Chapter 26

11 1 0
                                        

Chapter 26 - A secret you shouldn't tell

Habang naglalakad sa hallway ay rinig ko nanaman ang mga bulungan ng tao. Sanay na din naman ako kaya hindi ko na pinapansin.

Ayokong sirain ang umaga ko dahil sa mga chismis nila. I know myself more than they do.

"Are you okay?" I was actually shock to see Rich beside me. Ngayon lang sya nagpakita.

I act like I was trying to avoid him. Hindi nga sya nagpakita nung pageant eh. Di man lang nag show ng support. Akala ko ba friends kame?

Kumunot ang noo nya. Nagtataka siguro kung bakit hindi ko sya pinapansin.

"Uy kinakausap kaya kita" kunot noo nyang sabi saakin. Sobrang hirap pigilan ng mga tawa ko. Ang sakit sa panga.

"Ayaw mo talaga ako pansinin?" Banta nya. Tinignan ko sya at kita sa mukha nya ang maitim nyang binabalak. Unti-unti akong lumayo sakanya habang papalapit naman sya sakin.

"A-Anong..." hindi ako natapos sa sinabi ko nung bigla nyakong kilitiin.

Pigil na pigil ang tawa ko dahil nasa hallway kame at baka mapa office pa kame dahil sa trip ng lalaking to.

"Ano baaaa Rich!" Gusto kong ihampas sakanya ang hawak kong bag ngunit nanghihina na ako dahil sa kaka-kiliti nya sakin.

"Di mo padin ako papansinin?" Tanong nya. Inirapan ko sya at imbes na pansinin ay nilagpasan ko sya. Alam kong mali ang ginagawa ko at Alam ko din na ikakapahamak ko ito pero bahala na.

Nagulat nalang ako nung hindi ko na maramdaman ang paa ko sa sahig. Ang susunod kong nakita ay ang likod ni Rich dahil buhat buhat nya ako na parang isang sakong bigas.

"Rich Ano ba! Ibaba mo ako!" Kahit na nasa hallway ay nagsisigaw talaga ako.

"First, promise that you will talk to me"

"Promise! Baba mo nako!"

Binaba nyadin ako sa huli at gumawa pa ata kami ng eksena sa hallway. Actually hindi ata dahil gumawa talaga kami ng eksena

Halata namin dahil nasaamin nanaman ang tingin ng mga tao. Mamaya ako nanaman ang laman ng chismis. Shet mama famous nako!

"Alam mo ikaw bida bida ka" inis na Sabi ko sakanya.

"Eh bakit hindi mo muna ako pinapansin?" Takang tanong nya sakin habang nakapameywang. Habang naglalakad kami ay ang dalawa nyang kamay ay naka lagay sa bulsa ng pants nya.

"Tinry ko lang asarin ka. Mukhang effective naman" pang aasar ko lalo sakanya. Kitang kita sa mukha nya ang pagkalito. Angas talaga ng pormahan ni Rich.

Kahit naka uniform nandon padin yung pag nakita mo Rich na rich eh. Mayaman nga naman. Pati pangalan pang mayaman.

"Wag mo na ulitin yon" matigas na bigkas nya. Oh yung pagkakabigkas yung matigas ah! Baka ano nanaman pumasok sa isip nyo eh.

"Inaasar lang eh" pagbibigil ko ng tawa ko. Hinarap nya ako at masuyong tinignan. May nasabi ba akong mali?

"Hindi magandang pang aasar yon Iana" seryoso pero may parte padin sakanya na ayaw nyang maging seryoso. Hindi ko pa nakikitang magalit si Rich. At ayokong makita dahil baka nakakatakot pala sya kapag galit.

"Sige na nga dun na tayo sa baba" anyaya ko sakanya. Bumaba na kami at bumili ng pagkain. Hindi ko pa nakikita si Adrian ngayong araw. Si Yjasmin naman ay may kaylangan pa daw tapusin for acads. Hmmm acads ngaba?

