Chapter 9

20 3 0
                                    

Chapter 9 - Under the pouring rain

Ang sabi ko kay Adrian ay ihatid muna ako saamin bago nya ako samahan sa pamimili sa mall. Ang gusto ko sana ay si mommy nalang kaso mapilit talaga si Tita Kendy at magtatampo daw sya sa anak nya kapag hindi ako sinamahan nito sa mall.

Pagkauwi ko ay tinapunan kaagad ako ng malagkit na tingin ni Kuya Iyu at Kuya Clave. Awit. Alam kaya nila na natulog ako sa bahay nila Adrian? Siguro. Baka nga naki chismis pa sila kay mommy eh.

Mga chismoso talaga.

"Oh? Bakit ganyan kayo makatingin?" Tanong ko sakanila.

"Sana sinabi mo samin at sinundo ka namin. Makikitulog ka nalang sa bahay pa ng crush mo. Paano kung ni rape mo yon?!" Ha Ano daw?!

Teka bakit ako yung mang re-rape?! Nababaliw na ba talaga sila?

"Kuya! Hindi ko gagawin yon! Ano bang iniisip nyo? Di ba dapat saakin kayo magalala? Bakit parang si Adrian ata kapatid nyo" inirapan lang nila ako tyaka tumingin ulit sa pinapanood nila.

Alam nilang crush ko si Adrian at sinabi ko talaga sakanila na wag sasabihin kay mommy kundi patay talaga silang dalawa saken.

Pumasok na ako sa kwarto ko at naligo para makapaghanda na sa lakad namin ni Adrian mamaya.

Hinilod ko talaga pati kasingit-singitan ko para sakanya. Charot! Malinis naman kase talaga ako dahil hobby ko ang maligo. Oh! Di nyo kaya.

Pagkatapos kong maligo ay pumunta ako sa wardrobe ko para mamili ng damit na susuotin. Hindi naman ako ganon ka fashionista kaya simpleng crop top at jeans lang  ay pwede na. Simplicity is beauty. Ganon!

Tinext ko muna si Adrian na tapos na ako at ilang minuto lang ako nag reply sya.

Adrian Sungit:

K.

What?! K? Yun na yon?! Matanda ba tong kausap ko? Kung si mommy pa ang nag message sakin nyan ay maiintindihan ko, pero really? Adrian?

Hinayaan ko nalang ito at nag hintay na sa sala. Sa mall nalang siguro kami kakain ulit dahil anong oras na din. Bibilisan ko nalang ang pamimili dahil nakakahiya na sakanya.

Pagkatapos ng Ilang minutong paghihintay ay sawakas dumating na din sya.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad saakin ang kagwapuhan nya. Naka suot din sya ng jeans na tinernuhan nya ng polo na kulay black. Ewan ko kung bakit puro black ang damit nya.

"Tara na?" Masigla kong tanong sakanya at tango lang ang isinagot na dito. Sungit sungit talaga.

Attitude naman sya lagi kaya ano pang bago? Dapat ay masanay na ako dahil mas madalas na kaming magkakasama ngayon. Swerte ko na magkaklase na kame.

Tahimik lang kaming dalawa na nakikinig sa radyo ng sasakyan nya. Naisipan ko na ilipat ang music. Hindi naman siguro sya magagalit dahil maganda naman ang ipapalit kong kanta.

Kpop na thissss!

Tell me you love me by bolbbalgan4 is now playing!

Ahihihi

Relate kase ako sa kantang to eh. Paano ba naman sa Tagal kong may gusto kay Adrian ngayon nya lang ako napansin at nakilala.

"Ano yan?" Takang tanong nya saakin. First time nya siguro makarinig ng Kpop. Dapat masanay nya sya dahil ang future wife nya ay isang Kpop fanatic.

"Alam mo ba ibig sabihin ng mga pinapakingan mo nayan ha?" Wow ah. Hindi nya ata alam na sobrang talentsed ng future wife nya

"kaya nga may tinatawag na english subtitle eh. You're so old school talaga Adrian" I laughed and I saw how irritated he is.

Tell Me You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon