ang pagharap ni Adrian at ang mabilis nyang pagtayo. Sumunod sakanya si si Kuya Clave at tumabi sila saamin.

"Anong ginagawa mo dito?" Naka taas na ang kilay ni Yjasmin habang tinatarayan si Kuya. This girl is really something.

"Bawal ko bang bisitahin ang pinaka mamahal ko?" Parang gusto kong masuka dahil sa mga sinasabi ni Kuya Clave.

"Oh ikaw bakit ka nandito?" Tanong ko naman kay Adrian. Kinamot nya ang batok nya bago sya sumagot. Ano to may kuto?

"Bawal ko din bang bisitahin ang nagiisang mahal ko?" Imbes na kiligin ay natawa ako. Trying hard magtagalog

"Mag english ka nalang Adrian Luiz Sullano" sabi ko sakanya habang pinipigilan ang mga tawa ko. Kita ko naman ang disappointment sa mukha nya dahil imbes nga na kiligin ako ay natawa lang talaga ako sakanya. May accent pa sis eh.

"Oh bakit ka naka simangot dyan?" Halata naman sakanya na may tama na sya. Pulang pula na ang mukha nya at namumungay na ang mga mata.

I can't help but to stare at his white pale skin. His eyes screams something.... he's a very mysterious guy and I can't wait to solve his little mystery.

"Labas tayo?" He held my hands and pulled me. Dinala nya ako sa likod kung saan kami nagusap noon.

Nagulat ako nung may naka set up na picnic blanket sa may tabi ng mga bulaklak at may mga fairy lights ulit. Parang fairytale lang at ako bida.

Gusto kong isipin na nag i-imagine lang ako o nananaginip pero totoo to eh. Totoo na to. Adrian is really sure about me.

"Did you like my surprise?" Hinarap ko sya at niyakap ng mahigpit. I don't care about those labels anymore. I like him and he likes me too.

Fuck those labels.

"Having you near me is what makes me happy Iana. I hope we can stay like this forever" I can hear sadness form his voice pero imbes na pansinin ay umupo na ako sa picnic blanket na inihanda nya.

"Thank you. Thank you for making me the most happiest today" I smiled at him. Mukha namang matino pa sya.

Imbes na sumagot ay unti unti nyalang nilapit ang mukha nya sa mukha ko. I didn't know what to do kaya umupo lang ako doon na parang kahoy na naninigas hanggang sa maramdaman ko na ang malambot nyang labi na dumampi sa labi ko.

My heart is beating so fast....

Ilang minuto nagtagal ang halikan namin.

My first kiss. He took my first kiss and I'm not even gonna complain.

Nung lumayo sya ay hinawakan ko ang labi ko. I can still feel his lips.

Hala nababaliw na nga ata ako!

"Ano ba talaga tayo?" Hindi ko alam saan ko nakuha ang lakas ng loob para itanong sakanya yon... I just want answers.

"Wala" dismayado nyang sagot.

Wala nga naman.

"But I want us to be something" deretso syang nakatingin saakin habang hawak nya ang kamay ko.

"Please let me court you" wala akong pinalampas at agad naman akong tumango sakanya.

Sobrang rupok na kung sobrang rupok. Wala eh, mahal ko.

——————————————————————

Sorry for the late ud :< online class :<

Tell Me You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon