Chapter 10 - Heartfelt
Nakauwi ako sa bahay na basang basa dahil sa lakas ng ulam kagabi. Hindi ako nakasakay ng taxi dahil wala narin naman at hinintay ko nalang na sunduin ako nila Kuya.
Kitang kita sa mata nila ang galit dahil maayos akong umalis at basang basa na ako pagkauwi. Hindi ko naman sila masisisi kung galit sila kay Adrian dahil ako din naman ay galit sakanya. Muntik pa akong magkalagnat buti nalang napa inom kaagad ako ng gamot ni mommy.
"Ilang beses kong sinabi sayo na susunduin kita! Iana kahit isang beses naman mag isip ka!" I don't know how to react because honestly, galit din ako.
Galit ako sa sarili ko lalo na kay Adrian. Paano ko nagawa to sa sarili ko? Masyado na ba talaga akong baliw sakanya para hayaan sya na ganituhin nalang ako?
Kahit na halo-halong emotion na ang nararamdaman ko ay hindi ko alam bakit wala pading pumapatak na luha sa mata ko.
"Clave! Stop! Hayaan mo munang makapag pahinga ang kapatid mo. She already had enough for today, let her rest" iniwan kami ni Kuya Clave sa sala at ngayon lang biglang pumatak ang luhang kanina ko pa hinihintay.
Mababaw talaga ang luha ko kaya expected ko na iiyak ako. Dahil nadin siguro sa sinabi ni mommy at Kuya Clave. Si daddy naman ay nasa baba para ipagtimpla ako ng mainit na chocolate drink para panlaban sa lamig.
I don't drink coffee kaya naman hot choco ang ipinatimpla ko sakanya.
"Pumasok kana sa kwarto mo anak. Ihahatid ko nalang ang hot choco kapag tapos na" tumango ako at inalalayan nako ni Kuya Iyu papasok sa kwarto ko.
"Ayos kalang ba?" Tanong saakin ni Kuya Iyu. Si Kuya Iyu talaga ang pinaka maalaga saming tatlo kaya naman ganon ang pag aalala nya nung makita nya ako kanina sa mall na basang basa.
"Ayos lang ako Kuya" I already mastered the art of pretending that I'm okay even if I'm not.
Pagkapasok sa kwarto ko ay kumuha agad ako ng damit sa wardrobe ko ang naligo kaagad. Lumabas din naman agad si Kuya Iyu at hinayaan akong maligo.
Binilisan ko lang ang pag ligo dahil sobrang lamig na. Ano nading oras at naligo lang ako para hindi ako magkasakit. Ayoko din namang magkasakit dahil Ilang linggo nalang at pageant day na. Hindi ko din naman palalampasin ang founding anniversary dahil grades din yon.
Pagkalabas ay nagulat ako nung naka upo sa kama ko si Kuya Clave. Habang nasa buhok ko pa ang twalya ay kita padin sa mga mata nya ang galit.
Natakot tuloy ako para kay Adrian. Baka pag pumunta yon dito ay bigla nalang syang mabugbog. Ayoko namang mangyari sakanya yon.
Nilapitan ko si Kuya Clave at binigay nya saakin ang hoy choco na ginawa ni daddy.
Sobrang awkward dahil hindi ko din naman alam ang sasabihin ko sakanya. Alam ko namang sasabihin nya ulit sakin na hindi worth it gustuhin si Adrian.
"Sana wag kang magalit saken dahil bilang Kuya mo ginagawa ko lang kung anong alam kong makakabuti sayo. Kapatid kita eh, alanga namang hayaan kitang saktan lang nung Adrian na yon" bigla nanamang tumulo ang luha ko dahil sa sinabi ni Kuya. Tumakbo ako papalapit sakanya at niyakap sya ng mahigpit.
"Ayoko nang sabihin sayo na wag na gustuhin si Adrian dahil alam kong hindi ka naman makikinig. Basta pag kaylangan mo ng iiyakan, andito lang ako. Andito lang kami nila mommy, daddy at ni Iyu para sayo. Ikaw ang prinsesa namin eh. Wag kanang umiyak dyan at inumin mo na to" pinunasan nya ang luha ko at binigay sakin ang tinimpla ni daddy.
Kaya sa taong mamahalin ni Kuya Clave, sobrang swerte nya dahil kahit gago tong Kuya ko ay marunong syang mag mahal. He's the man that will always take care of you.
"Thank you Kuya" yun lang nag tanging nasabi ko kay Kuya dahil hindi ako makapag salita ng maayos dahil sa iyak ko.
"You're my baby sister, kaya wag kanang umiyak dyan kundi si Adrian ang papaiyakin ko" tumawa ako at niyakap sya ulit hanggang sa nakatulog na ako na yakap yakap si Kuya.
KINABUKASAN ay komportable akong nagising sa kama ko na naka kumot na at maayos na naka higa.
Ano na kayang oras bumalik kagabi si Kuya sa kwarto nya? Pagka bangon ko ay may note akong nakita sa night stand ko na nagpangiti saken.
Kuya Clave is really sweet because he left a note for me.
Goodmorning Princess, baba kana breakfast na tayo.
-Kuya Clave ♡
Pumasok ako agad sa banyo para makapag hilamos at toothbrush para makababa na.
Today is also our rest day and of course Saturday Sunday wala kaming pasok.
Pagkatapos ng morning or usual routine ko ay bumaba na ako agad. Nandon si mommy, daddy, Kuya Iyu and of course Kuya Clave. Nakangiti sila saakin habang bumababa ako. Mukhang hinintay talaga nila ako dahil hindi pa sila nag uumpisa.
Today is not my birthday but I feel like it is.
Umupo ako sa pwesto ko at agad naman akong binigyan ng pagkain ni mommy. Si daddy naman ay kumuha ng tubig habang si Kuya Iyu at Kuya Clave naman ay binibigyan ako ng ulam. Anong meron?
"Ayan anak kainin mo yan para lumakas kapa lalo" Ha?
"Teka ma, Wala po ako sakit" banggit ko kila mama at tumawa naman sila. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Parang wala naman.
Hinyaan nalang nila akong bigyan sila ng nalilitong tingin at kalaunan ay kumain nalang din ako. Wala naman akong pwedeng i angal dahil si daddy ay nandon na, ibig sabihin kaylan kumain na kami.
Pagkatapos naming kumain ay deretso agad kami sa sala dahil pare-pareho kaming walang pasok or pwedeng nag absent sila Kuya para samahan ako ngayong araw. Si mommy at daddy din ay hindi nag work kaya sobrang unusual ng araw na to para saken.
"Teka anong meron?" Tanong ko sakanila.
May mga naka handa kasing popcorn at iba-iba pa na pwedeng nandoon sa mga movie theater.
"Anak, Sabi kase ni Kuya Clave mo ay samahan ka daw namin ngayong araw para nadin mawala ang stress mo at syempre for your pageant. Sobrang sweet ng Kuya mo no!"
"Maaaa namannn! Sabi ko wag mong sabihin!"
Napangiti nalang ako dahil hangga ngayon ay ayaw paring ipakita ni Kuya Clave gaano sya ka sweet as a Kuya. Paano pa kaya kapag nagka girlfriend yan na Seryoso? Nako! Baka hindi na sya pakawalan ng girlfriend nya.
Ano pa naman kase ang hahanapin mo sa isang Clave Nuguid? He's handsome and sweet as hell! He's gonna take care of you and he's gonna love you. Syempre minos point nalang talaga ang pagiging gago at babaero nya. Ewan ko ba kay Kuya baket ayaw mag bago.
Buong maghapon ay nanood lang kami ng movie. Tawang tawa talaga ako kay Kuya Iyu dahil sigaw sya ng sigaw nung nanonood kami ng the grudge. Akala mo talaga kukunin sya eh.
"Stop laughing Iana! Nakakatakot naman talaga!" Hindi padin ako tumigil sa kakatawa. Umirap lang sya at ibinalik ang tingin sa screen.
"Tama na yan at malapit na mag lunch. Magluluto na ako" tumango kami kay mommy at bumaba naman sya para magluto na ng lunch. Hangga mamaya ay binabalak naming manood nalang.
"Sya nga pala, bibisita daw mamaya ang Sullano family kaya mag ready kayo"
Parang automatic na nagka tinginan kami ni Kuya Clave at bigla nalang syang nag walk out. Ah oh!
Lagot!
——————————————————————
Pa add to heart kay Clave Hehe
BINABASA MO ANG
Tell Me You Love Me
RomanceI like you too. Four words that I want to hear from you. Gaano ba kahirap sabihing gusto mo din ako? It is hard to like me? Is it hard to be with me? Ryumi Iana Nuguid is a girl who knows what she wants. For her, life is too short and you must enjo...