Hinayaan ko nalang. Nandito naman si Rich para samahan ako ngayong araw. Sure naman ako na hindi nya ako pababayaan.

Pagkaupo namin ay hindi talaga maiiwasan ang bulong-bulungan sa paligid namin. Di ko naman sila masisisi dahil na issue nga kame noon ni Rich na magjowa. Eh loka loka din naman kase ako. Sa dami ng pwedeng idahilan yun pa! Yan tuloy. Pero okay din yon ah. Dahil don napaamin si Adrian! Aminin!

"Looks like the slut is here" dumaan si Erika sa harap namin.

"Erika, please stop describing yourself" Halata naman kay Erika ang pagkagulat at eto namang katabi ko ay pinipigilan pa ang tawa.

Pinanlakihan ko sya ng mata. Tulungan mo kaya ako dito no! Wala parin syang ginawa at nagpipigil padin ng tawa.

"Ngayon tapang tapangan ka dahil nandito si Rich? Paano nalang kapag nalaman ni Adrian na pinagsasabay mo Sila?" Maarte nyang sabi.

Nung una akala ko talaga mabait tong babaeng to eh. May itim din palang itinatago.

"Pag nalaman nya? He will probably get mad but sorry to break it in front of you, magagalit sya pero di nya ako iiwan" confident kong sagot sakanya. Too much confidence is not good pero pang bara man lang sa babaeng to na nag f-feeling.

"Kung alam mo naman pala na magagalit sya, Bakit mo pa ginagawa. You know Iana, if I were Adrian, I would not pursue you anymore. You're too complicated, besides, you're not even worth it. Talampakan lang naman kita" I grasped. Talampakan? Is she serious? Ang ganda ko namang talampakan.

"Sorry to break it again in front of you Erika but you're not Adrian. And who are you to tell me that I'm not worth it? Please if you're gonna pull my confidence level down you're not doing it right. It shows that your insecurities are about your physical appearance. Don't get me wrong ha. I know a lot of people who are being insecure about their physical appearance and I totally understand them pero inggit ang meron ka Erika. Stage 4 walang lunas"

Pigil hininga ako habang sinasabi yon sakanya. I don't wanna make a scene but she's pushing my buttons. Para syang batang nakikipag away dahil sa isang pirasong Candy. Bakit hindi nya matanggap na isang beses sa buhay nya ay hindi sya nanalo?

"Ano bang nakita ni Adrian sayo? Obviously I'm more beautiful than you" she rolled her eyes like she couldn't believe that I actually won against her.

"Alam ko naman yon Erika. Mas maganda ka. Mas maputi pero sana sa loob din diba. Kung mag g-gluta kadin naman sana sinama mo na budhi mo. Wag pairalin ang inggit ha. Nakakamatay yan" ngumiti ako bago sya talikuran.

"Teka Lang!" Napahinto ako sa paglalakad nung tinawag nya ako.

"Ano nanaman ba?" Irita kong tanong sakanya.

"Masabi mo pa kaya lahat ng sinasabi mo ngayon kung sabihin ko sayo ang pinaka sinisikreto ni Adrian?" Hindi ako makagalaw sa pwesto ko.

Nakatalikod ako pero ramdam ko ang tensyon.

May alam sya na hindi ko alam.

"It's a secret I shouldn't tell pero parang ang sarap sabihin sayo at sa harap ng madaming tao. After all, you're living inside your imagination that Adrian made for you"

Tahimik ang buong canteen. Walang nagbalak ni isa samin na magsalita. Alam ko na kung bakit.

Dahil ang lalaking dahilan ng lahat ng to ay naglalakad papalapit saamin ngayon.

"Iana tama na" tatlong salita pero sapat na ang tatlong salita nayon para sirain ako.

Why did I even think that we would work out?

——————————————————————

Sabi senyo lubog eh :)

Tell Me You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon