Chapter 11

18 3 0
                                    

Chapter 11 - Mistake

Bakit ba kase andito sila?

Nasa baba na sila ngayon habang ako naman ay nag aayos dito sa loob ng kwarto ko. Ayaw ko naman talagang mag ayos dahil maayos naman na ang itchura ko pero sabi ni mommy ay maligo daw ako ulit.

Hindi naman ako mabaho psh.

Sinunod ko nalang din ang utos ni mommy at ngayon ay naghahanap ng maisusuot. Medyo kinakabahan ako lalo na kay Kuya Clave. Madalas ay hindi ko alam anong pumapasok sa isip non. Baka bigla nalang manapak yon.

"Iana, bakit ang tagal mo? Handa na ang pagkain sa baba" sigaw ni mommy sa labas ng kwarto ko.

"Malapit na po akong matapos" Sabi ko at binilisan na ang kilos. Sa sobrang pagmamadali ay muntikan ko pang makalimutan na mag suklay.

Naka shorts lang ako ngayon at tshirt. Dito lang naman kase sa bahay eh.

Pagkababa ko ay nasaakin lahat ang tingin nila. First time nila makakita ng cute? Charot.

Lumapit ako sa dining table namin at nandon na nga sila. Napapansin ko na napapa dalas sila dito saamin. Alam ko namang masarap mag luto si mommy pero sure naman ako na afford nila ang isang mamahaling restaurant.

Nakipag beso ako kay tita Kendy at nginitian ko lang si Adrian at Oliver. Wala ngayon ang daddy nila sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi nadin naman ako interesado.

"Iana, ako na ang humihingi ng paumanhin para sa anak ko na si Adrian. Alam kong may galit ka sakanya at naiintindihan ko iyon. Sana ay mapatawad mo sya" Hindi ko maintindihan kung bakit si tita Kendy ang nag so-sorry saken.

"Hindi po kayo ang may kasalanan kaya hindi ko po kayo pwedeng patawarin" sagot ko at kita naman ang pagkadismaya sa mukha ni tita Kendy.

Sobrang bait ni tita kaya naman hindi ko alam kaninong demonyo nagmana itong si Adrian. Mabait naman ang Kuya nya. Tsk.

Gaano ba kahirap humingi ng tawad para hindi masabi iyon sakin ni Adrian? Gets ko naman na mailap talaga sya pero sana naman akuin nya ang kasalanan nya. Hindi na sya bata para saluhin ng nanay nya sa anumang pagkakataon.

"Adrian should apologize to my sister if he is really sorry. Hindi yung mag so-sorry lang dahil feeling mo kaylangan" nagsalita na si Kuya Iyu at napatingin naman sakanya si Adrian. Pati ako ay napatingin nadin kay Kuya Iyu.

"Sorry"

That's the only thing I heard from him.

Siguro nga ay ginusto nya ang ginawa nya kaya mahirap sakanya na mag sorry. And it hurts like hell.

"Are you really sorry Adrian? Are you?" Para akong mauubusan ng hininga sa sagutan nila.

Mas nakaka kaba pa ngayon na si Kuya Clave na ang sumingit. He's the worst! Baka kung ano pa ang nangyari dito.

"Sana ay hindi mo nalang sya sinamahan kung hindi mo din pala sya kayang alagaan. She's a gem to us and you just left her there! Soaking wet under the rain!" Sabi ni Kuya Clave na hindi man lang tumitingin saamin o sakanya.

Napalunok ako dahil sa nakikita kong galit sa mga mata ni Kuya Clave. If his eyes could speak, it would scream 'I wanna kill Adrian'

"She chose to get wet under the rain. Madaming masisilungan sa mall na yon and it's not my fault that it rained"

Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pamumuo ng luha sa mata ko. I tried hard not to cry. Parang ang laking sampal lang kase saakin na wala man lang syang pakeelam.

Tell Me You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon