Chapter 35

9 1 0
                                    

Chapter 35 - Cat out of the bag

Wait, what's happening?

May dapat ba akong malaman?

"Ah I think Erika is already tired. Kaylangan na ata naming umalis" magpapaalam na sana sila nung biglang tumayo si Erika at binagsak ang kamay nya sa lamesa na tila ba may binabalak na sabihin

"Ayaw nyo bang malaman nila?" Tukso nya

Nanghahamon ba sya

"Ija, maupo ka. Hindi namin tino-tolerate sa pamamahay na to ang ganyang pag uugali" sumingit na si daddy dahil halata na ang pagkairita sakanya.

"Or, si Iana nalang talaga ang walang alam sa mga nangyayari. Pinlano nyo to right?" Ngumisi sya na para bang ito na ang huling araw nya sa mundo

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya

Pinlano?

"Please Iana kung ano mang sasabihin nya wag kang makikinig" bumulong saakin si Adrian. Ibig sabihin may alam din sya?

"Teka nga! Ano bang alam nyong lahat na hindi ko alam? Please enlighten me! Gulong gulo na ako!" Hindi ko na mapigilan pa na mapasigaw. Ang inakala kong normal na araw lang ay ganito pala ang magaganap

Kahit pa kasalanan ni Erika na nasira ang araw ko ay medyo nagpapasalamat ako sakanya kung sakali mang may mga bagay na dapat pala akong malaman

"Umupo ka muna, anak" nilapitan na ako ni mommy para pakalmahin ako

Tumingin ako sa paligid ko at tila si Erika lang ang masaya sa mga nangyayari. Kung ganito nga ay sigurado akong may hindi ako magugustuhan sa mga maririnig ko ngayong gabi

"Paano ako kakalma at uupo kung alam kong may kaylangan akong malaman na ayaw nyo namang sabihin Sakin?" I paused for a second. Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita

"Hayaan nyong magsalita si Erika. Gusto kong malaman. Lahat! Lahat Lahat!" Nung tinignan ko si Tita Kendy ay parang nagdadalawang isip pa sya sa mga nangyayari

Na para bang Isang malaking pagkakamali ang pag punta ngayon dito

"So, the state is mine" ngumisi sya at tinignan kami isat-isa

"Hindi naman talaga ako parte ng pamilyang to eh. Hindi naman talaga dapat ako kapatid" tinignan nya si Adrian na ngayon ay deretso lang nakatingin sa pinggan

"Dapat ako ang nasa pwesto mo!" Dinuro nya ako at malakas na sumigaw sa harapan ko

"Shut up Erika! Shut up! Kahit pa hindi nangyari ang mga yon hindi padin ikaw ang pipiliin ko! So shut up!" Binalot ng ingay ang bahay namin.

Para akong natatawa. Bakit hindi ko napansin lahat to? Na nasa harapan ko nalang yung sagot hindi ko pa mahulaan.

Tumawa si Erika at rinig sa buong bahay namin ang halakhak nya.

"No Adrian. Kahit na hindi mo ako mahalin, ako padin sana ang magiging asawa mo! Alam ko na lahat to! Dahil ako dapat yung inuuto mo right? Pero namatay ang Nanay at tatay ko. Namatay sila at ginamit mo yon para sabihin na wag na akong pakasalan at kupkupin nalang ako! Pero hindi ka padin nakatakas sa plano ng mga magulang mo. At yun ang pakasalan ang nag iisang babaeng anak ng mga Nuguid. Guess who is that? It's you, Iana! Kaya kung feeling mo mahal ka ni Adrian, you're wrong!"

Lumapit pa sya sakin at kita ang pag patak ng luha sa mata nya.

"My parents died then my one true love left me. Ginawa akong kapatid ng lalaking gusto kong pakasalan! Ako dapat yung nasa pwesto mo! Ako dapat!"

Sa sobrang dami kong nalaman ay hindi ko na alam pa anong sasabihin. Wala akong maramdaman kaya nung tinulak ako ni Erika ay hindi ako makagalaw. Ang tanging rinig ko nalang ay sigawan.

"F*uck, f*ck! Love, are you okay?" I acted like I didn't hear him. Na parabang wala lang sya don at nandito lang ako mag isa.

"Love?" Tumawa si Erika bago nagpatuloy "are you kidding me Adrian? You never called me sweet names! I can't believe I lost to that woman! She's not even worth the hype! Adrian, Tapos na ang palabas! Stop calling her love now and come back to me" pagmamakaawa nya habang hinahatak si Adrian.

"I will never come back to you Erika. Hindi naman ako sayo una palang! Get out of your imagination, it's not good in there" parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Erika sa mga narinig.

Tumakbo sya papalabas at sinundan sya nila tita at tito. Ang mga Kuya ko ay tinitignan lang ako at parang hindi din alam ang gagawin. Our house is a mess.

"Ma totoo ba?" Hindi padin umaalis si Adrian sa tabi ko habang sinasabi ko yon.

"Iana, we just want the best for you" I chuckled at myself.

"What best? Fooling me? Making me believe that he actually loves me?" Tumawa ako ulit "okay, I guess?" Hindi ko na napigilan pa na umiyak.

I've been fooled by my own family.

"Hindi ka naman namin niloko, Anak. Alam naman namin gaano kabait na bata si Adrian" how should I say this?

"Ma, magkaiba ang mabait sa mahal" hagulgol ko lang ang marinig sa buong bahay.

Pag iyak nalang ang tanging dahilan para mawala yung sakit. Para malabas ko lahat ng hinanakit na nararamdaman ko. Sa lahat ng tao sa Mundo, Bakit ako? Bakit ako na matagal nang umaasa kay Adrian tapos nung minahal nya ako pabalik palabas lang pala ang lahat.

"Iana look at me. Please believe me. I love you" should I laugh? Should I cry? Or should I be glad? Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Kung ano ba dapat ang paniwalaan ko

Words cannot describe how that three words changed my life. If being broken is a prefect trait then I'm prefect.

"Hindi ko alam, Adrian. Hindi ko alam kung dapat paba kitang paniwalaan. Yes, I love you. Pero ayokong saktan lang lalo ang sarili ko" for the first time ay sumagot din ako sa mga sinasabi nya

"Please believe me, love. Please" pumikit ako ng marahan habang dinadama ang yakap nya. Ang yakap nya na hindi ko alam kung kaylan ko ulit mararamdaman

"I believe you" it may be a stupid mistake again but I don't care anymore. I just wanna be loved and appreciated. I want to live my life to the fullest.

This is my journey. This is my story

"I believe you but that doesn't mean I already forgive you"

———————————————————————

You reached the climax of the story. Maybe? HAHA

Tell Me You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon